Part 01:TIWALA

907 10 0
                                    

Ano pa ba ang dapat gawin?
Ano pa ba ang dapat sabihin?
Kahit anong aking sambitin,
Tila hindi ka kayang paniwalain

Dapat pa bang ungkatin ang nakaraan?
Kahit alam kong para sakin ikaw ang nakalaan.
Tapos na,matagal na panahon na ang lumipas
Mga naramdaman noon matagal ng lumikas

Wag na sanang ipilit na mahal ko pa sya,
Dahil ako'y hindi nagmamahal ng hindi pa handa
Pagdududa,pagtatampo sa hindi dapat
Pagmamahal na binibigay sayo'y hindi ba sapat?

Pag sinabi kong ikaw lang,sana'y maniwala ka,
Ikaw ang aking buhay,ikaw ang aking ligaya
Hindi pa ako nagmahal ng ganito kalala
At hindi ko kakayanin pag ikaw sakin ay nawala.






*****Don't forget to Vote,Comment and Share😄😄😄******

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon