Kim's Pov
Dalawang linggo na din walang malay si Vic. Napostpone na din ang kasal nila ni Bang.
Mag isa lang ako dito dahil pinauwi ko na muna sila. Si Mika at Bang halos di na umuuwi para lang mabantayan si Vic. Kaya pinauwi ko na lang muna ang dalawa. Pwede naman sila bumalik bukas para mag bantay ulit.
Ang parents naman ni Ara bumalik ng US dahil nagkaproblema sa kumpanya nila.
Ako: Vic. Gising ka na oh. Dalawang linggo ka na ding tulog oh. Laban ka Vic ah. Patawarin mo sana ako Vic kung naglihim man kami sayo. Alam ko kasi maguguluhan ka. Maguguluhan ka sa nararmdaman mo pag patuloy kayo nagkasama ni Mika. Pero Vic para din naman yun sayo eh. Sana mapatawad mo ko. Doooocccc!!!!
Naramdaman kong gumalaw ang isang daliri niya at agad kong tinawag ang doctor.
Nang makapasok ang doctor agad niyang sinuri ang kalagayan ni Vic. Nakita ko din na unti unti na din nagagalaw ni Vic ang iba niyang daliri.
Doc: This is a good sign. Miss pwede mo bang mapatawag ang mga magulang niya? Kailangan ko kasi sila makausap.
Ako: Eh doc bumalik po kasi ng US eh.
Doc: Ah ganun ba. Inform mo na lang sakanila then tell them I want to talk to them.
Ako: Sige po doc. Masusunod po.
Lumabas na din ang doctor at mga nurses. Lumapit ako kay Vic at hinawakan ang kamay niya.
Ako: Vic. Gising ka na oh. Nakita ko ng gumalaw mga daliri mo eh. Sige naman na oh.
Kahit tulog si Vic kailangan ko pa din siyang kausapin. Gawa na din na pwede siya makarinig para malaman niya na may taong nakapaligid sakanya.
Umabot ng gabi pero nagulat ako ng makita ko si Bang.
Ako: Oh anong nangyari? Magpahinga na muna ikaw. Bukas ka na bumalik.
Bang: Ang hirap eh. Di din ako makapag pahinga eh. Kaya pumunta muna ako dito.
Ako: Tamang tama. Bibili na lang muna ako ng foods. I know gutom ka na din naman.
Bang: Ah oo. Salamat ah.
Iniwan ko muna ang dalawa. Tutal dapat nga muna silang mag usap. I know kapag kinausap siya ni Bang habang tulog magigising na siya.
Gumalaw na nga diba ang daliri niya at good sign na daw yun para magising siya. Kaya ako ito bibili na muna ng foods.
Nang makabili ako bumalik na din ako. Habang naglalakad ako napaisip ako. Ewan ko halos dalawang linggo di nag uuwi si Mika at Bang. Di sila nagpapalitan. Sabay sila kung magbantay kay Ara.
Nangangayayat na masyado ang dalawa. Gawa ng puyat at konti ang kain. Kaya bumili ako ng maraming pagkain para kahit papano makabawi na din si Bang ng kain.
Nang makarating ako gising na nga si Vic.
Ako: Viiiiicccc..
Nakita kong napalingon siya sa akin. Pero ang ekspresyon ng mukha niya ay blangko.
Ako: Gising ka na. Mabuti naman. Ano may masakit ba sayo? Saan masakit?
Ara: Sino ka?
Parang nanlambot ako sa narinig ko. Ito na ba yung kaparusahan sa ginawa namin sakanya?
Nakita ko si Bang na umiiyak sa gilid. Napansin kong palipat lipat ang tingin niya samin ni Bang.
BINABASA MO ANG
Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )
FanfictionNaisipan ko lang po silang gawan. Comments and Violent reaction okay lang po. Thank You.