Part 14:SAWA NA AKO

54 1 0
                                    

😶😑SAWA NA AKO😑😶

Sawa kana?
Tama ba?
Pero ako heto pilit paring umaasa na mababalik pa ang tayo
Pero wala na e
Kasi nagsawa kana
Nagsawa ka sakin,sa relasyon natin,na sabay nabuo at ikaw ang mag-isang sumira nito
Iniwan mo na kasi ako e
Kay sarap gunitain ng ating mga alaala,na 'di ko alam kung natatandaan mo pa ba
Alaala na tumatatak
At ----
Luhang pumapatak
Luha kong ayaw papigil dahil sa sakit ng aking damdamin
Bat mo kasi ako nilisan?
Ano ba ang dahilan?
Alam kuna namang sawa kana;pero-------
Bat ganyan ka-----!?
Sinasaktan mo nalang ako parati,sa kadahilanang 'di ko mawari'y
Sawa na ako sa pag-intindi sayo nung may tayo pa
Na ngayong mas nagsasawa na dahil sa iyong ipinapakita
Ganyan ka ba talaga?
Paasa
Papaasahin mo ang lahat na mamahalin mo sila,pero wala pang minuto may bago kana
Siguro-----
Nung tayo pa,ganyan kana talaga
Ganyang mahilig maghanap ng iba kahit may karelasyon na,
At mas malala madami ka palang iba,na 'di ko manlang nahalata
Sawa na ako
Pagod na ako
Pagod na ako sa ganyang ugali mo
Oo nga't mahal at minamahal kita,
Pero paubos na aking pasensiya,ako'y biglang nagsawa at alaalang nakaraan 'di na gustong magunita
Sawa na ako sa mga luhang lagi nalang tumutulo
Sawa na ako sa mga hikbing lagi kong ginagawa
Sawa na akong isipin ang nakaraang mahirap ng dalhin patungo sa kasaluluyan kung saan nakita ko ang iyong tunay na kulay
Masakit kamang iwan,kahit ako ang iyong unang nilisan,nananatili parin akong lumilingon sa nakaraang minsan din kitang minahal kahit ako'y lagi mong sinasaktan
Sawa na din ako;
Totoo na 'to

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon