18

105 3 0
                                    

Parehas na nakatayo sa harapan ng isang drugstore sina Jimin at Taehyung, kapwa nagtatalo kung sino ang bibili ng nasabing pregnancy test.

Birthday ngayon ng Papa ni Kookie, naisipan nilang bumili muna ng pregnancy test bago magpunta sa bahay nila.

Maya-maya pa ay sabay na pumasok sila sa drugstore, maswerteng walang costumer ng panahong iyon kaya malaya silang makapagtanong sa counter.

"Ate... may p-pregnancy test po kayo?" Tanong ni Jimin na nanginginig pa ang boses.

Binigyan sila ng makahulugang tingin ng babae bago naglakad ito at kumuha ng dalawang pregnancy test sa lagayan nito bago bumalik sa counter at ibigay sa kanilang dalawa.

Ini-abot ni Jimin ang isang libo sa counter at nagmamadaling ibinulsa ang pregnancy test na katatapos lamang i-check ng machine.

Bago pa man ibigay ang resibo sa kanila ay yumukong muli ang babae at may kinuha sa isang box na nasa ilalim, pagkatapos ay iniabot ito kay Taehyung kasama ng resibo.

"Hijo, libre na lang ang mga condom ngayon. Sa inyo na yan, proteksiyon niyo para hindi na kayo bibili ng pregnancy test." Wika ng cashier sa kanila.

"Uh... keep the change po." Nahihiyang sabi ni Taehyung bago sabay na tumakbo sila ni Jimin palabas ng store.

Pagpasok sa loob ng kotse ni Jimin ay tila diring-diring inihagis ni Taehyung ang limang condom na binigay ng babae sa kaniya.

Parehas na natawa sila ng marealize kung gaanong nakakahiya ang ginawa nilang dalawa.

Pagdating sa bahay nila Kookie ay binati lamang ng dalawa ang Papa nito at iniabot ang regalo. Pagkatapos noon ay hinila na nila si Kookie papasok sa kwarto nito.

Ini-lock ni Jimin ang pinto bago ilabas ang nakatago sa kaniyang bulsa.

"Paano gamitin yan?" Tanong ni Kookie, nangingilid na muli ang luha nito pagkakita pa lamang sa pregnancy test.

"Eto, may instruction dito." Sabi ni Taehyung habang tinuturo ang instruction kay Kookie.

Kinuha ni Kookie ang buong plastic ng pregnancy test at pumasok sa cr.

Matagal na naghintay sa kama ang dalawa. Inilapag ni Jimin ang isa pang pregnancy test sa side table ni Kookie at humiga sa kama.

Maya maya pa ay naririnig na nila na tinatawag na si Kookie sa baba. Parehas na kinabahan ang dalawa at kinatok sa cr si Kookie.

Magsasampong minuto na ito sa loob ng cr at hindi pa din lumalabas.

"Kookie! Tawag ka sa labas, dalian mo jan." Medyo pabulong na sigaw ni Jimin.

"Kookie! Tawag ka ni Papa!" Sigaw ni Jinnie sa labas ng pinto ng kwarto ng kapatid.

Umakyat na din si Yoonji at kumatok sa pinto.

"Taehyung, Jimin! Buksan niyo ito!" Sigaw ni Yoonji mula sa labas at mas lalong kinabahan ang dalawang lalaki sa loob.

Hanggang sa maging magulang ni Jimin at Taehyung ay nasa pinto na din, maging ang Papa ni Kookie.

Paglabas ni Kookie ng cr ay umiiyak na ito hawak ang pregnancy test. Kinuha iyon ni Taehyung at tinignan, dalawa ang guhit, ano nga bang ibig sabihin noon?

Nagtitinginan lang ang dalawang lalaki, kapwa hindi nila alam ang ibig sabihin noon.

Niyakap na lang ni Taehyung si Kookie upang matigil ito sa pag-iyak, habang hawak pa rin sa kamay ang pregnancy test.

Maya-maya pa ay bumagsak sa harapan nila ang pintuan ng kwarto ni Kookie.

Walang ibang maririnig sa loob ng kwarto kundi ang pag-iyak ni Kookie. Mahigpit na hinawakan ni Taehyung ang pregnancy test at itinago sa likuran.

Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ng Daddy ni Jimin ang pregnancy test na nakalapag sa study table.

"Jimin, pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang nakikita ko?" Tanong nito sa anak.

Nilapitan ito ng Daddy ni Jimin at kinuha. Lahat ng atensiyon ay napunta doon sa hindi pa nagagamit na pregnancy test.

"Kookie?" Mahinahon na tanong ng Papa ni Kookie.

"Baby..." naiiyak na sabi ng Mama ni Jimin at lumapit sa anak para yakapin ito.

Lahat ng taong nandoon ay walang ibang iniisip kundi si Jimin ang ama. Dahil siya ang babaero, hindi ba?

Nang hindi matiis ni Taehyung ang mga mapanghusgang tingin na ibinibigay ng lahat kay Jimin ay inilabas niya ang pregnancy test na hawak.

Agad iyong kinuha ng Papa ni Kookie na halos mawalan ng malay matapos makitang positive ang result niyon.

"Ako po, ako po yun." Nakayukong sabi ni Taehyung.

"Taehyung," pagkontra ni Jimin.

Tinignan lang siya ni Taehyung, muli silang nagka-intindihan sa pamamagitan ng tinginan.

Ang mahalaga, may umako ng bata, hindi ba? Si Jimin man iyon o si Taehyung o ibang tao. Hindi pababayaan ng magkaibigan na maging marumi ang tingin ng lahat kay Kookie. Kaya nilang akuin ito, kahit sino sa kanilang dalawa, basta huwag lang mapahamak si Kookie.

"Si Taehyung po," pagkuwa'y sabi ni Jimin.

Halos hindi makapaniwala ang lahat na ang isang inosenteng Taehyung at inosenteng Kookie ay kayang gawin ang bagay na iyon, at ang mas malala pa ay mayroong nabuong bata.

"Ang babata niyo pa, jusko..." naiiyak na sabi ng Mommy ni Taehyung.

Mahigpit ang yakap ni Kookie kay Taehyung, sobrang pasasalamat niya na inako nito ang responsibilidad na hindi naman kaniya. Sobrang pasasalamat niya na nakilala ang dalawang magkaibigang ito na siyang pumo-protekta sa kaniya ngayon.

Marahang pinisil ni Taehyung ang kamay ni Kookie, habang ang isang kamay naman ni Jimin ay nasa balikat niya.

Kung wala ang dalawa, ano na lang kaya ang mangyayari sa kaniya?

"What yours is also mine," bulong ni Taehyung sa kaniya at alam na alam na ni Kookie ang ibig sabihin nito.


ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon