Part 17:TANGA

18 1 0
                                    

"T.A.N.G.A"

T.A.N.G.A
Limang letra pero milyon-milyon ang nakakadama,
Limang letra na meron ako at meron ka,
Limang letra na nakakagulo na
Nakakagulo sa utak at puso ng madla.
Bakit kaya ang dami ngayong TANGA?
Tanong ko lang, bakit kaya?.
ehh Ako ,Bakit kaya ako TANGA?,
Oo di ito biro, bakit kaya?
dahil ba nagmahal ako sa taong akala ko'y Tama?
dahil ba umibig ako sa isang tao ng walang sawa?
o dahil ba pinipilit ko na ibigin ng taong ang pagtingin pala sa akin ay WALA 😢
ohhh di ba ang Tanga²? , Tanga na nga nagpapakaTanga pa,
Tanga na nga Nagmamahal pa,
Tanga na nga Nagpupumilit pa,
Tanga na nga Nagpapakamarter pa.

Ano ba ang tanga² mo na!
Kelan ka pa magiging ganyan ka Tanga?
Yung mauubusan na ng luha ang iyong mga mata?sa kakabuhos mo ng iyong pagmamahal

pagmamahal sa taong walang ibang ginagawa kundi ang saktan ka.
Ano ba ang tanga² mo na!
Magkano ba ang sahod ng pagiging Tanga?
na paulit-ulit mo paring ginagawa kahit nasasaktan ka na ng sobra!
Ano ba ang tanga² mo na!
Please naman tumigil ka na,
tigilan mo na yang pagiging tanga,
Kaawaan mo naman yung sarili mo muna,
mahalin mo muna ang sarili mo, bago yung iba,
yung iba na ang trabaho lang ay ang saktan at paluhain ka.

Please! gumising ka na!
Gumising ka na sa katotohanang di ikaw ang gusto nya,
Gumising kana sa katotohanan na pinaglalaruan ka lang nya,
Gumising kana sa katotohanan na pakikiligin ka lang nya,tapos sa huli wala lang din pala.

Please gumising ka na!
Di ka naman ganyan ka baba para tapak-tapakan lang nya,
Di ka naman ganyan ka hina kaya please lumaban ka,
Lumaban ka! labanan mo ang emosyon ng pagiging isang tanga,
isang tanga na nagmamahal sa taong wala namang kwenta,
kasi kung may kwenta sya, ba't sinasaktan ka nya?

Ganito kasi yan ehh!
alam mo kung ba't ka tinatawag na TANGA?
ipapaliwanag ko sa'yo, kaya makinig ka.

Kaya ka tanga kasi.....
..kahit sinasaktan ka na, minamahal mo pa
...kahit niloloko ka na, iniibig mo pa
...kahit kinaliwa ka na, nagpapakamarter ka pa
...kahit inalipusta na nya pagkababae mo, Ayun nandyan ka pa!

ikaw kasi minamahal mo ng sobra ang isang bagay,kahit ito'y mawawala lang din pala,
minamahal mo kasi yung taong ang laman ng puso ay Iba,
pinipilit mo kasi ang sarili mo sa taong di ka gusto kaya ka nasasaktan ng sobra,
pinipilit mo kasi ang sarili mo sa taong akala mo ikaw ang gusto pero ang totoo gagamitin lang pala ang pagkababae mo.

tigilan mo na yang pagiging tanga mo,
tigilan mo na yang ilusyon mo na mamahalin ka rin nya,
tigilan mo na yang "akala" mo, na susuklian nya ng pagmamahal yung pagmamahal na binigay mo sa kanya,
Kasi MAHALAGA KA.
mahalaga ka,kaya di ka karapat-dapat sa kanya,
mahalaga ka, na dapat ay nabibigyan ng halaga,
mahalaga ka, Oo mahalaga ka , kaya wag kang magpakatanga sa taong walang kwenta.

Marami namang iba dyan na mas higit sa kanya,
yung iba na mas mamahalin ka,
yung iba na mas iingatan ka,
yung iba na mas bibigyang respeto ka
at higit sa lahat,
yung iba na bibigyan ka ng HALAGA.

Wag mong madaliin ang mga bagay²
kasi darating at darating rin yan, pag matutunan mong maghintay.

ipakita mo naman na matapang ka.
ipakita mo naman na palaban ka.
ipakita mo naman na mahalaga ka.
...di yung mas pinapakita mo kung gaano ka katanga.

pero sabi ko nga sa unang Linya
"T.A.N.G.A, limang letra pero Milyon² ang nakakadama"...

..at ayun nga isa ako sa kanila kaya sa 
T.A.N.G.A dyan??? di ka nag-iisa 😉

Spoken Poetries[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon