14

1.6K 18 0
                                    

FF

Ara's Pov

Nagising ako ng may naririnig akong ingay sa labas. Anong oras na ba? Lumingon ako sa wallclock ko at nakita ko mag aalas otso na. Bumangon ako at nag cr. Nagpalit ako ng damit at saka lumabas ng kwarto ko. Nagulat ako na nandito sila.

Kim: Goodmorning wafs.

Cienne&Camille: Goodmorning Arabell.

Carol: Arababe goodmorning.

Ate Aby: (lumapit at niyakap ako) Goodmorning daughterf.

Ako: Goodmorning din motherF.

Mika: Goodmorning tomsy (sabay halik sa noo ko.)

Ako: Goodmorning din daks. What brings you here guys? (tanong ko sakanila na may pagtataka)

Kim: Wag ganun Vic. Usapan ay usapan. Tapos ngayon di mo naalala?

Ako: Wala nga ako naalala. Anong usapan?

Mika: (pumunta sa likod ko at yumakap sakin) Tomsy nag aya ka po last sunday na get together tayo. So eto na tayo.

Di ko maalala. Kelan ko sinabe yun? Ay yae na nga.

Ako: Seryoso? San tayo ngayon?

Nawala sa isip ko dahil na din sa dami kong ginagawa dito sa bar. Pero wala talaga akong maalala.

Ate Aby: Kaen na muna tayo. Mamaya na tayo magkwentuhan.

Ako: We? Di nga. Ano nga yun?

Mika: Kaen na muna tomsy.

Di talaga nila sinasagot tanong ko. Bakit kaya? Kumaen na lang ako at di na inintindi ang mga pinag sasabe nila.

Nagulat ako na may mga maleta sa gilid ng pinto ng pagtayo ko sa hapag kainan.

Ako: Saan galing to? I mean kanino to?

Carol: Samen yan Vic. 3days tayo dun.

Cienne: Saya dun for sure. Hahaha.

Camille: Marame akong gustong gawin dun. Hahaha.

Kim: Vic ligo ka na. Naka prepare na din ang gamit mo. Pagkabihis mo aalis na tayo.

Ako: Eh san nga tayo pupunta? Ano ba yan siya.

Mika: Basta makinig ka lang samen okay. Sige na bihis ka na.

———————

Mika's Pov

Wala naman kasi talagang usapan. Wala naman siyang sinabe na mag get together kame ulit. The last time kasi nung nagkita kita kame nila Julls hindi ko na siya ulit nakita.

Pero nung gabing tumawag ako sakanya kung nasan siya nasa may gilid lang ako niya kung saan tanaw ko siya.

FLASHBACK...

Sinundan ko kasi siya pag kaalis niya ng bar. Nang makita ko kung saan yun agad akong nalungkot nun.

Nakita ko kasi siya na paglabas ng kotse na may dala na siyang beer. Naglakad siya papunta sa may upuan.

Matagal bago niya inumin yung beer. May nakita akong babae na naglalakad papunta sa gilid at pinagmamasdan si Ara.

Its Bang. Nakita ko sa mga mata niya kung gaano kasakit sakanya na makita si Ara ng ganun ang kalagayan. Napa isip ako. Ganyan din ba siya nung nawala ako?

Maya maya bigla na lang siya nagsalita...

Ara: Baby. Bang. Bakit? Bakit ganun ganun lang? Bakit sa kabila ng ginawa mong pag papa alis sa lungkot at sakit na naramdaman ko kay Mika nun. Ikaw pa mismo na sa isang iglap lang binalik mo lahat.

Uminom siya ng beer at nagsalita ulit...

Ara: Baby sabe mo walang iwanan. Sabe mo kapit lang ako sayo. Sabe mo sabay nating haharapin ang mga problema. Sabe mo hawak kamay natin lalagpasan ang mga pagsubok satin. Baby bakit ganun?

Yung makita na ganyan si Vic ang sakit sakit lang. Nakita kong pinupunasan ni Bang yung mga luha niya.

Bakit kasi ang daming di pwede? Bakit kasi ang daming humahadlang? Nagmamahalan lang naman sila eh. Bakit ba ang unfair lang ng buhay. Tinawagan ko sa Vic para tanungin kung safe ba siya o hindi kahit alam ko kung nasan siya.

Ara: Hello?

Ako: Vic ok lang ba?

Ara Yes Im ok.

Ako: Sigurado ka?

Ara: Im alright.

Ako: Magiingat ah. Baka lasing ka na dyan. Nasan ka ba kasi?

Ara: I know. I know. Di naman ako lasing. Nag a unwind lang ako.

Ako: You sure? Baka kasi mapahamak ka. Naka inom ka pa naman. Baka mabangga ka.

Ara: Im safe. Ill be driving maybe later. Pawawalain ko lang tama ko.

Ako: Siguraduhin mo lang Vic ah. Sige na. Mag ingat ka ah.

Ara: Alright. Thank you Mika.

Ako: Wala yun. Basta mag ingat ah.

Ara: Thank you so much Miks.

Ako: Paulit ulit lang ang pag tethankyou? Sige na. Bye.

Ara: Alright. Bye.

Nang binaba ko na yung tawag inubos na niya yung beer at dumiretso na sa kotse niya. Matagal bago siya umalis. Wala na din si Bang sa gilid.

Nagstart na ang kotse niya at agad umalis. Sinundan siya ng isang kotse kung nasan si Bang ang nag ddrive. Hindi ko na sila sinundan pa. Alam ko naman na susundan ni Bang si Ara gang sa bar eh.

End of flashback..

Kinabukasan kasi nun tinawagan ko si Kim. Tapos nagplano kame. Kaya eto kame ngayon. Pupunta kame sa resort niya. Naka handa na din ang lahat ng dapat ihanda dun.

Isang gabi lang kame. Tapos balik na agad ng manila. Feeling ko kasi nasasayang yung mga araw eh. Kailangan na nila mag kaayos. Kapag kasi nakikita ko si Vic parang lagi na lang siya nasasaktan eh.

Ganito din kasi ang nararamdaman ni Kim kapag nakikita niya si Vic. Kaya eto. Sana magkaayos na sila. Di man sila magkaayos atleast magkaliwanagan man lang sila.

——————

Something New ( A KaRa and BaRa FanFic )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon