Part 11:DI NA TULAD NG DATI

107 1 1
                                    

Hindi ko alam kung anong madarama,
Bakit parang pag-ibig biglang nawala,
Dahil ba sa sakit na naranasan noon,
O sadyang nagmanhid ang puso sa masakit na kahapon?

Hindi na tulad ng dati na nagpapakatanga,
Hahayaan na lang lahat para di na mag alala
Siguro nga hindi na ganun kalakas ang nadarama,
Lumipas na din ang init para sayo sinta.

Tanggap ko naman na di ka buong akin,
Kaya naman nababawasan unti unti ang pagtingin,
Puso'y hindi ka na din hinahanap hanap,
Namulat na ang mata, di na kailangang magpanggap.

Magsisimula na ako ulit sa umpisa,
Yung wala ka sa buhay at ako lang mag-isa,
Kahit sabihin mo sakin na mahal mo ako sinta,
Di na tulad ng dati, hindi na yun ang aking nadarama.

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon