"Kookie, dito ka."
Paupo pa lang si Jimin sa nakagawiang pwesto ng mag-salita si Yoonji, iniangat niyang muli ang plato at nakipagpalit ng pwesto kay Kookie. Nagtitinginan lang silang tatlo habang tahimik na kumakain.
Nang matapos kumain ay agad na umalis si Taehyung at Kookie ng kitchen. Hindi malaman ni Jimin kung aalis din ba siya o tutulungan niyang magligpit si Yoonji ng pinagkainan, dahil siya naman talaga ang gumagawa noon dati.
Tumayo din siya at sinimulang ayusin ang mga plato pero hinampas lamang siya ni Yoonji ng kutsara.
"Ah!" Reklamo niya at nagpapaawang tumingin kay Yoonji pero mas nakafocus naman ito sa pag-aayos ng pinag-kainan.
"Noona!" Pagtawag niya dito pero hindi talaga siya nito tinitignan.
"Ako na," mahinahon na sabi ni Yoonji na mas nakakatakot pa kaysa kapag nagagalit siya.
Itinaas ni Jimin ang dalawang kamay bago natatawang lumabas ng kitchen. Iniisip niyang kaya ganoon ang asta nito ay dahil sa nangyari kagabi, at hindi naman siya nagkakamali doon.
Sa kalagitnaan ng pag-akyat sa hagdanan ay nakaisip ng kalokohan si Jimin at patalikod na naglakad pababa ng hagdan.
Sumilip siya sa kitchen at nakita niyang busy na ito sa paghuhugas ng mga plato. Nakapink na long-sleeve pa ito at pajama. Gulo-gulo pa din ang maikling buhok nito.
"Fuckshit!" Mahinang pagmumura ni Yoonji matapos dumulas sa kamay ang basong kasalukuyang hinuhugasan. Ramdam kasi niya ang pares ng matang nakatitig sa kaniya mula sa likuran.
"Noona?"
Napairap na lang sa kawalan si Yoonji bago muling hinawakan ang baso at hinugasan.
"Pwede ba, Jimin. Iwas-iwasan mo muna ako?" Masungit na sabi niya dito.
Nakasandal na ngayon sa counter ang binata at naka-pout na pinanonood siya sa ginagawa.
"Sorry..." mahinang sabi ni Jimin na dahilan nang muling pagdulas ng baso sa kamay ni Yoonji.
"Aish~" ani Yoonji bago muling kinuha ang baso at hinugasang muli.
"Yah, Noona. Ang rupok mo naman." Pang-aasar ni Jimin sa kaniya.
"Sino kaya sa ating dalawa?" Pairap na sabi ni Yoonji, mas matanda siya kay Jimin kaya dapat ay hindi siya mainis dito.
"At bakit naman ako?" Panghahamon ni Jimin.
Itinigil ni Yoonji ang ginagawa at hinarap ito, pero wala pang limang segundong tignan niya ito ng mata sa mata sa umiwas na kaagad siya ng tingin at bumalik sa pag-huhugas.
Natatawa namang sumampa si Jimin sa counter at pilit na sinilip ang ngayon ay namumulang mukha ni Yoonji.
"See, Noona? Mas marupok ka. Psh, babae ka pa rin pala? Sa sungit mong yan kasi akala ko isa kang pusang nag-aanyong tao." Pang-aasar pa lalo ni Jimin dito.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Jimin!" Naiinis na sigaw niya dito ngunit hindi pa rin ito tinitignan.
Ngumiti lang si Jimin at bumaba na ng counter.
"Yoonji-ah," panimula ni Jimin.
Bago pa man makapagreklamo si Yoonji na hindi siya ginalang nito ay nahalikan na siyang muli ni Jimin. Mabilis ding humiwalay si Jimin at nagmamadaling tumakbo paakyat sa taas upang iligtas ang kaniyang mahal na buhay.
Nang mabalik sa realidad ang isipan ni Yoonji ay halos basagin na niya lahat ng babasaging hinuhugasan niya. Bakit ba ganon ang kinikilos ni Jimin ngayon?
Ganoon ba siya sa lahat ng mga naging girlfriend niya?
Halos mandiri si Yoonji sa isiping iyon. Kung ganon, hindi imposible na may mga nangyari na kay Jimin at sa mga ex-girlfriends nito?
Pagpasok ni Jimin sa kwarto ni Taehyung ay nakatingin sa kaniya ang dalawa na tila ba isa siyang alien na naligaw sa earth.
"Oh?" Tanong niya matapos umupo sa tabi ni Taehyung. Kinuha niya ang ballpen na nakakalat sa kama nito at inabot ang kanilang diary na nasa ilalim naman ng kama.
"Anong ginawa mo kay Yoonji-unnie?" Curious na tanong ni Kookie dito.
"Huh? Ewan ko," painosenteng sabi Jimin bago nagsimulang magsulat sa diary.
#Entry 109
[ Why do I feel like I am starting to feel something for you? No, no, no. ]***
ItsKimMiAh