May mga katanungan sa aking isipan,
Bakit kapag nagmahal kailangang masaktan?
Hindi pa ba puwedeng piliin ang nararamdaman?
Bakit kailangan makadama ng kalungkutan?Kapag ba sinimulan laging may katapusan?
Kapag ba binitawan kailangan din bitawan?
Noong una'y mainit bakit dapat manlamig?
Bakit kailangan matapos pa ang pag-ibig?Sana di na lang binigay kung babawiin din,
Sana di na lang dumating kung iiwan ka lang rin,
Di na dapat pinagtagpo kung bilang paglalayuin,
Wala sanang pangako kung lahat ay mapapako din.Kailangan ba laging magsisimula sa umpisa?
Para lahat ng mga pagkakamali ay makita?
Hanggan kailan ba uulit ang ganitong eksena?
Dadating ba ang para sayo pag ikaw ay sawa na?********Don't Forget to Vote, Comment, and Share********😍😍😍
BINABASA MO ANG
Spoken Poetries[On-Going]
PoesíaMga tula tungkol sa pag-ibig,sa mga pusong nasawi at tula para sa mga pumapagibig. First time ko pong magsulat dito sa wattpad.....Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga ginawang tula....... Enjoy reading........😄😄😄😄