Ang tulang ito para sa'yo,
Wag ka ng lumingon ikaw ang tinutukoy ko,
Ibang galak ang pinaparanas mo sa aking puso,
Masyado mong pinapatibok,pinapaligaya mo ito.Laging nasasabik sa iyong mga yakap,
Pag ako'y iyong hawak para akong nasa alapaap,
Mga nakaw na halik, mga simpleng titig,
Talagang nakuha mo na lahat ang aking hilig.Tumatatak sa aking isip ang bawat kilig,
At kung gaano kainit ang pinapadama mong pag-ibig,
Hindi inakala na mararanasan ang ganito,
Lumulundag sa tuwa,sa saya itong aking puso.Salamat sa pagdating mo sa buhay ko,
Sobra sobra ka sa kung ano man ang hiniling ko,
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman,
Gustong ikaw na ang makasama sa magpakailanman.********Don't forget to Vote,Comment,and Share😄😄😄*********
BINABASA MO ANG
Spoken Poetries[On-Going]
PoetryMga tula tungkol sa pag-ibig,sa mga pusong nasawi at tula para sa mga pumapagibig. First time ko pong magsulat dito sa wattpad.....Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga ginawang tula....... Enjoy reading........😄😄😄😄