7

103 5 0
                                    

"Aalis na ako!" Paalam ni Taehyung sa kapatid.

"Hindi mo ba hihintayin si Jimin?" Inosenteng tanong ni Yoonji pero hindi siya pinansin ng kapatid at nagpatuloy ito sa paglabas ng bahay.

Napailing na lang si Yoonji at sumilip sa bintana, mag-isang naglalakad ni Taehyung papasok sa eskwelahan. Sa hindi kalayuan ay natatanaw din ni Yoonji ang isang babaeng naglalakad mag-isa, si Kookie.

Ika-apat na araw na ito na hindi dumaan ang kotse ni Jimin sa bahay nila, naku-curious na tuloy si Yoonji kung may iba pa bang nangyari bukod sa nabasa niya sa diary ng kapatid.

Hindi katulad noong lunes, tahimik si Taehyung ngayon at hindi nakikipag-usap sa mga kaklase niya. Wala siya sa mood. Hindi na niya kayang magpanggap na masaya siyang makisama pa sa mga kaklase niya. Halos hindi niya kasi masundan ang trip ng mga ito.

"Mr. Kim Taehyung, maari ka bang makausap?"

Mula sa kawalan ay nalipat ang tingin ni Taehyung sa teacher na nakadungaw sa kanilang pinto. Tumayo siya at lumabas ng classroom. Wala naman kasi silang teacher ng oras na iyon.

"Bakit po?" Tanong niya sa guro, ang adviser ng Section A.

"Hindi ba magkaibigan kayo ni Park Jimin? Hindi na kasi siya pumapasok mula nung Tuesday. Marami na siyang namimiss na quizzes." Sabi nito.

"Po? Uhm, pupuntahan ko na lang po siya sa bahay nila mamaya?" Medyo nag-aalangang sabi niya rito.

"Sige, hijo. Salamat." Wika ng guro bago umalis sa harapan niya.

Problema iyon, hindi niya alam kung paano kakausapin si Jimin. Sobrang tagal niya itong hindi pinansin kaya malamang ay nagtatampo na ito at nagkukulong sa sariling kwarto.

Anong sasabihin niya? Na nagseselos siya kaya hindi niya ito pinapansin? Nah, hindi naman siguro magtatanong si Jimin kung bakit.

Nang hapon din na yon ay naglakad si Taehyung pauwi, nagdiretso siya sa bahay nila Jimin. Pinapasok siya ng Yaya at sinubukan niyang katukin sa kwarto ang kaibigan.

Katulad noong mga bata sila, tuwing hindi lumalabas ng bahay si Jimin ay si Taehyung palagi ang sumusundo dito. Noong mga panahong gusto ni Jimin ng kotse ngunit hindi siya mabilhan kaagad, noong mga panahong gusto ni Jimin na sumama sa school outing pero hindi siya pinayagan, noong mga panahong ayaw niyang lumipat ng bahay dahil ayaw niyang iwan si Taehyung. Tandang tanda pa ni Taehyung lahat ng panahong iyon, kung saan pagkatapos ng tatlong pagkatok niya at pagtawag sa pangalan ni Jimin ay bubuksan nito ang pinto pagkatapos ay okay na ang lahat.

"Jimin?" Medyo nanginginig pa ang boses ni Taehyung ng tawagin niya ang pangalan ng kaibigan.

Wala siyang nakuhang sagot at hindi rin bumukas ang pintuan. Nagdadalawang isip siya kung uulitin pa ba o huwag na lang. Baka kasi tulog lang si Jimin kaya hindi siya narinig.

Huminga ng malalim si Taehyung bago nagsimulang tumalikod at naglakad pababa ng bahay. Ngunit bago pa siya makalabas ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Jimin. Sumilip mula sa baba si Taehyung bago muling umakyat sa taas at pumasok sa loob.

Hindi na siya nagtaka ng makita si Kookie doon, nakaramdam man ng kaunting kirot ay ngumiti na lang si Taehyung. Nginitian lamang din siya ni Jimin bago hinila paakyat sa kama.

Ilang sandali lang ay isang nakabibinging tawanan na ang maririnig mula sa loob ng kwartong iyon. Kapwa nagkandahulog sa sahig ang magkaibigan dulot ng pagtutulakan nila sa kama.

Sa gilid ng kama ay tumatawang nanonood na lamang si Kookie, kahit ang totoo'y gusto niyang makisali sa gulong iyon. Natatakot siya na maging dahilan siyang muli ng pag-aaway ng dalawa.

Ngunit maya-maya ay huminto ang dalawa at tumingin sa kaniya. Nawala ang ngiti ng dalaga ng sabay na tumayo ang dalawa sa sahig at siya naman ang inatake.

Nauwi ang lahat sa isang magulong kwarto at ang tatlong pagod na pagod na nakahilata sa kama ni Jimin. Nasa gitna si Kookie, sa kanan si Jimin at sa kaliwa niya si Taehyung.

"I'm half Taehyung, half Kookie." Panimula ni Jimin, pare-parehas silang nakatingin sa ceiling.

"I'm half Jimin, half Kookie." Sabi din ni Taehyung.

Naguguluhang umupo si Kookie at tinignan ang dalawa, hindi niya maintindihan ang sinasabi ng mga ito.

Natawa na lamang si Jimin sa itsura ng dalaga,

"You're half Jimin and half Taehyung." Paliwanag ni Taehyung dito.

"Ayan a, 50/50 na ang hati, okay na?" Tanong ni Jimin na nabaling ang tingin kay Taehyung.

"Okay na," nakangiti ding sagot ni Taehyung bago tumingin kay Jimin. Parehas na nagmake face muna ang dalawa sa isa't isa bago bumaling kay Kookie, "Ikaw Kookie? Okay na?" Tanong ni Taehyung dito.

"Oo, okay na." Sagot ni Kookie kahit hindi niya naintindihan kung para saan ang hatian na yoon.

***
ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon