💞💔Tumatawa ng may luha💔💞
Tumatawa kahit nasasaktan
Luluha kapag tinamaan
Tinamaan ng mga katagang "BAKA MAY IBA NA SIYA KAYA KA INIWAN AT PINAGPALIT DUN SA ISA?"
Kaya ka mas lalong nahihirapan dahil sa 'di mo matanggap na ganun lang kadali para sa kanya na iwan at ipagpalit ka sa iba.Napapaisip ka----at tinanong ang sarili "Hindi pa ba ako sapat para sa kanya?"
Mahirap ang magpanggap na masaya lalo na kung durog na durog kana
Mahirap ang tumawa lalo na kung kapalit naman ay mga luha
Mahirap ang magpakatanga sa isang taong nasa iba na lalo na't matagal na kayong wala.Ikaw na nagdurusa
Siya na masaya
Ikaw na lumuluha
Siya na tuwang-tuwa
Tuwang-tuwa sa bago niya.Masakit
Masakit ang magmahal
Lalo na kung minahal mo ng lubusan
Ikaw na ingat na ingat sa relasyon nyong dalawa
Pero siya parang wala lang kung ano ang meron kayong dalawa dahil sa pagtapon nya bigla ng iyong mga alaala
Alaala nung na saiyo pa siya na ngayon hawak na ng iba
Masakit magpanggap na okay ka.Pero ang totoo gustong-gusto mo nang ilabas kung ano ang iyong nadarama
Nadaramang sakit na kinikimkim lagi
Sakit na tinatago kahit masasaktan ka lang lalo na itatawa nalang bigla wag lang mapansin na mas lalo kang nasasaktan nang dahil sa iyong ginagawa
Ginagawang kasinungalingan,maipakita mo lang na kaya mo pa,kaya mong maging masaya kahit wala na sya
Pero ang totoo
Hindi,kasi minahal mo sya ng sobra
Sobra na halos gawin mo na ang lahat wag lang syang maagaw ng iba pero wala e,napunta sya sa iba ng kusa at ikaw naiwang nakatulala
Tumatawa ng may luha, pinipilit na magpakasaya kahit na
Sasabog kana
Sasabog ang sakit na nadarama
Sakit na dinadaan mo lagi sa tawa kaya ka minsan ng mumukhang tanga,
Tatawang may luha sa mga mata na patuloy dumadaloy ng kusa.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetries[On-Going]
PoetryMga tula tungkol sa pag-ibig,sa mga pusong nasawi at tula para sa mga pumapagibig. First time ko pong magsulat dito sa wattpad.....Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga ginawang tula....... Enjoy reading........😄😄😄😄