45

2.3K 12 1
                                    

Third person's Pov

Nagplano ang lahat ng LS kasama ang bullies at si Bang. Susupresahin nila si Vic. Dala ang bawat bagay na makapag papaalala kay Vic kung sino sila at kung ano sila kay Vic.

Sabay sabay sila nakarating sa hospital at tinungo ang kwarto ni Vic. Kumatok muna si Kim pero walang sumagot.

Pinihit ni Kim ang pinto at dahan dahan niya itong binuksan. Laking gulat niya ng makitang walang taong nakahiga sa kama.

Niluwagan ni Kim ang pagbukas ng pinto at lahat sila nagulat. Wala si Vic sa kama na kung saan dito nila iniwan nung nagsabi siyang gusto na niyang magpahinga.

Lahat sila pumasok sa kwarto ni Vic ng may makita silang isang sulat.

Binasa ni Aby ang sulat. Binasa niya ito ng malakas.

To my team,

Im very sorry to leave you guys. Before I leave someone's came to my room. And that's Mela. Mela Tunay. She tells me everything about you guys. Masaya ako at naging parte kayo ng buhay ko bago pa lang mawala ang memorya ko. Nawala man kayo ngayon sa isip ko alam ko. Ramdam ko na nandito lang kayo sa puso ko. Nagpapasalamat ako at hanggang sa huli hindi niyo ako iniwan. Nandyan kayo para bantayan ako nung nacoma ako. To Ate Aby. Na ang kwento sakin ni Mela ang tawag ko sayo ay MotherF. Nagpapasalamat ako at ikaw ang tumayong nanay nanayan ko for my college days. Sa ibang LS. Di ko man kayo masyadong nakabonding alam ko naging part din ako ng buhay niyo in other way. To Bang. I know you hurt now. Im sorry if I can't remember you. Thank you for being my partner. Thank you for your love. Alam ko hindi ko na yun masusuklian dahil na din sa kalagayan ko. Salamat. Thank you for everyhing.

Nung binasa ni Aby ang sulat about Bang hindi na niya napigilan ang umiyak.

Nagpatuloy lang si Aby sa pagbabasa.

To my bully friends. Nakwento din ni Mela kung gaano tayo kaclose since college days. Kung gaano tayo kadikit sa isat isa. To Kim. Kwento ni Mela sakin isa ka daw sa mga tumulong sakin. Isa ka sa mga nagbantay para sa akin. Salamat para dun. Masyado ng mahaba ang sulat ko. Maraming salamat sa inyong lahat.

Nang matapos ang sulat lahat sila humihikbi. Umiiyak dahil na din sa laman ng sulat. Si Mika tahimik lang. Wala isa sakanila ang nagsalita.

Napaupo si Mika sa couch at dun na nagsimulang umiyak. Hinahagod ang likod niya ni Cienne.

"Tama na Mika." Pagpapatahan ni Cienne kay Mika.

Nang kumalma silang lahat isa isa na silang lumabas sa kwarto. At nagpatuloy sa paglabas ng hospital.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gawan ko ng book 2. Trip ko lang. Hehehe.

Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon