8

103 4 0
                                    

Inilapag ni Yoonji ang tatlong plato sa harap ng tatlong gulat na gulat na tao. Malamang ay nagtataka ang mga ito kung bakit sobra ng dalawa ang ibinibigay na plato sa kanila.

"Ano? Kakain ba kayo o tatanga na lang?" Masungit na sabi niya. Napakurap ang tatlo at nagsimulang kumuha ng kanin at ulam sa kani-kanilang mga plato.

"Jimin, lumipat ka dito at nang medyo lumuwang ang space jan." Utos niya kay Jimin na agad namang sumunod. Tumayo ito ay lumipat sa tabi ni Yoonji.

Magkakaiba man ng plato ay nagdudukutan pa rin ang tatlo ng mga ulam sa plato ng bawat isa. Dahil doon ay kumakalat ang mga kanin sa buong lamesa.

"Isa!" Sigaw ni Yoonji ng hindi na matiis ang kadugyutan ng tatlo.

Dahil si Jimin ang nasa tabi niya ay nahampas niya ito sa balikat.

"Aw~ Noona!" Reklamo nito habang nakahawak sa balikat na hinampas. Tinawanan lamang siya ng dalawang kaharap na pagkuwa'y tumigil din dahil nakatanggap ng isang nakakamatay na tingin mula kay Yoonji.

Nagpatuloy ang tahimik na pagkain nilang apat hanggang sa mapansin ni Yoonji na wala ng ulam ang plato ni Jimin. Nakatingin na ito sa plato ni Taehyung na punong puno ng ulam. Huminga ng malalim si Yoonji at inilipat sa plato ni Jimin ang kalahati ng kaniyang natitirang ulam.

Nagulat man ay nginitian na lang siya ni Jimin.

"Thank you, Noona." Sabi nito bago muling nagpatuloy sa pagkain.

Sabado ngayon at naisipan ng tatlong magkakaibigan na sa bahay nila Taehyung tumambay. Inubos nila ang oras sa kakalaro ng xbox.

Ngunit sa kabilang kwarto ay hindi mapakali si Yoonji at hindi makapag-focus sa ginagawang project. Bukod sa wala na siyang makain ay naririnig pa niya ang sigawan ng tatlo sa kabilang kwarto.

Naiinis na lumabas siya sa kwarto niya at padabog na pumasok sa kwarto ng kapatid.

"Park Jimin!" Sigaw niya na siyang nagpatigil sa tatlo sa kakalaro at kapwa gulat na gulat na napatingin sa kaniya.

"Oh?" Pagkuwa'y tanong ni Jimin.

"Sumama ka sakin," utos ni Yoonji at nauna ng lumabas. Kumuha siya ng jacket sa kwarto niya at inabangan sa sala si Jimin.

Clueless na kumuha din ng jacket si Jimin sa damitan ni Taehyung at sumunod kay Yoonji sa labas.

Lumabas sila ng bahay at inutusan siya ni Yoonji na kuhanin ang kotse niya at doon sila sasakay, ipinaalala din niyang dalhin ni Jimin ang wallet niya.

Tila isang alilang sunud-sunuran naman si Jimin sa kaniya, siya na din ang nagdrive ng kotse ni Yoonji papunta sa pinakamalapit na supermarket. Napailing na lang si Jimin sa isiping siya ang magbabayad ng lahat ng bibilhin ni Yoonji, ano sila? Mag-asawa?

Halos mabulunan sa pagpipigil ng tawa si Jimin dahil sa naisip. Masungit na tinignan naman siya ng katabi.

"Anong nakakatawa?" Masungit na tanong ni Yoonji. Umiling na lamang si Jimin dahil baka madagdagan pa ang parusa niya.

Ilang saglit pa ay nakatayo na silang parehas sa harap ng sari-saring snacks sa lalagyanan nito.

"Chocolate o milk?" Tanong ni Yoonji.

"Chocolate." Sagot ni Jimin pero milk naman ang kinuha ni Yoonji na tila ba nang-aasar. Kumuha na lang din ng chocolate flavor si Jimin at inilagay sa cart nila, siya naman ang magbabayad noon e.

"Assorted o pure peas?" Tanong ulit ni Yoonji, hawak ang dalawang supot ng snacks. Naisip na kaagad ni Jimin ang tactics ng kasama kaya naisipan niyang piliin ang ayaw niya.

"Peas." Sagot niya at iyon nga ang inilagay ni Yoonji sa cart nila. Palihim na isinumpa ni Jimin ang katalinuhan ni Yoonji bago kumuha ng assorted chips at ilagay sa cart nila.

Hinayaan na lang niyang kumuha ng kumuha ng pagkain si Yoonji, dinadagdagan na lamang niya ito ng mga pagkaing gusto niya at gusto ni Taehyung. Hindi pa kasi niya gaanong alam kung ano ang mga pagkaing gusto ni Kookie kaya kinukuha na lang niya ang kahit na anong pagkain na naaalala niyang binibili ni Kookie sa school canteen.

Pagdating nila sa stall ng drinks ay huminto muli sa Yoonji sa tapat ng juice.

"Anong flavor?" Tanong niya kay Jimin habang busy'ng nag-iisip din kung anong flavor ang kukuhanin.

Napaisip naman din si Jimin, pagkatapos ay kumuha siya ng lahat ng flavors ng juice habang bumubulong, "Tatanungin mo pa ako e hindi mo din naman ako susundin, kuhanin na lang natin lahat, ako naman ang mag-babayad nito e." Sagot ni Jimin.

Mahina lamang ang pagkakasabi ni Jimin niyon ngunit narinig pa rin iyon ng pusang si Yoonji.

"Anong sinabi mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yoonji sa kaniya.

Panandaliang huminto si Jimin at tinitigan ang nasa harapan. Maya-maya ay iniangat niya ang kanang kamay at pinisil ang ilong ni Yoonji.

"Park Jimin!" Sigaw ng isa.

Tila nabalik naman sa realidad ang isa at mabilisang hinila ang cart paalis sa harapan ni Yoonji.

"Sorry Noona!" Pasigaw na sabi nito.

Samantala ay bored na bored na nakahiga sa kama ni Taehyung ang dalawa. Mag-iisang oras na kasi ay hindi pa sila binabalikan nila Yoonji at Jimin.

Nagkukwento na lamang si Taehyung ng tungkol kay Jimin para naman kahit papaano ay may alam si Kookie tungkol kay Jimin.

"Sayang nga si Jimin e, may chance siya na mag-valedictorian pero ang dami kasi naming record sa guidance kay binabawasan ang grade niya." Malungkot na sabi ni Taehyung. Noong elementary kasi sila ay muntik ng mag-valedictorian si Jimin, kaya lang ay marami silang record sa guidance. Binawasan ang grade ni Jimin noon kaya naging with high honor na lang siya, pangatlo sa mayroong pinaka-mataas na grade.

"Aw~ e ikaw? Bakit nasa section B ka?" Tanong ni Kookie. Kanina pa siya nakatitig kay Taehyung pero busy naman ito sa pagtitig sa ceiling.

"Dahil sa english subject. Palaging pasang-awa ang grade ko doon, idagdag mo pa ang record ko sa guidance. Ganun talaga. Ikaw naman Kookie? Bakit nasa section C ka?"

"English din, saka math. Plus yung record ko din sa guidance office." Pag-amin ni Kookie.

"Wow, hindi ko alam na may mga babae palang katulad mo." Natatawang sabi ni Taehyung bago ilipat ang tingin kay Kookie. Matagal din silang nagtitigan hanggang sa iiwas ni Taehyung ang tingin niya.

"Bakit ka pala nag-transfer?" Tanong niya ulit.

"Nakick-out ako sa dati kong school. Honestly, hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang school ko na ang school niyo. Maniwala ka o hindi, i don't care, pero banned na ako sa apat na schools dito sa Manila." Natatawang sabi ni Kookie.

"Ganun ka ba talagang ka-suki sa guidance?"

"Hm, nabanned ako dahil palagi akong napapaaway sa mga babae sa school. Sabi nga ng Papa ko, kapag nakick-out pa ulit ako ay hindi na ako mag-aaral. Kaya buti na lang at hindi na kayo gumagawa ng kagaguhan. Atleast hindi na tayo napupunta sa guidance." Sabi ni Kookie sa kaniya.

"Nah, kahit gumawa tayo ng gumawa ng kalokohan ay hindi tayo iki-kick out sa school, kaibigan natin si Jimin, remember? Isa sa mga founder ng school ang grand parents ni Jimin." Sabi ni Taehyung.

Muling tumahimik ang buong kwarto hanggang sa marinig nila ang pagdating ng kotse at ang pagpasok ng isang sumisigaw na Yoonji at tumatawang Jimin.

Pinag-aawayan ng dalawa ang kotse ni Yoonji na paubos na ang gas at hindi man lang pinalagyan ni Jimin. Kahit nagagalit si Yoonji ay tumatawa nalang si Jimin dahil nakita niyang muntik ng madulas ang dalaga sa pagbaba ng kotse.

***

ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon