Part 08:ISIP NA MAGULO

266 2 0
                                    

Ano ba ang dapat maramdaman,
Isip ko laging naguguluhan,
Ano ba ang gusto kong gawin,
Isip ko di magawang linawin.

Sabi ng puso ko mahal kita,
Sabi ng isip ko tama na,
Masyado na masakit, mahirap
Walang oras mag-isip, bawal kumurap.

Alam ko konting bitaw lang ika'y lilisan,
Kelangan pa ba na ito'y higpitan?
Nakakatakot na ikaw ay hawakan,
Baka pumiglas ka at ako ay iiwan.

Sana ako ay iyong hawakan,
Iparamdam na di mo ko kayang pakawalan
Isip ay gulung gulo, gagawin ba ay paano?
Ganito ba talaga pag nagmamahal ng totoo?

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon