Hindi nag-abalang buksan ni Yoonji ang pinto nang marinig ang pagbusina ng kotse sa labas dahil alam niyang may spare key si Jimin noon. Pagpasok ng binata sa loob ng bahay, kasunod si Kookie ay parehas itong bumati ng magandang umaga sa kaniya.
"Si Taehyung, Noona?" Tanong ni Jimin. Lunes na naman ngayon at medyo nalate ng gising si Kookie kaya ang tagal ni Jimin na hinintay ito bago sila nakapunta sa bahay ni Taehyung para sunduin at sabay sabay na pumasok sa school.
"Pumasok na, may gagawin pa daw kasi siya." Masungit na sabi ni Yoonji habang busy sa pagla-laptop.
"Hm? Dati naman kahit malate siya okay lang," medyo pabulong na sabi ni Jimin pero narinig iyon ni Yoonji, "Sige, Noona. Bye bye!" Paalam nito bago naunang lumabas ng pinto.
"Bye Unnie!" Sigaw din ni Kookie at sumunod kay Jimin sa labas.
Pag-alis ng dalawa ay napasandal sa upuan si Yoonji. Naninibago nga rin siya sa kapatid niya. Tatlong araw ng tila iba ang ikinikilos nito. Tila hindi na rin sila gumagawa ng kalokohan dahil mag-dadalawang buwan ng hindi nakakatanggap ng text mula sa dean si Yoonji.
Anong problema ng dalawang troublemaker na iyon? Naisip ni Yoonji. Hindi naman sila mukhang magkaaway dahil noong isang gabi lang ay doon natulog si Jimin sa kanila.
Napapailing na tumayo si Yoonji sa kaniyang kinauupuan, isa lang ang paraan para malaman niya iyon.
Pumasok siya sa kwarto ng kapatid at hinanap ang diary nito. Nang makita ang isang mas makapal pa sa libro na pag-aari ng kapatid ay kinuha niya ito at naupo sa kama ni Taehyung.
Tahimik niyang inisa-isa ang pahina ng diary. Dalawa ang bagong entry doon. Isa noong nakaraang buwan, at isa kagabi.
#Entry 78th
[ I think I'm slowly falling inlove with Kookie. ]#Entry 79th
[ Jimin Jimin Jimin, puro na lang Jimin. ]"That's it!" Bulong ni Yoonji bago isinara ang diary.
Samantala, magkasamang nagrecess sina Jimin at Kookie, silang dalawa lamang dahil hindi pa rin nila nakikita si Taehyung mula kaninang umaga.
Mali pala, sadyang hindi ito hinahanap ni Jimin dahil ramdam niyang iniiwasan siya ng kaibigan. Kapag umiiwas kasi si Taehyung ay hinahayaan lamang ni Jimin hanggang sa magsawa ito at siya na mismo ang lumapit kay Jimin. Ngunit hindi naman ganoon katagal ang inaabot ng pag-iwas ni Taehyung, madalas ay hindi pa umaabot ng isang oras.
Sa totoo lang ay kinakabahan din si Jimin dahil baka may pinoproblema ang kaibigan niya at ayaw sabihin sa kaniya. Ngayon lang umabot na halos kalahating araw na siyang hindi pinapansin ni Taehyung.
"Si Taehyung!" Sigaw ni Kookie ng makita ito sa isa sa mga pahingahan ng estudyante. Marami itong kasamang kaklase at tila nagkakatuwaan sila.
Bago pa man malapitan ni Kookie si Taehyung ay hinawakan siya sa kamay ni Jimin at hinila paalis.
"Bakit?" Tanong ni Kookie sa kaniya.
"Hayaan mo muna siya." Walang ganang sagot ni Jimin.
Hindi na lang nagsalita si Kookie. Baguhan pa lang siya sa samahan ng dalawa, malamang ay mas alam ni Jimin ang gagawin.
Kinahapunan din ng araw na yon ay hindi na nakatiis si Jimin, nagkataong naunang nagpauwi ang kanilang guro at nagkaroon siya ng time para tumambay sa harapan ng room ni Taehyung at maghintay doon.
Pero paglabas ni Taehyung ay may mga kasama itong lalaki at tila hindi man lamang siya nakita ng kaibigan at nilampasan na lang.
Yeah, that hurts.
Isang oras. Isang oras naghintay si Kookie sa gate ng school nila pero walang dumaang kotse ni Jimin, or kahit anino lamang ni Jimin o kahit ni Taehyung.
Napilitang maglakad ang dalaga ng marealize na iniwan siya ng dalawa. Wala namang problema iyon kay Kookie kahit babae siya at kahit madilim dilim na. Kaya naman niyang protektahan ang sarili niya.
Samantala, matapos maghanda ng hapunan ng katulong nila Jimin ay umakyat ito sa kwarto ng amo. Sinubukan nitong buksan ang pinto noon ngunit naka-lock. Tatlong beses siyang kumatok bago sinabing handa na ang pagkain sa baba.
Makalipas ang ilang saglit ay hindi pa rin lumalabas ang kaniyang amo, napilitan siyang dalhin ang pagkain nito sa taas, ngunit hindi pa din siya pinagbubuksan ng pinto ni Jimin. Hanggang sa napilitan na lamang siyang iwanan ang pagkain sa mismong pinto ng binata.
Pag-alis na pag-alis ng katulong ay binuksan ni Jimin ang pinto at kinuha ang kaniyang hapunan. Pagkatapos ay muli niyang ini-lock ang pinto sa kaniyang kwarto.
***
ItsKimMiAh