Part 03: MAGLAHO

480 5 0
                                    

Hindi nila alam kung ano ka,
Hindi nila alam ang iyong nadarama,
Hindi nila alam kung nasasaktan ka na,
Dahil wala naman silang pakialam diba?

Madami nga silang nakapaligid sayo,
Madami din nasasabi sa likod mo,
Minsan napapaisip kung ano ang totoo,
Bakit ba ganyan ka nila kung itrato?

Kahit anong tama ang gawin mo,
Sa mata nila balewala lahat ito,
Sa sampung tama na ginawa mo,
Yung isang mali ang tumatak sa kanilang ulo.

Minsan mahirap magpanggap,
Masakit sa damdamin at di matanggap,
Laging mag-isa,walang kakamping mahanap,
Gusto nalang maglaho ng tuluyan sa alapaap.





********Don't forget to Vote,Comment,and Share😄😄😄********

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon