Part 13: Okay Lang Ako

88 1 0
                                    

Nakangiti sa harap ng madla
Tumatawa ng peke sa harap nila
May pa joke joke pang nalalaman sa kanila

Okay lang ako
Lagi ko yang ginagamit
Sa pangloko at pag sisinungalin kahit kanino

Upang matakpan ang totoong nararamdaman
Sakit na pinag dadaanan

Pano ko nga ba sasabihin
Kong hindi naman ako paniniwalan
Ng karamihan

Dahil tingin nila sa akin
Ay palatawang kaibigan

Tumigil panandalian
At nag pahinga ng ilang buwan
Na pag isipan
Bakit ko nga ba to iiwan?

Ehh dito ko lang naman
Nasusulat ohh na ipapadama ang totoo kong nararamdaman

Pasensya kong di ako kagalingan
Tulad ng ibang manunulat
Pasensya kong minsan di maintindihan ang aking sulat

Okay lang ako
Kahit araw araw nilalait nyo ko

Pero salamat dahil minsan
May mga tao paring
Nag papahalaga kahit di nyo ko kilala

Heto ako ngayon
At muling mag susulat
Heto ako ngayon
At tunay na masaya

Ngunit laging tatandaan
Kong meron mang pinag dadaanan
Huwag mong kimkimin
At tumahimig sa tabing daan

Ilabas mo ito
Isigaw mo
Kong kaya mo
Sabihin mo ang tunay na nararamdaman mo

Huwag mong hayaan
Na sanayin ang sarili
Sa kasinungalingan
Na okay lang ako..

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon