Bang's Pov
Nakarating na din kami ng Manila. Kapagod lang ang byahe. Si Vic din ang nagdrive.
Isa isa namin hinatid ang bullies. Si Mela sa condo niya sa makati. Kaya kami kahit malayo sige lang.
Napansin kong humihikab si Vic. Pagod na din at antok. Halos wala din siyang tulog nung huling gabi namin.
"Baby. Ok ka lang palit tayo gusto mo?" Hawak ko sa kamay niya. At tanong.
"Yup. Im ok. Wag na. Dyan ka lang sa tabi ko. Ill drive you home." Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Oh ano yang ngiti mong yan? Ayoko ng ganyan mo Vic ah. Tss." Inirapan ko siya.
"Hahaha. Wala po." Maang nya.
Nang makarating kami sa bahay deretso siya ng kwarto. Sumunod naman ako.
"Baby pahinga lang ako ah. Medyo pagod eh." Paalam niya sakin.
"Sige. Ligo lang ako. Feeling ko kasi nanlalagkit ako."
"Sige." Pagsagot niya.
Pumasok na muna ako ng banyo. Paano habang asa byahe kami hindi maalis sa isipan ko yung nangyari samin nung unang gabi namin sa batangas.
Hindi naman talaga ako nanlalagkit. Nag iinit talaga. Kasi naman. Nabaliw ako halos sa ginawa namin nung gabing yun.
Naligo na lang ako baka sakaling mawala yung init ng katawan ko.
Nang matapos ako di pa din gumiginhawa yung init na nararamdaman ko. Lumabas ako ng cr at nakita ko sa Vic na nasa couch at may hawak na bote ng alak.
"Ano yan Vic?" Tanong ko sakanya.
"Di kasi ako makatulog eh. Hmmm. Ang bango mo naman baby." Paglapit niya sabay amoy sa leeg ko.
"Hmmm. Vic." Inuulan kasi niya ako ng mumunting halik sa leeg ko.
"Baby round 1 please. Hmmm." Pag halik niya sa balikat ko. Nang maalala ko na nakatapis lang ako ng twalya agad ko siya inalayo ng bahagya.
Lumapit siya ulit at siniil ako ng halik sa labi ko. Naramdaman ko na naman ang kuryente sa katawan ko na dahan dahang dumadaloy sa katawan ko.
"Vic. Hmmm. Ahhh." Pag moan ko.
"Baby isa lang. Hmmm." Sabi niya habang paakyat sa tenga ko ang halik niya.
Biglang nagring ang phone ko. Pero si Vic hindi tumitigil sa paghalik sakin.
"Baby may tumatawag. Ahhh." Sabi ko habang pababa sa leeg ko halik niya.
"Bayan. Tsss." Pag tigil sa halik ni Vic sakin at kinainis niya. Napangiti lang ako.
"Ligo lang ako." Paalam niya at agad ko naman sinagot ang tawag.
Unknown number. Sino naman kaya to. Pinaring ko pa ng isa hanggang sa sinagot ko na.
"Hello?" Bungad ko pagsagot ko ng phone ko.
"Bang. Ang papa mo" Bigla akong napatigil sa boses na yun. Garalgal ang boses niya.
"Ma anong nangyari? Bakit umiiyak kayo? Anong nangyari kay Papa?" Tanong ko kay mama.
"Nabaril ang papa mo Bang. Nandito kami ngayon sa hospital." Bigla kong nabitawan at nakita ko si Vic patakbo sakin ng makalabas siya ng banyo.
"Baby anong nangyari?" Pag aalala niyang tanong sakin.
"Si Papa daw. Nabaril." Naiiyak kong sabi kay Vic.
"Halika na. Puntahan na natin."
Agad kaming nagmadali papunta sa hospital kung nasan si Papa.
BINABASA MO ANG
Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )
FanfictionNaisipan ko lang po silang gawan. Comments and Violent reaction okay lang po. Thank You.