Pagpikit ng aking mga mata,
Tila nagbalik ang mga alaala,
Nung ako ay nakadama ng saya,
Nung ako noon ay nasa piling niya.Ngunit nakaramdam ng sakit,
Puso ay parang iniipit,
Parang isang bangungot,
Na dapat lamang malimot.Parang nababalot ng dilim,
Gustong itago,gustong ilihim,
Mga nadarama'y iisang tabi,
Pagpakalunod sa paglalim ng gabi.Mga mata'y pilit na idinidilat,
Para sa katotohanan ay mamulat,
At uulit nanaman muli sa umpisa,
Sa susunod na pagpikit nitong mga mata.*********Don't forget to Vote,Comment,and Share😄😄😄********
BINABASA MO ANG
Spoken Poetries[On-Going]
PoesíaMga tula tungkol sa pag-ibig,sa mga pusong nasawi at tula para sa mga pumapagibig. First time ko pong magsulat dito sa wattpad.....Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga ginawang tula....... Enjoy reading........😄😄😄😄