Makalipas ang isang linggo ay muli ngang nagkita-kita ang tatlo, ngunit hindi nila natupad ang pagbuo ng isang party.
Gayunpaman, inaya sila ni Yoonji sa isang party na gaganapin sa isang exclusive hotel. Ang party ay para sa reunion ng highschool batch ni Yoonji, kung saan kasama doon si Jinnie at ang boyfriend nitong si Namjoon.
Nang umagang iyon ay nagising si Jimin na halos hindi na maramdaman ang kaniyang parehong kamay.
Sa kaniyang kanan ay naka-unan si Yoonji at mahigpit na nakayakap sa kaniya, habang sa kaliwa naman ay si Taehyung na walang suot na pang-itaas na damit. Halos parehas ng posisyon ang dalawang magkapatid na tila pinag-aagawan si Jimin.
Ipinikit muli ni Jimin ang mga mata habang iniisip kung paanong magkakasama silang tatlo sa isang kwartong hindi naman familiar sa kaniya.
"Taehyung," tawag niya sa pangalan ng kaibigan ngunit mahimbing ang pagkakatulog nito.
Bumaling siya sa kanan ngunit binawi din niya kaagad ang tingin. Hindi kasi nakaayos ang damit maging ang panloob ni Yoonji kaya naman ay nakikita ang hindi dapat makita.
"Taehyung! Gumising ka jan!" Sigaw niya habang pilit na iginagalaw ang namamanhid na kamay para magising ang kaibigan. Hindi na niya sinubukang gisingin si Yoonji dahil magkakasala lamang siya at baka mapatay pa siya nito.
Nang sa wakas ay magdilat ng mata si Taehyung ay tila nabuhayan ng loob si Jimin. Tumayo si Taehyung sa kama at hinanap ang nawawala niyang damit. Habang si Jimin naman ay dahan-dahang inilipat sa unan ang ulo ni Yoonji habang pinipigil ang sarili na tingnan ang bagay na hindi dapat makita.
Nang makaalis sa pwesto ay kinuha ni Jimin ang kumot sa ibaba ng kama at itinakip kay Yoonji na mahimbing pa rin ang pagkakatulog.
"Ah, yun!" Clueless na sabi ni Taehyung ng makita ang damit sa ilalim ng kama, pinilit niyang abutin iyon at isuot sa nilalamig nang katawan.
Habang si Jimin naman ay nakaupo sa gilid ng kama at pilit na nilalabanan ang sakit ng ulo, iniisip din niya kung ano ang nangyari buong gabi.
Natatandaan niya na sabay sabay silang nagpunta doon, iniwan sila ni Yoonji at Jinnie sa pool area at doon ay naglaro sila ng spin the bottle na tatlo, kung saan ang maituro ng bote ay iinom ng alak. At kapag sinabing sila,ang ibig sabihin ay siya, si Taehyung at si Kookie.
Pagkatapos niyon ay wala nang maalala si Jimin.
Rented naman kasi ang buong hotel kaya kahit saang kwarto ay maari silang matulog, malamang ay iyon ang dahilan kaya hindi familiar kay Jimin ang nagisnang kwarto.
"Si Kookie?" Biglang tanong ni Taehyung na siyang nagbalik sa realidad kay Jimin.
Nilingon muna ni Jimin si Yoonji na mahimbing natutulog bago sumunod sa labas kay Taehyung para hanapin si Kookie.
Una nilang kinatok ang pinto ng katabi ng kanilang kwarto ngunit nakabukas ito. Si Jimin ang nagbukas ng pinto, laking gulat ng dalawa ng makitang sa gitna ng kama ay naroong nakaupo si Kookie.
Nakabalot ang babae ng kumot at nakadukdok ito sa kaniyang mga kamay na nakapatong sa kaniyang tuhod. Batid ng dalawa na umiiyak ito.
