9

103 3 0
                                    

"Dalian mo Jimin!" Mahinang sigaw ni Taehyung kay Jimin na pababa pa lamang ng puno ng mangga. Sinesenyasan na niya lamang ito habang nakatago sila ni Kookie sa isang madahong halaman. Samantala ay nasa taas parin ng punong mangga si Jimin. Kagat-kagat nito ang dulo ng damit upang hindi mahulog ang ilang bungang ninakaw nila.

"PARK JIMIN!"

Tila nanigas sa kinatatayuan niya si Jimin, mahigpit ang hawak niya sa sanga upang hindi mahulog. Kilala niya ang boses na iyon. Hindi iyon sa guidance councilor ng Highschool or ng dean officer ng College.

Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya si Kim Yoonji na halos sumampa na sa bintana ng isang kwarto sa ikalawang palapag ng building sa college. Halos magkatapat lamang ang pwesto nila.

Painosenteng ngumiti na lamang si Jimin na tila nakalimutang mayroon nga palang mangga na nakasalo sa kaniyang damit.

"AHHH! JIMIN!" Sigaw din ni Kookie sa baba na natamaan ng ilan sa mga nahulog na mangga.

Dahil sa pagsigaw na iyon ni Kookie ay nauwi na naman sa dean office ang tatlo. Makalipas ang tatlong buwang pagiging mabait ng tatlo ay muli na naman silang nakagawa ng kalokohan.

Hawak-hawak ni Taehyung ang lahat ng nakuha nilang bunga mula sa puno, samantalang tinutulungan ni Kookie si Jimin na linisin ang puting damit nito kahit na imposible naman na itong malinis pa.

Nang bumukas ang pinto ng dean office ay pumasok dito ang kinatatakutan nilang pusa na si Yoonji, kasunod ang kapatid ni Kookie na si Jeon Seok-jinnie. Kasama din ni Jinnie ang boyfriend na si Namjoon.

"Kookie naman!" Medyo mahinahong pagsaway sa kaniya ng Ate niya. Hindi ito nagagalit sa kaniya, kundi ay natatakot si Jinnie na baka talagang hindi na makapag-aral ang kapatid.

"Ah, Noona! Teka lang naman!" Sabi ni Jimin habang inaawat ang mga kamay ni Yoonji na panay ang hampas sa kaniya. Nang mahawakan ang dalawang kamay ni Yoonji ay hindi na niya iyon binitawan dahil baka mapatay na siya nito.

Pagkatapos ng higit isang oras na pakikinig sa sermon ng officer ay nagdusa naman ang tatlo sa walang katapusang sermon ng kanilang mga kapatid. Kahit si Jimin na only child lang ay nadamay sa pagsesermon ni Yoonji kay Taehyung.

Sa kabuuan, matapos ang tatlong oras na halos mabingi ang tatlo ay pare-parehas silang nakatayo ngayon sa school-gym. Kapwa may hawak na mop at iba pang cleaning materials. Pagkatapos nilang linisin iyon ay lilinisin din nila ang play ground sa subdivision upang maka-ipon ng pera pambayad kay Yoonji.

Kasalanan ni Jimin at Taehyung, kasalanan na rin ni Kookie. Kaya imbis na 1,000 lang ang babayaran nila ay magiging 1,500 na. At hindi lang si Yoonji ang babayaran nila ngayon, maging ang kapatid din ni Kookie na si Jinnie.

Matapos ang nangyari kanina ay tila naging close ang dalawa at nagkasundo sa pagpapahirap na gagawin sa kanilang tatlo.

"Nagsisisi na akong naging kaibigan ko kayo," pabirong sabi ni Kookie habang nakaupo sa isang tabi,pinanonood ang dalawa sa paglilinis ng school-gym.

"Ako din, nagsisisi na ako," sunod na pagbibiro ni Jimin.

"Aba sinong hindi? Bahala kayo, patapos na ang parte ko! Kookie tumayo ka na jan at magsimula!" Utos ni Taehyung kay Kookie.

Naunang natapos sa paglilinis si Taehyung, ilang minuto lang ay natapos na din si Jimin sa parte niya. Habang si Kookie ay hindi pa umaabot sa kalahati.

"Nagsisisi ka pa rin ba?" Tanong ni Jimin sa kaniya.

"Hindi na! Tulungan niyo na ako!" Sigaw ni Kookie mula sa kabilang dulo ng gym.

Nagtawanan lang ang dalawa bago nag-apir, sabay silang tumayo at tinulungan si Kookie sa paglilinis ng parte nito hanggang sa matapos sila.

Pagkatapos noon ay hindi na nag-aksaya ng oras ang tatlo at umuwi na din kaagad upang linisin naman ang play ground ng subdivision.

Madilim-dilim na ng matapos ang tatlo at matanggap ang sweldong isang libo na kulang pa rin ng limang daan. At dahil only child, wallet ni Jimin ang mababawasan.

Masama ang loob na iniabot ni Kookie ang 1,500 pesos na pera nila sa kaniyang Jinnie-unnie, pero wala siyang magawa dahil nakatingin ng masama sa kaniya si Yoonji.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Jinnie sa bagong kaibigan.

"Ah, jan? Sayo na yan, masyado na akong maraming ipon sa pangungurakot sa mga yan e." Walang ganang sabi ni Yoonji.

Halos maiyak iyak ang tatlo habang pinanonood nilang itago ni Jinnie sa wallet niya ang perang pinaghirapan nila.

"Pano ba yan? Halika na Kookie, uuwi na tayo." Sabi ni Jinnie at hinila ang kapatid.

Napangiti naman si Kookie, sa sobrang bait ng kapatid niya ay kaya niyang bawiin dito ang 1,500 na pera nila. Psh, pero mabawi man niya iyon ay hindi niya ibabalik kay Taehyung at Jimin.

Pagkaalis ng dalawa ay naglakad na din si Yoonji papasok sa bahay nila. Sumunod naman si Taehyung at Jimin sa kaniya.

Doon muling matutulog si Jimin dahil pagod ito at tinatamad siyang maglakad pauwi sa kanila. Isa pa, wala namang pasok kinabukasan kaya ayos na iyon.

***
ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon