Kagigising lamang ni Jimin at hindi niya alam kung bakit nasa kwarto niya ngayon si Yoonji.
"Hindi ako naniniwala na si Taehyung ang gumawa non kay Kookie. Kagaya nga ng sabi mo, wala pang first kiss si Taehyung. Jimin, parang awa mo na. Nung araw na yon, nagising ako na nasa tabi ko si Taehyung at wala kayong dalawa ni Kookie sa kwartong yon! Imposibleng si Taehyung ang may gawa non!" Umiiyak na sabi ni Yoonji sa kaniya.
Nakayuko lang si Jimin at hindi ito matignan, natatakot siya na baka masabi niya dito kung ano ang totoo. Na parehas silang walang alam, hindi nila alam kung sino ang may gawa noon kay Kookie.
Tandang tanda ni Jimin na hinanap niya si Yoonji ng gabing iyon, sinabi niya kay Yoonji na siya ang first love at first girlfriend niya. Pagkatapos noon ay may nangyari pa sa pagitan nilang dalawa ni Yoonji pero natigil iyon dahil pumasok si Taehyung sa loob ng kwarto nila. Wala nang ibang matandaan si Jimin bukod doon. At ang sinasabi ni Yoonji na nagising siyang wala siya at si Kookie ay noong inihatid niya pauwi si Kookie at naiwan si Taehyung para bantayan si Yoonji sa kwarto.
Lahat sila ay walang alam kung sino at ano ang eksaktong nangyari ng araw na iyon.
Naramdaman ni Jimin ang paghawak ni Yoonji sa kamay niya.
"Jimin, di ba magkaibigan kayo ni Taehyung? Hahayaan mo na lang bang masira ang kinabukasan niya dahil sa inako niya ang magiging anak ni Kookie? Oo naiintindihan ko na kaibigan niyo din si Kookie pero Jimin, mas matagal mong kaibigan ang kapatid ko. Please, Jimin." Pagmamakaawa nito sa kaniya.
Nagsimulang pumatak din ang kaniyang mga luha. Masisira ang buhay ni Taehyung? Tapos siya ay mananatiling maayos dahil hindi naman siya sangkot sa issue. Dalawa sa kaibigan niya ang makakatanggap ng panghuhusga samantalang maayos na magpapatuloy ang buhay niya. Wala na ba siyang kwentang kaibigan noon?
"Hindi... k-ko alam, Noona." Panimula ni Jimin.
Huminga siya ng malalim bago magpatuloy,
'Sorry, Kookie..' naisip ni Jimin.
"Hindi si Taehyung, hindi rin ako. Hindi namin alam kung sino dahil pare-parehas kaming naka-inom noon. Pero natatandaan kong umalis ako para hanapin ka, naiwan sila sa pool. Sabi ni Taehyung, iniwan niya din daw si Kookie mag-isa doon para hanapin tayo." Pag-amin ni Jimin sa kaniya.
Samantala, sa bahay nila Kookie ay magkaharap ngayon ang Papa niya at ang Mommy ni Taehyung. Magkatabi si Kookie at Taehyung na nakaupo sa gitnang sofa, kapwa nakayuko. Magkahawak sila ng kamay at sinisigurado ni Taehyung na hindi bibitaw si Kookie sa kaniya. Haharapin nilang dalawa ang kung ano man ang kahihinatnan ng lahat.
"Desidido na kayo na magsama? Kaya kong ipahanda kaagad ang kasal kung totoong desidido na kayo." Paliwanag ng Papa ni Kookie.
"Taehyung, sigurado ka ba?" Tanong ng Mommy niya sa kaniya. Tahimik na tumango lamang si Taehyung dito.
Wala siyang pakialam kung parehong masira ang buhay nilang dalawa dahil lang sa ikakasal sila sa murang edad, dahil lang sa magkakapamilya sila sa murang edad. Ang mahalaga naman doon ay magkasama sila, diba? Saka hindi naman sila iiwan ni Jimin, diba?
"Taehyung-ah!" Sigaw ni Yoonji na tumatakbong papasok ng bahay. Kasunod niya si Jimin na nakapantulog pa.
"Bakit ka magpapakasal sa kaniya? Taehyung hindi mo yan responsibilidad! Bakit mo sisirain ang future mo jan?" Sigaw nito pagkapasok pa lang ng pinto.
"Noona!" Sigaw ni Jimin mula sa labas.
"Ano Taehyung? Bakit ka magpapak---"
"Kase mahal ko siya!" Pabalik na sigaw ni Taehyung.
Tumahimik ang buong bahay, pati si Yoonji ay natahimik sa may pintuan. Habang muling bumalik ang mga luhang walang sawa sa pagpatak mula sa mga mata ni Kookie.
"Taehyung-ah..." hindi makapaniwalang sabi ni Jimin. Nagpabalik balik ang tingin niya kay Taehyung at kay Kookie.
Maya maya pa ay lumapit siya rito at hinila ang kaibigan palabas ng bahay. Tahimik lang silang naglalakad hanggang sa mahinto sila sa lugar kung saan sila unang nag-kita, naglaro at nag-away.
Walang iba kundi sa playground.
"Akala ko what's yours is also mine? Bakit mo sinabi kay Noona yung totoo? Ano sa tingin mo ang mangyayari kay Kookie ngayon?" Panimula ni Taehyung.
"What's yours is also mine, kaya nga sinabi ko kay Yoonji-noona. Kasi ako, magkakaroon ng kalayaan habang ikaw hindi. Taehyung! Mas nauna kitang naging kaibigan kaysa kay Kookie!" Di makapaniwalang sigaw ni Jimin.
"So hahayaan mo na lang na si Kookie ang magdusa? Nasaan ang what's yours is also mine doon, Jimin? Mag-isip ka naman! Gamitin mo naman yung katalinuhang binigay sayo!" Pabalik na sigaw ni Taehyung sa kaniya.
"Ikaw ang mag-isip! Sa tingin mo ano ang mararamdaman ni Kookie? Taehyung pinapaasa mo yung tao! Mahal mo siya? Hah! Ni hindi mo nga alam ang salitang 'mahal' e, dahil lahat ng turing mo sa tao kung hindi pamilya, kaibigan! Sasaktan mo lang si Kookie, Taehyung!" Pabulyaw na paliwanag ni Jimin.
Parehas silang namumula sa galit, tila nakalimutan na ang magla-labintatlong taong pinagsamahan. Ang matibay at buo nilang pagkakaibigan ay tila unti unti nang nawawasak at nawawala na parang bula.
"Ah, so ayaw mo na umasa si Kookie? Kasi alam mo kung gaano kasakit, diba? Kasi pinaaasa ka lang ni Yoonji-noona!" Sigaw ni Taehyung.
Natahimik si Jimin at hindi nakasagot. Sabihin mo na lahat ng masasakit na katotohanan kay Jimin, huwag mo lamang idadamay ang taong mahal niya. Tila nakalimutan na ni Taehyung ang pagkakakilala niyang iyon kay Jimin dahil sa galit.
"Alam mo ba kung bakit siya lumapit sayo? Kasi akala niya gusto ko si Kookie, at akala niya nagseselos ako sayo! Sa madaling salita, nilandi ka lang ni Yoonji-noona para lumayo ka kay Kookie!" pagpapatuloy ni Taehyung sa sinasabi.
"Tama na," pagbabawal sa kaniya ni Jimin. Nakakuyom na ang mga kamao nito, namumula na ang mga mata at kahit anong oras ay nagbabadyang tumulo ang mga luha na kanina pa niya pinipigil.
"At isa pa! Hindi rin ako papayag na mapunta sayo ang kapatid ko! Ayokong matulad siya sa mga babaeng sinayang at pinaglaruan mo lang!" Itinuloy pa rin ni Taehyung ang sinasabi.
Talaga ngang nakalimutan na niya na noong limang taong gulang sila ay nangako siya kay Jimin na si Yoonji ay kay Jimin na rin. Dahil lahat ng kaniya ay kay Jimin na rin, at lahat ng kay Jimin ay kay Taehyung na rin.
Nakalimutan na nila, na pati kay Yoonji ay hati sila.
"Sabi ko tama na!" Kasabay ng pagsigaw na iyon ni Jimin ay ang pagtama ng kaniyang kamao sa mukha ng kaibigan.
Napahawak na lamang si Taehyung sa dumudugo niyang labi, habang tila walang pakialam na naglakad paalis ang isa.
Tuluyan na ngang nasira ang pagkakaibigang nabuo labintatlong taon na ang nakakaraan. Tuluyan na nilang tinalikuran ang isa't isa, kapwa dala ang sakit ng mga salitang binitawan. Walang panghihinayang at tuluyang kinalimutan ang masasayang nakaraan.
Habang sabay nilang nilalakbay ang kalsada papasok ng eskwelahan, habang sabay nilang nililinis ang isang lugar bilang isang parusa, habang sabay silang umaakyat sa mataas na bakuran upang tumakas, habang sabay silang tumatawa sa kalokohang ginawa.
Sa lugar kung saan sila nagsimula ay ang mismong lugar kung saan sila magtatapos.
ItsKimMiAh