"Kookie?" Malumanay na pagtawag ni Taehyung sa pangalan nito, umupo siya sa tabi ng kaibigan at sinubukang ayusin ang buhok nitong sobrang gulo.
Nanatiling nakatayo si Jimin sa gilid ng kama, ang kaniyang paningin ay nakapako sa bagay na nakakalat sa sahig.
Kookie's dress and undergarments.
Hindi alam ng dalawa ang gagawin kundi hintaying kumalma si Kookie sa pag-iyak. Hindi nila alam, wala silang alam sa nangyari ng nakaraang gabi.
Inihinto ni Jimin ang kotse niya sa tapat ng bahay nila Kookie, silang dalawa lamang ang umalis ng hotel dahil hindi pa rin nagigising si Yoonji at binabantayan ito ni Taehyung.
Mula sa manibela ay inilipat ni Jimin ang kamay niya sa kamay ni Kookie at pinisil ito ng marahan, halata pa rin sa mata ni Kookie ang pag-iyak. Nakayuko lang ito at sobrang tahimik.
"You'll be fine Kookie," paninigurado ni Jimin sa kaniya, pero kahit anong sabihin niya ay tila hindi iyon nakakagaan ng loob ni Kookie. Walang epekto ang kahit na anong salita sa kaniya.
Ilang minuto pa ang tinagal bago napagdesisyunan ni Kookie na lumabas ng kotse ni Jimin at pumasok sa kanilang bahay. Nakaabang sa kanilang sala si Jinnie, kasama ang boyfriend nitong si Namjoon.
"Oh my god, Kookie!" Tila nabuhayan ng loob ang kaniyang kapatid ng makitang si Kookie nga ang pumasok sa pinto.
Ngunit walang naging tugon si Kookie dito, nanghihina ang buong katawan niya at ang tanging gusto niya lang na gawin ay umiyak ng umiyak sa loob ng kaniyang kwarto.
"Nasaan kayo kagabi? Bakit bigla kayong nawalang tatlo?" Tanong ng kapatid.
Napansin naman ni Namjoon na tila wala sa mood makipag-usap si Kookie kaya't sinaway nito si Jinnie.
"Jinnie, hayaan mo munang magpahinga si Kookie. Mamaya na lang kayo mag-usap." Sabi niya habang inilalayo si Jinnie kay Kookie.
"Huh? Oh, okay. Kapag nagugutom ka, bumaba ka lang dito, hm?" Sabi ni Jinnie ng mapansin nga ang itsura ng kapatid.
Isang matamlay na ngiti lang ang ibinigay ni Kookie sa kanila bago umakyat sa kwarto niya.
Pag-upo niya sa kama niya ay muli na namang tumulo ang mga luha ni Kookie, anong gagawin niya? Nangyari na ang nangyari, kahit anong iyak niya ay hindi na maibabalik pa ang gabing yoon.
Ni hindi nga niya alam kung sino ba ang kasama niya sa kwartong iyon ng gabing iyon.
Ang huli niyang natatandaan ay naglalaro sila ng spin the bottle. Hanggang sa naubos na halos nila ang sampong bote ng beer, natatandaan niyang naituro ng bote si Jimin at inutusan niya itong hanapin si Yoonji at sabihin dito kung sino ang naging first girlfriend niya.
Naiwan silang dalawa ni Taehyung sa pool area habang hinihintay na bumalik si Jimin, pero ng hindi pa rin ito bumabalik ay inutusan naman niyang sundan ito ni Taehyung at hanapin.
Naiwan siyang mag-isa sa pool area at nagsimulang magsilapitan sa kaniya ang ilan sa mga lalaki doon. Dahil naka-inom siya ay hindi niya na maalala kung ano nga ba ang ibang nangyari.
Ang sunod na natatandaan niya ay sumakay siya ng elevator at mayroong isang lalaki doon na tumulong sa kaniya dahil sa sobrang lasing niya. Pagkatapos ay hindi na niya maalala ang sumunod na nangyari.
***
ItsKimMiAh