Part 05:TAMANG PANAHON

457 1 0
                                    

Darating ang araw na malilimutan kita,
Ang iyong haplos,boses,at ang iyong mukha,
Darating ang araw na hindi ka na hahanapin pa,
Darating ang araw na hindi ka na hahanapin pa,
Tatalikuran ko na ang masasaya at masakit na alaala.

Darating ang panahon na maghihilom din,
Ang mga malalim na sugat na iyong idiniin,
Darating ang araw na hindi ka na maiisip,
Mawawala na ang nararamdaman sa dibdib na masikip.

Darating ang panahon na muling makakaiwas,
Sa lahat ng sakit at dusa na ipinaranas,
Darating ang araw na matatapos din ang lahat,
Lalo na ang pag-ibig saiyo na hindi naging sapat.

Darating ang araw na magiging masaya,
Ang tamang tao ay mahahanap at makikilala,
Darating ang tamang panahon para sa akin,
Puso'y muling bubuksan,nadarama'y sakanya ibabalin




*******Don't forget to Vote,Comment,and Share😄😄😄**********

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon