PART 19: "PAG IBIG ANG DAHILAN"

5 1 0
                                    

May mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin maipapaliwang,
At kadalasan pag-ibig lang ang makapag-paliwanag,
Ngunit, ano nga ba ang pag-ibig?
Pag-ibig? ito'y simpleng salita,pero ito'y makapangyarihan,
Mga bagay na hindi natin karaniwang ginagawa pero sa ngalan ng pag-ibig ito'y ating nagagawa.
Pag-gising pa lang natin sa umaga ngiti natin ay abot hanggang langit na,
Matang nagagalak,
Pusong humahalakhak,
Sayang hindi maipapaliwanag,
Pag-ibig ang dahilan kung bakit tayo naging masaya,
Ngunit paano kung ang pag-ibig din ang dahilan kung bakit tayo lumuluha.
Kung ang dating matang nagagalak ay napalitan ng matak umiiyak,
Kung ang dating pusong humahalakhak ay napalitan ng pusong nagdurugo at wala ng ibang pangungusap ang tinitibok nito,
Kundi ang Mahal, mahal kita ngunit nagbago kana,
Mahal kita ngunit naglaho kana,
Tinitiis ko ang bawat araw at gabi na ako'y lumuluha samantalang ika'y nagpakasaya kasama ang bago mong sinta,
Na kahit na ang dinidikta ng utak ko ay ang tumigil na pero ang tinitibok ng puso ko ay ang lumaban pa,
Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, kung ang puso ko ba o ang isipan ko,
Dahil kung ako'y tatanungin kahit ako'y nagdurugo pipilitin kong lumaban dahil ika'y mahal ko.
Pero kasi dumating yung panahon na namulat ako sa katotohanan,
At ang sabi ko sa sarili ko na tama na ang katangahan,
Kaya't mahal kahit ikaw man ay nagbago,
Kahit ikaw man ay naglaho,
Pero dito sa puso ko ika'y mananatili nito dahil ika'y mahal na mahal ko.

****Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE***

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon