Napakalayo, hindi makamtan.
Bakit lumayo, bakit sinaktan?
Bakit ang damdamin ay pinagmalupitan?
Bakit bigla mo akong iniwan?Parang bituin na mahirap abutin.
Kahit anong gawin di pwedeng maging akin,
Hanggang tingin, hanggang pag hanga,
Hanggang tanaw, hanggang pag asa.Gusting yakapin, gustong hawakan,
Kahit saglit gusto kong titigan,
Di na mahabol, umiiwas, lumalayo,
Di na alam kung paano pa susuyo.Di na maibalik ang nakaraan,
Akala ko ika'y sa akin nakalaan,
Sana'y di nalang natapos ang panaginip,
Sana ang hangin ay magbago pa ang ihip.******Don't forget to Vote, Comment and Share😊😊😊******
BINABASA MO ANG
Spoken Poetries[On-Going]
PoetryMga tula tungkol sa pag-ibig,sa mga pusong nasawi at tula para sa mga pumapagibig. First time ko pong magsulat dito sa wattpad.....Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga ginawang tula....... Enjoy reading........😄😄😄😄