"Chargeeeer!" Pagmamaktol ni Kookie habang pinanonood ang isang k-drama sa cellphone niya.
"Ginagamit ko!" Reklamo naman ni Taehyung, kagagamit niya lang rin ng charger dahil katatapos lang magcharge ni Jimin.
Kalagitnaan na ng gabi ngunit gising pa din ang tatlo. Si Kookie ay dahil nanonood nga ng k-drama, si Taehyung at Jimin naman ay nagpapataasan ng score sa piano tiles.
"Yah, Jimin-ah! Humiram ka ng charger kay Unnie!" Sabi ni Kookie at sinipa ang paa ng katabing si Jimin. Silang dalawa lang ang nasa kama habang naka-upo sa ibabaw ng table si Taehyung dahil ginagamit nito ang naka-charge na cellphone.
"Bakit ako?" Pagmamaktol ni Jimin na muntikan ng mataya dahil sa ginawa ni Kookie.
"E full charge na yung cellphone mo e! Dali na! Baka mag-shut down to!" Reklamo ni Kookie at muling sinipa si Jimin sa paa, sinadya niyang lakasan iyon.
Naiinis na binaba ni Jimin ang cellphone niya sa kama at pinitik sa noo si Kookie bago bumaba ng kama.
"Samahan niyo ako, baka mamatay ako don." Sabi ni Jimin na hinila ang dalawa palabas ng kwarto ni Taehyung.
Sabay-sabay nilang inilapat ang kaliwang tenga nila sa pinto ng kwarto ni Yoonji at pinakikinggan kung gising pa ba ito. Nang makasigurado ay binuksan na ni Taehyung ang pinto gamit ang spare key niya.
Nakasindi ang ilaw kaya't kitang kita nila si Yoonji na nakahiga sa kaniyang kama. Nakabalot ito ng kumot ngunit nakalabas ang dalawang paa, habang may takip na unan sa mukha.
Tahimik na pumasok si Jimin sa loob ng kwarto nito, habang inililibot ang mata sa bawat table at drawer kung saan niya sisimulang maghanap ng charger.
Sa sobrang busy niya kahahanap ng tahimik ay hindi niya napansin ang paggalaw ng mga daliri ni Yoonji sa ibabaw ng unan na nakapatong sa mukha nito. Nang mapansin naman iyon ng dalawa sa pintuan ay dali-dali nilang isinara ng tahimik ang kwarto at kinakabahang sumandal doon.
Nang marinig ni Jimin ang pagsara ng pinto ay halos mamatay na siya sa kaba, idagdag pang narealize niyang hindi pa tulog si Yoonji, naka-earphone ito at ang paggalaw ng mga daliri nito ay malamang dahil sinusundan nito ang beat ng kantang tumutugtog.
Huminga ng malalim si Jimin at itinuloy ang paghahanap ng charger, kung naka-earphone si Yoonji ay hindi naman siguro siya maririnig nito.
Samantala, pilit na iwinawaksi ni Yoonji sa isip niya ang isang alaalang hindi niya alam kung gusto niyang kalimutan o gusto niyang i-treasure. Naka-full volume na ang earphone niya, sinasabayan na niya ang kanta pero paulit ulit pa rin niyang naririnig ang mga katagang iyon.
'Yoonji, I love you.'
Sa sobrang inis ni Yoonji ay isinigaw na niya ang dinadamdam. Nang marinig ito ni Jimin ay di sinasadyang naihulog niya ang hawak na picture frame. Naging dahilan iyon ng biglang pagbangon ni Yoonji sa kama at makita ang krimeng ginagawa ni Jimin.
"YAH! PARK JIMIN!"
Sabay na nagtakip ng tenga sina Kookie at Taehyung sa labas ng kwarto ni Yoonji, wala na, buking na sila.
"Ah..eh," panimula ni Jimin nang makitang tumayo si Yoonji sa kama niya at lumapit sa kaniya.
Naka manipis na night gown lang ang babae at kitang kita ni Jimin ang iba pang suot ni Yoonji na panloob. Iniwasan na lamang niya ito ng tingin at tumitig sa ceiling.
"Yah, at anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa kaniya, sa sobrang lapit nito kay Jimin ay nagdidikit na ang kanilang mga paa.
Nakahawak ito sa kwelyo ng kaniyang damit at ramdam na ramdam ni Jimin ang mainit na hininga nito na tumatama sa kaniyang labi. Malalim ang paghinga ni Jimin at ng mapansin iyon ni Yoonji ay binitawan niya ito at tila nahiya sa kasalukuyang posisyon.
Walang ka-idea idea ang dalawa sa labas ng kwarto, hindi naman nila magawang buksan ang pinto dahil natatakot sila na makitang tinatadtad na ni Yoonji ngayon ang katawan ni Jimin na parang isang karne. O kaya naman ay baka madamay sila sa galit ni Yoonji at pugutan sila ng ulo.
Dikit na dikit na ang kanilang tenga sa pinto ngunit wala na silang naririnig na ingay mula sa loob, huli na ang pagsigaw ni Yoonji sa pangalan ni Park Jimin.
"N-noona," kinakabahang sabi ni Jimin. Halos hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Mula sa pagkapula ng mukha ay muling bumalik ang inis sa mukha ni Yoonji.
"Uh, uh..." sabi ni Jimin na nagpapabalik balik ang tingin sa galit na si Yoonji sa harapan at sa pintong nakasara.
Hindi nagdalawang isip si Jimin na hilahin ulit si Yoonji palapit sa kaniya at idikit ang kaniyang mga labi sa labi nito. Just a smack, naisip ni Jimin. But that 'smack' turn into couple of minutes. Both of them closed their eyes as their lips pressed together, no other movements.
Until a knock interrupted their moment.
"Jimin?" Mahinang pagtawag ni Taehyung mula sa labas. Tila bumalik sa realidad si Jimin at Yoonji na dali-daling nagtulakan, mabilis na lumapit sa pinto si Jimin at lumabas. Hawak na niya kanina pa ang charger na kailangan.
"Anong nangyari? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Kookie bago inagaw sa kaniya ang charger.
"Tara na, baka lumabas yon at magalit sa ating lahat. Baka ilibing tayo ng buhay." Sabi ni Taehyung na itinulak si Jimin papasok sa kwarto niya.
"Pa-shower," sabi ni Jimin at nagdiretso na sa bathroom ni Taehyung.
Nagtinginan na lang ang dalawa, baka ang parusang binigay ni Yoonji kay Jimin kanina ay pinagulong gulong siya sa tiles ng sariling bathroom nito, naisip nila. Halos sabay pa silang natawa dahil sa naisip.
Naiwang nakatulala si Yoonji, nakahiga siya sa kaniyang kama at nakatitig sa ceiling.
"Park Jimin, bakit ba?" Bulong niya sa sarili niya,
Gumapang ang kaliwang kamay niya sa kaniyang leeg, pawala na iyon. Pero ang ala-ala noon ay hindi pa, at nadagdagan na naman.
"Yah Park Jimin! Isa pa, ililibing na kita ng buhay!" Sigaw ni Yoonji na narinig hanggang sa kabilang kwarto. Hindi na lang pinansin ni Taehyung at Kookie iyon.
Samantalang, habang nagbababad si Jimin sa lamig ng tubig na tumutulo sa shower ay muling bumalik sa kaniya ang ala-ala noong gabing yoon. Bakit bigla niya na lang naalala? Ganun ba talaga kapag lasing? Parang nagka-amnesia tapos babalik din ang memories?
***
ItsKimMiAh