It's Jimin's family night.
Totoo ngang mayaman sila, busy man palagi ang mga magulang niya ay naglalaan pa rin ang mga ito ng oras para makita ang anak, at least once a week.
Habang nagmomovie marathon sila ay panay ang pag-vibrate ng cellphone ni Jimin. Ka-text kasi nito si Taehyung at Kookie. Maging si Yoonji na kinukulit niya tungkol sa pagtuturo kay Taehyung na mag-drive.
"How's the guidance office, Jimin?" Tanong ng kaniyang Daddy sa kaniya.
Malayo man ang mga ito palagi, palagi pa rin silang ina-update ni Yoonji tungkol sa mga kalokohang ginagawa nila ni Taehyung. May tiwala naman ang mga magulang ni Jimin kay Yoonji na binabantayan nitong mabuti ang anak nila.
"Dad, hindi ba dapat school ang tinatanong mo?"
"Pero mas madalas ka sa guidance office kesa sa classroom mo?" Sumbat ng Daddy niya sa kaniya. Nag-pout lang si Jimin at pabirong sinipa ang paa ng kaniyang Daddy.
"Next week na uuwi kami, papuntahin mo ulit sila Taehyung at Kookie dito, hm?" Sabi ng Moomy niya.
Nang marinig ng Daddy niya ang pangalan ni Kookie ay may naalala ito.
"Ah, speaking of Kookie."
"Hm?" Medyo nangingiting sagot ni Jimin, habang halos buong atensiyon niya ay nasa usapan nila ni Taehyung sa chat.
"Ano na? Niligawan mo na ba si Kookie?"
Mula sa cellphone ay umangat ang tingin ni Jimin sa kaniyang Daddy. Hindi na niya matandaan ang araw na sinabi niyang liligawan niya si Kookie,
"Don't tell me natotorpe ka sa kaniya?" Dagdag pa ng Daddy niya.
"Huh? Kelan ko sinabing gusto ko si Kookie?" Tanong ni Jimin, nilipat niya ang tingin niya sa Mommy niyang natatawang nakatingin din sa kaniya.
"Last month pa, baby. Don't tell me may iba ka na namang gusto ngayon? May girlfriend ka na naman ba? Ikaw ah, hindi ka na nagsasabi sa amin." Sabi ng Mommy niya na medyo yumakap pa sa dating baby na si Jimin.
"Mom, wala akong girlfriend, okay? Wala na." Sabi ni Jimin bago muling ibalik ang atensiyon sa pagcha-chat. Wala siyang pakialam kahit makita ng mga magulang niya ang pinag-uusapan nila ni Taehyung, ni Kookie at kahit ni Yoonji.
"Sus, simula ng makilala niyo ni Taehyung si Kookie ay hindi ka na nagka-girlfriend ulit. So ano na, seryoso ka na ba kay Kookie?" Pangungulit ng Daddy niya sa kaniya.
"Hindi Dad, hindi ko NA gusto si Kookie!" Pagdepensa niya. Dahil totoo namang hindi na niya gusto si Kookie at sure siya doon. Kaibigan na lang ang turing niya dito.
"So... may iba ka ng gusto?"
"Wala, wala akong gusto." Pagtanggi ni Jimin kahit hindi siya ganun kasigurado sa naging sagot.
Samantala, nakatutok si Yoonji sa kaniyang laptop ng mapansing dumaan si Taehyung sa harapan niya, hawak nito ang cellphone at nangingiti pa.
"Kausap mo si Kookie, no?" Tanong niya dito.
Napahinto naman si Taehyung at namamanghang tumingin sa kaniya.
"Pano mo nalaman, Noona? Woah, manghula ka na lang para kumita ka!" Sagot ni Taehyung rito.
"So ano na nga, kelan mo liligawan si Kookie?" Nang-iintrigang tanong niya sa kapatid.
Mag-dadalawang buwan na mula noong mabasa niya sa diary nito na may gusto ito kay Kookie at nagseselos pa kay Jimin, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naman ito nanliligaw.
"Ha? Bakit ko liligawan si Kookie?" Inosenteng tanong ni Taehyung sa kapatid, nakalimutan na yata niyang naka-phone call sila ni Kookie.
"Diba gusto mo siya? Nabasa ko sa diary mo, entry #78! Tapos sa entry #79 mo nga nagseselos ka pa kay Jimin e." Paliwanag ni Yoonji, hindi niya palalampasin ang pagpi-feeling innocent ng kapatid niya.
"What? Binabasa mo ang diary namin?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Taehyung
"Namin?" Takang tanong din ni Yoonji.
"Oo, diary namin! At kapag sinabi kong namin, ang ibig kong sabihin ay diary ko na diary na din ni Jimin at diary na din ni Kookie!"
"Ano? Tatlo kayong nagsusulat doon?" Di makapaniwalang tanong ni Yoonji, hindi niya maisip na pati ang diary ay paghahatian din ng tatlo.
"Oo, at hindi ako ang nagsulat na may gusto ako kay Kookie. Baka kay Jimin yon! Oh my god... bakit mo kasi binasa yon?" Tila nadedepress na sigaw ni Taehyung at naupo pa ito sa dulo ng hagdan at napahawak sa sentido nito.
"Wala akong gusto kay Kookie okay? At yung entry 79 ay hindi tungkol sa nagseselos ako kay Jimin. Ibig kong sabihin doon ay puro na lang si Jimin ang kausap ni Kookie kaya nawawalan na nang oras sa akin si Jimin." Paliwanang ni Taehyung.
Totoong nakalimutan na nga niya na kausap niya sa cellphone si Kookie at naririnig nito ang lahat ng sinasabi niya. Hanggang sa maya-maya ay si Kookie na din mismo ang nag-end ng tawag na hindi naman napansin ni Taehyung.
"Wala kang gusto kay Kookie?" Pag-uulit ni Yoonji, tinanguan naman siya ng kapatid.
"So... si Jimin ang may gusto kay Kookie?" Tanong uli ni Yoonji habang nakatingin kay Taehyung na tumayo na mula sa pagkaka-upo sa sahig.
"Hindi na, pabo." Sabi nito at pinitik siya sa ilong.
"Kim Taehyung!" Sigaw niya na siyang naging dahilan ng pagtakbo ni Taehyung sa kwarto nito at ini-lock ang pinto.
"How dare him call me pabo?!" Naiinis na sigaw ni Yoonji habang nakahawak sa kaniyang ilong.
***
ItsKimMiAh