1

599 8 1
                                    

[Edit 07-15-20: The picture somehow fits hshshs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Edit 07-15-20: The picture somehow fits hshshs. Imagine him as a five year old boy waiting for his parents☝️❣️]

+++++

Sa pinakadulong baitang ng hagdanan ay tila pagod na pagod na naupo ang isang limang-taong gulang na batang lalaki. Pawis na pawis siya dulot ng kaniyang pagtakbo mula sa playground sa loob ng kanilang subdivision. Matiyaga niyang hinintay ang pagdating at pagpasok ng isang pulang kotse sa kanilang garahe.

Nang makitang bumaba mula rito ang isang magandang babae ay mabilis na tumayo ang bata at tumakbo upang yakapin ito. Napangiti na lamang ang babae at kinalong sa kaniyang mga bisig ang limang taong gulang na anak.

"Why is my baby crying?" Tanong nito sa humihikbing anak. Ang mga kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng kaniyang damit.

"Jimin, didn't Dad told you that big boys don't cry?" Wika ng lalaking kalalabas lamang sa kotse.

Pilit na pinigil ng bata ang paghikbi at pagtulo ng kaniyang mga luha. Nang makita ito ng kaniyang ama ay nginitian siya nito at kinuha mula sa pagkakahawak ng asawa. Binuhat niya ang anak papasok sa loob ng kanilang bahay.

"Why is my Jimin crying? Who hurt you?" Malumanay na tanong nito sa nag-iisang anak. Umupo siya sa bakanteng sofa at ini-upo sa kandungan ang umiiling na anak.

"I'm not hurt, Appa." Sagot nito, idinikit nito ang pisngi sa dibdib ng ama at iniyakap ang mga kamay sa katawan nito.

"Oh? Then what's wrong?" Tanong muli ng lalaki.

"Jimin wants a girlfriend!"

Tila tumigil ang oras ng kaniyang mga magulang matapos marinig ang kaniyang sinabi. Nagtinginan ang mga ito na tila ba nag-uusap sa pamamagitan ng mata.

Pinag-iisipan ng mag-asawa kung kanino narinig nang anak ang tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend. Limang taong gulang pa lamang ito kung iisipin.

"Uh, Jimin. Hindi pa pwedeng mag-girlfriend ang mga bata, you know? Girlfriends are for adults." Paliwanag nang ama, ngunit hinampas lamang siya ng maliliit na kamay ng kaniyang anak.

"But Tae! Taehyung have Yoonji!" Sigaw ng bata.

Ang tinutukoy niya ay ang batang nakalaro niya sa playground kanina lamang. Si Taehyung ay katulad niyang limang-taong gulang, kasama nito ang kapatid niyang si Yoonji na pitong taong gulang at napagtripan siya ng dalawa.

Sinabi ni Yoonji na girlfriend siya ni Taehyung kaya naman ay nainggit si Jimin at nagmamadaling umuwi para humingi din ng girlfriend sa kaniyang mga magulang.

Alam niyang kahit anong hingin niya sa mga ito ay ibibigay sa kaniya kaagad.

"Baby, Yoonji is Taehyung's sister." Sabi ng babae at umupo sa tabi ng mag-ama. Sinubukan niyang hawakan ang bata pero itinulak lamang nito palayo ang kamay ng ina.

"I still want a girlfriend!" Mariing sabi ni Jimin.

Matapos noon ay nagdadabog siyang bumaba sa kandungan ng ama at umakyat sa kaniyang kwarto. Hindi siya lalabas doon hanggang wala siyang girlfriend.

Napailing na lamang ang naiwang magulang. Sa lahat ng hiningi ng bata ay girlfriend lamang ang hindi nila kayang ibigay. Malamang ay gusto din ni Jimin na magkaroon ng kapatid na babae, ngunit alam ng mag-asawang malabo ng mangyari iyon sapagkat sa apat na beses na pagbubuntis ng babae ay si Jimin lamang ang nabuhay.

Hindi na sila magtataka kung paglaki nito ay mag-uuwi ng maraming babae sa kaniyang kwarto. Tila hindi gugustuhin ng mag-asawang matunghayan ang paglaki ng bata dahil sa mga posibilidad na sakit ito sa ulo. Pero wala silang magagawa dahil mahal nila ito at ang katotohanang anak nila ito.

Samantala, mag-iisang linggo na ang nakalipas at matiyaga pa ring naghihintay ang isang batang lalaki sa isa sa mga duyan sa playground. Pagkagising pa lang sa umaga ay naroon na ito, uuwi lamang upang kumain at maligo tapos ay muling babalik doon para maghintay. Nagbabakasaling makita ang batang inaway ng Ate niya isang linggo na ang nakakaraan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pinapansin ang Ate niya, sinisisi niya ito dahil lagi na lamang nitong inaaway ang mga nagiging kaibigan niya.

Nang hindi na makatiis ang bata ay tumayo siya sa kinauupuan. Desidido na siyang hanapin na lamang ang bahay nito.

Ilang bahay din ang kinatok niya ngunit hindi niya makita ang kaniyang kaibigan.

Pakatok pa lamang siya sa ika-limang bahay na pinuntahan niya ngunit bumukas na agad ang pinto nito. Isang matandang babae ang dumungaw dito, kapagka ay ngumiti ito.

Napangiti din ang bata ng makilala ang matandang babae.

"Si Jimin po?" Magalang na tanong niya sa matandang babae. Ito ang laging kasama ni Jimin tuwing magkikita sila sa playground at tinatawag ito ni Jimin na Yaya.

"Nandoon sa kwarto niya, Hijo. Halika pasok ka." Nakangiting tugon ng matanda habang inaakay ang bata papasok ng malaking bahay. Idinala niya ito sa pinto ng kwarto ni Jimin at iniwan ito doon.

"Jimin?" Wika ng batang lalaki. Idinikit niya ang tenga sa pinto at sinubukang pakinggan kung mayroon bang tao sa loob niyon.

"Taehyung?"

Napangiti si Taehyung ng marinig ang boses ng kaibigan. Ilang sandali lamang ay bumukas ang pinto at inaya siya ng kaibigan papasok sa kwarto nito.
Parehas silang umupo sa malambot na kama ni Jimin.

"Bakit hindi ka na pumupunta sa playground?" Tanong ni Taehyung sa kaibigan.

Bumalik ang lungkot sa mukha ni Jimin ng maalala ang dahilan kung bakit siya nagkukulong sa kwarto niya.

"Gusto ko ng girlfriend," mahinang pag-amin nito,

"Girlfriend? Gusto mo hati na lang tayo kay Yoonji-noona? Ayaw ko na naman sa kaniya e, masungit kasi siya tapos lagi niya akong inaaway!" Tila nagsusumbong na wika ni Taehyung.

"Talaga? Ayaw mo naman pala sa kaniya e, bakit di mo na lang siya ibigay sakin?" Tanong naman ni Jimin na tila nagkaroon ng pag-asa.

"Ayaw ko, mahal ko si Yoonji-noona kahit masungit siya e. Kaya hati na lang tayo!" Nakangiting sagot ni Taehyung sa kaniya.

Napangiti na lamang din si Jimin at nakipag-apir sa kaibigan.

"Yehey! May girlfriend na si Jimin!" Sigaw ni Taehyung bago nagtatalon sa kama na hindi nagtagal ay ginaya ni Jimin. Hanggang sa nagkatulakan sila at parehong nahulog sa sahig.

Kulang na lamang ay mawasak ang lahat ng salamin sa bahay dahil sa lakas ng iyak ng dalawang batang kapwa nakahandusay sa sahig.

***
Hi?

ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon