Patuloy ang pag-agos ng malamig na tubig sa katawan ni Jimin. Nakatayo lamang siya doon na tila ninanamnam ang lamig ng tubig. Nakapikit siya at malalim ang iniisip.
Isang blurred na alaala mula sa nagdaang gabi ang paulit ulit na bumabalik sa alaala niya, ngunit sobrang kulang nang alaalang yon para hindi mag-isip si Jimin ng mga sumunod na nangyari.
Dalawang araw na rin ang nagdaan ng mangyari ito, at hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikitang muli.
Ang naaalala lamang niya ay nakita niya itong may kasamang ibang lalaking hindi niya kilala tapos ay nilapitan niya ito at hinila sa elevator. Dinala niya ito sa hindi maalalang kwarto at isinara niya ang pinto.
Yun lang, yun lang ang natatandaan niya at wala ng iba. Hindi niya maisip na lubos kung siya ba ang may gawa noon o hindi. Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya alam. Pero kung siya man, at least hindi ibang tao, di ba? Yoon naman ang mahalaga, di ba?
Sa kabilang banda, paglabas ng kwarto ni Taehyung ay nakita niya ang kapatid na nakatulala sa laptop nito.
"Hindi ka ba iniinit sa suot mo, Noona?" Tanong niya rito. Hindi kasi niya maisip kung bakit suot nito ang black-turtle neck dress na damit ng Mommy nila.
Tatlong araw na, kung hindi naka-turtle neck ay balot na balot ng kumot si Yoonji. Iniisip na nga ni Taehyung na puno ng kissmark ang katawan nito, psh. Pero dahil naalala niyang walang boyfriend ang Ate niya ay naisip niyang baka nababaliw lang ito.
"Noona!" Tawag niya dito dahil mukhang hindi siya nito naririnig.
"Yeah, I love myself too." Pagkuwa'y naiiling na bulong ni Yoonji sa sarili bago nagpatuloy sa pagta-type ng kung ano sa kaharap na laptop.
Napairap na lang si Taehyung sa kawalan dahil sa minsang kabingihan ng kaniyang kapatid. Nagdiretso siya sa pinto at nang akmang bubuksan na niya ito ay kataka-takang napansin din siya ng kapatid.
"At saan ka pupunta, Taehyung?" Ani Yoonji bago lumingon sa kaniya.
"Kila Jimin, bakit sama ka?" Nang-iinis na tanong niya rito.
"Psh." Tanging sagot lang ni Yoonji at muling bumalik sa pagta-type sa laptop niya.
Paglabas pa lamang ni Taehyung ng kanilang bahay ay nakita na niya si Jimin na naglalakad palapit sa kaniya, napag-usapan nilang puntahan si Kookie sa bahay nila ngayon dahil hindi pa rin ito nag-oonline at nag-bubukas ng cellphone.
Tahimik na naglakad ang dalawa papunta sa bahay nila Kookie. Pinagbuksan naman sila kaagad ng pinto ni Jinnie ng makarating sila dito.
Sabay na kumatok ang dalawa sa pinto.
"Kookie?" Malumanay na tawag nila sa pangalan nito ngunit walang sumasagot. Hanggang sa buksan na nila ang pinto at pumasok sa loob.
Naabutan nilang natutulog si Kookie, sa itsura nito ay mukhang okay naman na at kailangan na lang ng kaunting paglilibang upang makalimutan ang nangyari.
Tila iisa ang nasa isip ng dalawa at sabay silang tumalon sa kama ni Kookie at inatake ito ng walang katapusang kiliti.
Ilang saglit lang ay nasa sahig na ang dalawa habang walang sawang tumatawa naman si Kookie sa taas ng kama. Matapos kumalma nito ay kapwa tinignan ng masama ang dalawang lalaking nakahiga pa rin sa sahig matapos mahulog sa kama.
"Yah! Bakit hindi man lang kayo nagsabi na pupunta kayo dito? Hindi pa ako naliligo mula kahapon!" Sigaw nito sa kanila.
"Kaya pala, aish!" Sabi ni Jimin saka nagtakip ng ilong.