Part 18:FRIENDZONE

11 1 0
                                    

Friendzone

Sa gabing madilim sa kwarto ay nagkukulong
pinag mamasdan ang buwan at may ibinubulong
Yakap yakap ang litrato ng babaeng aking
pinangarap habang nakatingala ay hinahanap sa mga tala, hampas ng hangin sa aking mukha
Kasabay ng pag patak ng mga luha
Inaantay ang umaga nag babakasakaling makita ka
At dumating na nga ang umaga sumikat ang araw na nag sasabing ako'y tumigil na pagkat ikaw ay di na babalik pa

Humagulgol ang iyak pagkatao ko'y parang boteng wasak na wasak
Pina asa ng taong akala ko'y magiging parte ng buhay ko
Pag-ibig ang inalay ko ngunit sakit ang isinukli mo
Totoong pag-ibig ang ipinakita ko ngunit  kunwari lang pala ang iyo
Ngunit ako'y isang taong matigas ang mukha
ipinaglalaban ka kahit iba ang ipinaglalaban mo
Isang taong dito hindi ka hahayaang masaktan
kahit ikaw sinasaktan mo ako

sa bawat lakad mo ay nandon din ako
nagsisilbing anghel dela gwardiya na hindi nakalilipad
nakasunod saan dako ka man mapadpad
one time nga sinama mo ako makipag meet
doon ko napag tanto na mahilig ka pala sa panget
pangit din naman ako ang problema
lang may pera ang gusto mo, may pera din ako
pero hindi ko kayang bilhin ang gusto mo
ang kaya ko lang ay ipadama sayo ay pagmamahal ko

ilang beses ko din pinapadama na mahal kita
ngunit hindi mo madama hindi dahil sa manhid ka
bagkus ang puso mo ay nakatoon sa iba
katulad ng sa pelikula na nag tatanggol sa kalawakan
habang nakikidigma ang bida
ay sinasakop naman ng kalaban ang mundo niya
wala akong magawa kundi ang mag walang kibo
nararamdaman ay itinago kayat heto
nag kukubli sa sulok ng kwarto luhaan at bigong bigo

dahil ang babaeng pinangarap ko ngayon ay hawak ng ibang tao
kayat nag desisyon ako na ikaw ay palayain sa aking puso
tama ba ito ang gawin ko para sa ikasasaya mo
o mali tong ginagawa ko na ipagpatuloy ang nadarama
para sa ikasasaya ko
kung sakali man na ikaw ay ipagpalit
ma alala mo sanang bumalik ulit
asahan mong akoy naghihintay at nanabik makapiling ka
at ang aking puso ay mananatili kang kilala
kahit na maraming beses mo ako ipinagtabuyan
ikaw parin ang taong aking pinaka iingatan kailan man ay di ka iiwan.

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon