Nakahiga sa pinaka-gilid ng kama si Kookie at masama ang tingin niya sa dalawang lalaking naglalaro ng xbox. Buong bakasyon ay nakatambay lang sila sa bahay ng isa't isa. Pero pangalawang araw nang hindi siya pinapansin ng mga ito at wala siyang ka-idea idea kung bakit.
"Yah, Jimin!" Tawag niya kay Jimin na siya talagang pasimuno sa hindi pagpansin sa kaniya.
"Hm?" Tugon nito habang busy sa pagtalo kay Taehyung, kahit na ang totoo ay never pa siyang nanalo rito.
"Gusto kong mag-swimming!"
"Hindi ka pwede magswimming Kookie," paalala sa kaniya ni Taehyung.
"At bakit naman hindi pwede?!" Masungit na tanong niya sa mga ito.
Parehas na huminto ang dalawa sa paglalaro at sabay na lumingon sa kaniya, kapwa may pagtataka sa mga mukha ang mga ito.
"Kookie, second day mo pa lang." Paalala ni Jimin.
"Second day ng ano?" Inosenteng tanong ni Kookie, ngunit bakas sa mukha niya ang matinding inis sa dalawa.
"Menstruation." Pagdidiretso ni Taehyung dito.
Napatigil si Kookie, second day niya ngayon ng menstruation? Eh bakit....
Napatingin siya sa dalawa, alam niyang hindi nagsisinungaling ang mga ito sa kaniya dahil sa nakalipas na dalawang buwan ay kabisadong kabisado na nila, lalo na ni Jimin, ang araw ng pagkakaroon niya ng menstruation.
"Don't tell me hindi ka pa dinadatnan?" Tanong ni Jimin na puno ng worry ang boses.
Sabay silang tumayo sa sahig ng makitang nangingilid na muli ang mga luha ni Kookie, naunang makalapit si Taehyung dito at mabilis na hinila si Kookie para yakapin.
"Yah, baka late lang? Si Noona kasi minsan nale-late yung kaniya e." Sabi ni Taehyung.
"Yeah, don't worry our Kookie." Dagdag ni Jimin dito.
Nagtagal sila sa ganoong pwesto hanggang sa makatulog na nga si Kookie sa yakap ni Tae.
"Ano bang tawag dun sa bagay na ginagamit para malaman kung buntis?" Pabulong na tanong ni Jimin.
"Hindi ko alam, itanong mo kay Noona." Bulong din ni Taehyung na nagpasimangot kay Jimin.
"Bakit ako na naman magtatanong?" Reklamo niya,
"Eh sino pa nga ba? Kapag gumalaw ako dito magigising si Kookie." Bulong ni Taehyung at sinipa si Jimin pababa ng kama.
"Itanong mo na din kung saan nabibili ha?" Dagdag pa ni Taehyung.
Lumabas na nga si Jimin ng kwartong iyon at pumasok naman sa kwarto ni Yoonji.
Nakadapa ang dalaga sa kaniyang kama at nakaharap sa laptop niya at nanonood ng palabas. Saglit na tinignan niya lang ang kapapasok na si Jimin.
"Noona!" Tawag ni Jimin dito bago tumabi sa kaniya sa kama, ini-pause ni Jimin ang movie at nakatanggap siya ng isang nakakamatay na tingin mula kay Yoonji.
Pero hindi na natatakot si Jimin sa ganong tingin ngayon, mas natatakot na siya kapag nakangiti si Yoonji.
"Ano na naman, Park Jimin?" Masungit na tanong nito sa katabi.
"Hmm... anong tawag sa bagay na malalaman kung buntis o hindi ang isang babae?" Seryosong tanong ni Jimin sa kaniya.
Napataas ang isang kilay ni Yoonji sa tanong ni Jimin.
"Park Jimin, aminin mo nga sa akin, nakabuntis ka ba? O si Taehyung?" Tanong niya sa kaharap.
Mabilis na umiling naman si Jimin bilang depensa.
"Hindi, Noona! Nakalimutan ko lang kung anong tawag kaya nagtatanong ako," palusot niya dito.
"Yung totoo, Jimin." Mahinahong tanong ni Yoonji sa kaniya.
Napakagat labi na lang si Jimin.
"Hindi nga, Noona. Oo, naggi-girlfriend ako pero hanggang girlfriend lang, okay? Ikaw ang first kiss ko, saka wala pang first kiss si Taehyung, okay?" Pag-amin ni Jimin.
Parehas na namula ang mukha nila dahil sa sinabi ni Jimin.
"Pregnancy test," pagkuwan ay sabi ni Yoonji.
"Pregnancy test? Saan yun nabibili?" Tanong uli ni Jimin, parehas sila ni Yoonji na hindi makatingin ng diretso sa isa't isa.
"Jimin. Kung hindi kayo ni Taehyung, si Kookie ba?" Muling tanong din ni Yoonji. Kung hindi nila kailangan ng pregnancy test ay bakit kailangan pang itanong ni Jimin kung saan nabibili iyon?
"Yah, Noona. Sa tingin mo may papatol don kay Kookie? Parang lalaki nga yon." Palusot ni Jimin.
"Oh? E diba nagkagusto ka sa kaniya?" Biglang tanong ni Yoonji na siyang naging dahilan ng biglang paglapit ng mukha ni Jimin sa mukha niya.
"Sa drugstore," pabulong na sabi ni Yoonji habang pinipigil ang paghinga.
"Okay, thank you Yoonji." Sabi ni Jimin bago muling halikan si Yoonji sa pisngi nito at tumatakbong lumabas ng kwarto nito.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas noong insidente sa kusina at sobrang thankful ni Yoonji na hindi na ito muling naulit.
Napahawak siya sa kaniyang pisngi, bakit hindi siya sa labi hinalikan ni Jimin ngayon?
***
ItsKimMiAh