2

292 9 1
                                    

Problemadong nakatitig sa kalsada si Taehyung habang pachill-chill lamang ang nagda-drive niyang kaibigan na si Jimin. Pauwi na sila ng bahay galing sa eskwelahan. Mayroon nang kotse si Jimin kaya't hindi na sila sabay na naglalakad pauwi.

"E kung sa inyo na lang kaya ako tumira?" Desperadong tanong ni Taehyung sa kaibigan.

"Na-ah, kahit sa amin ka tumira susunduin at susunduin ka pa din ng pusa niyo." Natatawang sabi ni Jimin.

Ang tinutukoy nitong pusa ay ang mismong kapatid ni Taehyung, si Yoonji.

"Mag-oover night ka nga lang halos hindi ka pa paalisin. Kailangan pa malinis mo muna buong bahay niyo," dagdag pa niya bago tuluyang tumawa.

Napairap na lamang si Taehyung sa tinuran ng kaibigan. Labindalawang taon na silang magkasama at sanay na siya sa kalokohan nito.

"Palit na lang kaya tayo ng buhay?" Tanong niyang muli.

"Ayoko nga! Kasungit ng pusa niyo no!" Agad na pagtanggi ni Jimin.

"Ang damot ah, para pasubok lang ng buhay only son e! Tsk! Di ko alam bakit kaibigan kita." Pairap na sabi ni Taehyung bago iniayos ang bag.

Inihinto ni Jimin ang kotse sa tapat ng bahay nila Taehyung, mula sa loob ng sasakyan ay natatanaw na nila si Yoonji na nakasilip sa bintana. Subo-subo nito ang isang lollipop habang walang kaemo-emosyong nakatingin sa kanila.

Paglabas ni Taehyung sa kotse ay nawala din sa bintana si Yoonji, malamang sa malamang ay nakaabang na ito sa pagpasok ni Taehyung sa pinto.

"Goodluck, Tae!" Isang nakakalokong ngiti ang ipinakita ni Jimin na sinuklian naman ng mapait na ngiti ng kaibigan. Natawa na lamang siya bago muling pinatakbo ang kotse patungo sa bahay nila.

Pagkabukas na pagkabukas ni Taehyung sa pintuan ng bahay nila ay nakita na kaagad niya ang kapatid niyang may hawak hawak na susi ng kotse. Hindi na lamang niya ito pinansin at magtutuloy tuloy na sana sa kaniyang kwarto.

"Baka gusto mong linisin yung kotse ko?" Painosenteng tanong ni Yoonji sa kapatid habang pinaglalaruan ang car key. Pinilit niyang hindi ngumiti ng makitang huminto ang kapatid sa pag-akyat at tinignan siya.

"Bakit ko naman lilinisin?" Kunwaring inis na tanong din ni Taehyung.

"Bakit hindi ko sasabihin kay Mama na nakita kita sa women's comfort room ng college? At may dala ka pang girl's pad?" Nakataas ang kilay na tanong din ni Yoonji. Alam na alam niya kung paano mapapasunod ang kapatid.

"Noona!" Pagmamaktol ni Taehyung.

Kasalanan naman talaga iyon ni Jimin. Mayroon kasi itong girlfriend sa college at pinagdadala si Jimin ng girls' pad, pero ng mga panahon na yon ay nasa detention hall si Jimin dahil nahuli siyang nagnanakaw ng bunga ng punong mangga. Pinaki-usapan ni Jimin na si Taehyung na ang magdala dahil baka makipag-break daw sa kaniya yung babae.

Walang nagawa si Taehyung kundi sundin ito matapos sabihin ni Jimin na siya na ang sasagot sa lahat ng english assignments ni Taehyung. Iyon kasi ang pinaka-ayaw niyang subject at laging pasang-awa ang grade niya. Hindi katulad ni Jimin na bubugok-bugok lamang pero nasa section A. Samantalang si Taehyung ay nasa section B lamang dahil sa mababang grado niya sa English.

"Tapos pahingi ng five hundred!" Utos ni Yoonji sa kapatid.

"Lilinisan ko na nga ang kotse mo hihingi ka pa ng pera? Baka naman!"

"O bakit? Yung five hundred ay para hindi ko isumbong si Jimin sa parents niya na inutusan ka niya ng ganon!" Taas-kilay na paliwanag ni Yoonji.

"E bakit sa akin ka humihingi? Magpunta ka doon kila Jimin!" Sigaw ni Taehyung.

"Inuutusan mo ba ako? Gusto mo bang ipagkalat ko sa school mo ang picture mo noong bata ka pa?" Panakot niyang muli.

Itinaas ni Taehyung ang dalawang kamay niya. Kahit kailan ay hindi siya nanalo sa Ate niya.

"Magpapalit lang ako. O, ayan na five hundred mo!" Sabi niya bago ihagis ang nilukot-lukot na pera sa paahan ng kapatid.

Pagpasok niya sa kwarto niya ay ini-text kaagad niya ang kaibigan at siningil ng isang libo. Hindi naman nagreklamo si Jimin at nangakong ibibigay ito kinabukasan din.

***

ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon