Part 16:MAHAL KITA PERO KAIBIGAN LANG PALA

33 2 0
                                    

"Mahal kita, pero kaibigan lang pala"

Kaibigan kita!
oo kaibigan kita!
at hanggang kaibigan lang pala ang iyong kaya
kaya heto ako plinano na dumistansya
didistansya dahil nasaktan na
at ayoko ng masaktan pa.

Bes? naaalala mo pa ba yung unang beses kong binitawan yung salitang "Mahal kita"
yung salitang" Mahal na kita"
"Mahal na kita higit pa sa pagkakaibigan na nabuo nating dalawa"
yan yung mga salitang binitawan ko na akala ko maganda ang isasagot mo,
na akala ko'y sasagutin mo ito ng ganito:
"Bes? Mahal din kita"
yang mga linyang yan ang inakala ko na isasagot mo
pero nung nagsalita ka na?
tumulo bigla yung luha sa aking mga mata
tumulo di dahil sa saya
kundi tumulo dahil sa binigkas mong salita:
"Bes? sorry ha? pero hanggang magkaibigan lang talaga tayo at sya parin yung gusto ko"
tumigil mundo ko nung narinig ko ito
di ko alam kung matutuwa ba ako o luluha dahil nito.
Ang daya mo!
Manhid ka ba o yan lang talaga ang talento mo
talento na nagbibigay motibo para mahulog ako
nahulog na sayo pero di mo parin sinalo.
Ang daya mo!
ang daya daya mo!
nung nasaktan ka, sino yung nandyan para damayan ka
nung umiyak ka, sino yung nandyan para pumunas ng luha sa'yung mga mata
nung nawala ka sa sarili mo dahil sa kanya, sino yung nandyan para ipakita na may silbi ka pa
nung nangangailangan ka ng karamay, di ba ako yung nandyan para dumamay
Bes? ako yung nandyan di'ba?
diba sabi mo pa nga sa'kin noon na:
"Bes? kung may kelangan ka, andito lang ako lagi para sayo ha? at hinding-hindi kita iiwan?"
yan yung mga pinangako mo na akala ko'y tutuparin mo
at yan yung mga sinabi mo na akala ko'y gagawin mo
pero ang totoo? hanggang salita lang pala ang kaya mo!.

alam mo pinagsisisihan ko na umibig ako sa'yo
pinagsisisihan ko na nahulog ako sa'yo
at mas lalong pinagsisisihan ko na naniwala ako sa mga sinabi mo.
ang galing talagang pumana ni kupido no?
kasi sa dinami dami ba naman ng babae sa buong mundo
sa dinami dami ba naman ng babae sa paligid mo
ba't ako pa ang tinaman nito
ba't ako pa ang tinamaan sa'yo
tinamaan sa maling tao
maling tao kasi di nya kayang suklian yung pagmamahal na binigay ko .
Ayoko na, suko na ako!
isusuko ko nalang sa taas tong nararamdaman ko sayo
kasi kung mananatili pa ako sa tabi mo
mas lalo lang madaragdagan 'tong sakit na nararamdaman ko
lalo na sa tuwing magkasama kayo ng taong totoong mahal mo.
Kaya lalayo nalang ako
lalayo para sa ikakagaan ng nararamdaman ko
lalayo para malimot at mahilom tong sugat sa aking puso
kasi alam ko na kahit ano pa ang gagawin ko
KAIBIGAN lang talaga ang kaya mo
at hanggang kaibigan lang talaga ang gusto mo.
kaya ngayon tuturuan ko nalang tong sarili ko
tuturuan na tanggapin kung ano yung totoo.

Kaya para sa kaibigan ko na minahal ko?
Salamat sayo
Salamat sa  panandaliang pagmamahal
sa panandaliang saya
At sa panandaliang ngiti
Na magreresulta lang pala ng pighati
Salamat sa panandalian na umasa at nagpakatanga ako sayo
Yung panandalian na sayo lang umikot yung mundo ko
Umikot ng umikot sa mga salitang binitawan mo.

Kaya sa lahat ng tao na nahulog sa kanilang kaibigan?
Ito yung aral ni Batang Makata na sana’y inyong pagkatandaan:

“Wag na tayong magpadala sa mga matatamis na salita at nakakakilig na kilos nila, dahil baka sa huli tayo lang din ang pinapaasa at  ginagawang tanga nila.”

At ito yung mas nyong tandaan:
“Wag nating ibuhos lahat ng ating naraamdaman, ng sa huli di natin ito pagsisisihan at ng sa ganun di tayo masasaktan ng lubusan.”

#hopeyoulikeit♥️✏️😉

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon