4

168 7 0
                                    

Masayang umupo si Taehyung sa kaniyang upuan. Kagagaling lamang niya sa canteen upang kuhanin kay Jimin ang mga notebooks niya. Tuwing hapon kasi ay ibinibigay niya lahat iyon kay Jimin upang gawan siya ng assignment. Sa canteen na lamang sila nagkita kanina dahil ang mga magulang ni Jimin ang naghatid sa kanila papasok ng eskwelahan.

Hindi nagtagal ay may babaeng umiiyak ang pumasok sa kanilang room. Tinitigan lang ito ni Taehyung hanggang maalalang iyon nga pala ang girlfriend ni Jimin. Sa dami kasi ng girlfriend ni Jimin ay hindi na niya makabisado ang mukha ng mga iyon. Isa pa, dalawang buwan lang naman ang pinakamatagal na relasyong pinapasukan ni Jimin kaya hindi na rin nagsasayang ng oras si Taehyung sa pagkilala sa mga girlfriend ng kaibigan.

"Bakit? Anong nangyari jan?" Tanong ni Taehyung sa katabing babae na kararating lang rin kasama nang babaeng umiiyak.

"Kaibigan mo si Jimin hindi mo alam?"

"Ah, nakipag-break na si Jimin?" Tanong ni Taehyung.

"Hindi, si Angel ang nakipagbreak. Nakita kasi niya na ni-heart react ni Jimin yung mga pictures nung transferee sa last section." Paliwanag ng babae.

"Ah," sabi na lang ni Taehyung.

Transferee sa last section? Hindi ba'y si Kookie yon? Naisip ni Taehyung.

Napailing na lamang siya, alam niyang magkakagusto na naman si Jimin doon pero pagkatapos ng ilang linggo ay may iba na naman itong gusto.

Samantala, dahil baguhan pa lamang sa eskwelahan ay walang halos gustong kumausap kay Kookie. Maliban sa mga lalaking nahuhumaling sa ganda niya. Pero hindi niya pinapansin ang mga iyon, dahil ayon sa kaniya ay malayo sa standards niya.

Mag-isang lumabas ng classroom si Kookie upang mag-meryenda sa canteen. Pansin niyang pinagtitinginan siya ng ilan sa mga estudyante, karamihan ay galing sa section A at B.

"Siya yon diba? Kabago-bago pa lang nilalandi na si Jimin, duh!"

"Siya ang dahilan kaya nag-break si Jimin at yung girlfriend niyang Ms. College diba? Sayang, akala ko pa naman siya na ang magpapabago kay Jimin."

Hindi na lang pinansin ni Kookie ang narinig na bulungan, hanggang sa mapadaan siya sa tapat ng section B.

"Jeon Jung-kookie!"

Huminto siya at nilingon ang tumawag sa kaniya.

"Oh?" Painosenteng tanong niya,

"Bakit may picture kayo ni Jimin kahapon? Ang kapal din ng mukha mo no? Alam mong apat na kami, ang dami na namin na girlfriend niya tapos dadagdag ka pa?" Tanong ng isang babaeng mataray na nakatayo sa pintuan.

"Huh? Girlfriend?" Medyo natatawang tanong muli ni Kookie. Hindi niya mapigilang matawa sa sinabing apat na silang girlfriend. Sino nga ba namang babae ang papayag na apat silang girlfriend?

"Excuse me, excuse me!" Mahinhin na sabi ng isang lalaking hinahawi ang paunti-unting nagkukumpulang estudyante sa harap ng kanilang classroom.

"Oh, Kookie?" Pagkuwa'y bati niya ng mahinto sa tapat mismo ni Kookie.

"Tae!" Bati din ni Kookie at humawak sa kamay nito.

"Oh, ex ni Jimin. Inaaway mo ba si Kookie?" Masungit na tanong ni Taehyung sa kaklase niyang nakatayo sa pintuan, habang hinihila niya sa likuran niya si Kookie na para bang pino-protektahan niya ito.

"Ano naman sayo kung ni-heart react ni Jimin pictures ni Kookie? Panget ka kasi e." Sabi ni Taehyung na sinundan ng isang nang-iinis na tawa.

Sa kabilang banda naman ay busy si Jimin sa pagrereview para sa kanilang long quiz. Sa library na siya tumambay ngayon. Dati kasi ay kung hindi sa oval, ay sa cr nagrereview si Jimin. Panay kasi ang tawag at texts ng mga girlfriend niya noon at nagagalit ang mga iyon kapag hindi siya nakakasagot kaagad.

Ngunit ngayong araw ay sabay-sabay na nakipagbreak sa kaniya ang mga ito. Maging ang mga nililigawan niya ay ni-reject na rin siya. Pero wala siyang pakialam, atleast ay makakapagreview na siya ng tahimik sa library. Babaero man sa paningin ng lahat, mas mahalaga pa rin kay Jimin ang pag-aaral. Pero hindi na siya umaasang masasali siya sa top-notcher, sa dami ba naman ng record niya sa guidance? Nah,

"Excuse me, Mr. Park."

Umupo sa harapan niya ang isang teacher at inalis ang isang earphone niya.

"Po?" Gulat na tanong ni Jimin,

"Pinatatawag ka sa guidance." Wika ng teacher, "Pumunta ka na, ako na ang mag-aayos ng mga gamit mo." dagdag pa nito.

Clueless man ay sumunod na rin si Jimin. Habang naglalakad ay napaisip siya kung ano na naman ang ginawa niyang kalokohan. Wala pa naman, hindi ba?

Pagka-pasok niya sa school ay nakatanggap siya ng texts sa mga girlfriends niya, tapos noon ay nagpaka-busy na siya sa pagrereview dahil sunod sunod ang long quiz nila. Wala pa siyang ginagawang kalokohan.

Nang pumasok sa isipan niya ang kaibigan ay napailing na lang siya. Para kasi sa guidance officer, ang kasalanan ni Jimin ay kasalanan din ni Taehyung at ang kasalanan ni Taehyung ay kasalanan niya rin. Hindi ba pwedeng minsan ay si Taehyung lang ang may kasalanan? O kaya ay siya lang? Kailangan ba lagi silang dalawa?

Pagpasok niya sa guidance office ay si Taehyung nga ang una niyang nakita. Katabi nito si Kookie na gulo-gulo ang mahabang buhok. Sa tapat nila ay ang natatandaan ni Jimin na naging girlfriend niya sa section ni Tae.

"Maupo ka, Mr. Park." Sabi ng matandang counsilor. Nang makaupo si Jimin ay sinimulan na nito ang magtanong.

"Ano ba ang pinagmulan ng kaguluhan?"

"Sinapak ho ako ni Taehyung," Pinigilan ni Jimin ang matawa ng makitang may pasa nga sa mukha ang kawawang babae.

"Hindi po yun malakas, saka siya po kasi ang nauna. Sinabunutan niya si Kookie." Depensa naman ni Taehyung.

"At ano namang kinalaman mo dito, Kookie? Hindi ba nasa section C ka?"

"Napadaan lang po ako," sagot ni Kookie.

"Ah, ako po yata ang may kasalanan!" Biglang singit ni Jimin na tila inaako na lahat ng kasalanan sa mundo.

Nagtitigan lang sila ni Taehyung na tila ba nag-uusap sa pamamagitan ng tingin, hanggang sa siniko siya ni Taehyung pero nginitian niya lang ito.

"At bakit naman ikaw, Mr. Park?"

"Kaya niyo nga ako pinatawag dito po, e? Diba? Kasi kasalanan ko po." Pag-amin niya habang hindi pa din bumibitaw sa titigan nila ni Taehyung.

"So, bakit nga?"

"Kasi po ni-heart react ko yung pictures ni Kookie? Hindi ko naman po kasi alam na marami ang magagalit sa kaniya kapag ginawa ko yoon. Hindi ko din naman po kasi alam na bawal na mag-heart react?" Medyo nang-aasar ang tonong iyon ni Jimin, habang inilipat sa babaeng nasa harapan niya ang tingin.

Obviously, pinariringgan niya ito.

Pagkatapos ng isang malalim na paghinga ng counsilor ay isang nakabibinging sigaw ang bumalot sa loob ng office, kasunod ng walang katapusang sermon hanggang sa mapagdesisyunang wawalisan nila ang buong oval kapag tapos ng klase nila at hindi sila makauuwi hanggang hindi iyon natatapos.

***
ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon