Part 07:MINAHAL KO DIN

382 3 0
                                    

Sa ilalim ng patak ng ulan,
Mga luha'y sadyang hindi mapigilan,
Naiisip ang mga masasayang nakaraan,
Ayaw mang isipin,ngunit ito'y nababalikan.

Mga masasayang panahon natin,
Nung ako'y saiyo at ikaw ay akin,
Napapangiti kahit luha'y tumutulo,
Bakit nga ba nasira mga pangakong binuo?

Sana'y hindi nagbago ang lahat,
Sana sa akin ika'y naging matapat,
Balewala na ang lahat na pagkakataon,
Lahat ng sakripisyo saiyo'y itinapon.

Naglalaban ang mga nararamdaman,
Gustong ikaw pa rin ngunit natatakot nanaman,
Isang araw kung ako'y maalala mo parin,
Sana'y maisip mo na ika'y minahal ko din.




*******Don't forget to Vote,Comment,and Share😄😄😄*********

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon