"Wala pa si Kookie?" Naiinip na tanong ni Jimin na kanina pa gustong gustong kumain pero hindi sila makapagsimula dahil wala pa si Kookie.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Yoonji ng kwarto, dala nito ang cellphone.
"O yan, kausapin niyo na." Masungit na sabi nito bago inilapag sa lamesa ang cellphone at umupo sa tabi ni Jimin.
"Jinnie-noona?" Tanong ni Taehyung habang nakatingin sa cellphone.
"Yes, Tae?"
"Si Kookie?" Tanong din ni Jimin.
Sa kabilang banda ay nakamasid lang si Yoonji, tinitignan niya kung totoo ba ang sinabi sa kaniya ni Taehyung noong isang gabi.
"Oh, Jimin? Sorry ha, nilalagnat kasi si Kookie kaya hindi siya makakapasok ngayon." Pagsisinungaling ni Jinnie.
Nasa kwarto siya ni Kookie at mariin siyang sinesenyasan ng kapatid na huwag sabihin na nandoon siya.
Matapos kasi noong isang gabi ay nag-off siya ng cellphone at hindi lumabas ng bahay.
"Hm? Pasaway talagang babae yon," naiiling na sabi ni Tae.
"Aw~ pwede ba namin siyang puntahan mamaya pagkatapos ng klase?" Tanong naman ni Jimin.
"Ah, eh. Kasi... ah, oo. Uuwi kasi si Papa mamaya kaya baka hindi kayo pwedeng dumalaw." Pagsisinungaling muli ni Jinnie.
Walang ka-idea idea ito kung bakit ayaw magpakita ni Kookie sa dalawang kaibigan, gayong noon ay halos hindi ito mahiwalay sa kanila.
"Una na ako ha? May gagawin pa ako e." Paalam ni Jinnie bago pinatay ang tawag.
Hinarap niya si Kookie na tila takot na takot na nakatago sa ilalim ng blanket nito.
"At anong kalokohan ito Ms. Jeon Jung-Kookie?" Nakapameywang na tanong ni Jinnie sa kapatid.
Sakto naman na narinig ni Kookie ang pagbusina sa labas ng kanilang bahay, tanda na dumating na ang sundo ni Jinnie.
"Unnie, andiyan na si Namjoon-oppa." Painosenteng sabi niya.
"Ikaw ah, Kookie. Pag-uusapan natin yan mamayang pag-uwi ko. At isa pa, bayaran mo ako ng 500 dahil jan sa mga kalokohan mo!" Masungit na sabi ni Jinnie bago lumabas ng kwarto niya.
Napairap na lang si Kookie. Bakit naging mukhang pera naman na ang Ate niya? Psh, masyadong maimpluwensiya talaga si Yoonji na pati ang Ate ni Kookie ay nagsusungit na ngayon.
Nang marinig niyang umalis na ang kotse ay nagtalukbong na siyang muli ng kumot at niyakap ang unan niya. Balak niyang matulog maghapon.
Muling napamulat ng mata si Kookie at nakaramdam ng kaunting takot ng makarinig ng tatlong beses na pagkatok sa kaniyang pinto.
"Kookie?"
Taehyung?
Hindi siya sumagot, hanggang sa may muling kumatok.
"Kookie?"
Jimin?
Lumakas ang kaba ni Kookie ng makitang pabukas ang pinto. Maya-maya lang ay pumasok na ang dalawa sa loob.
"Kookie!" Excited na sigaw ni Taehyung at tumabi sa kaniya sa kama. Inalis nito ang pagkakatakip niya sa kumot at agad na sinalat ang kaniyang noo.
"Wala ka namang sakit e." Anitong naka-poker face, katulad na katulad ng sa kaniyang Ateng si Yoonji.
Painosenteng ngumiti lang si Kookie.