5

146 8 1
                                    

"Ano tong nababalitaan kong dalawang beses ka ng naga-guidance? Kookie! Kababae mong tao para sa mga kalokohan!"

Nakayuko lamang si Kookie sa kaniyang kinauupuan. Hindi siya umiiyak ngunit hindi rin siya sumasagot sa magulang. Tahimik lamang niyang dinadamdam ang masasakit na salitang natatanggap niya sa mga magulang.

"Wala ka pang isang linggo sa bago mong school tapos ganyan na ang ginagawa mo? Ang baba baba na nga ng mga grades mo puro ka pa kalokohan! Mahiya ka naman, Kookie! Hindi mo tularin ang Ate mo na palaging nasa top!"

"Pa, hayaan niyo na si Kookie." Pagsabat ni Jinnie sa kanila matapos marinig na ikinukumpara na naman siya sa nakababata niyang kapatid.

"Hay nako, Jinnie! Pagsabihan mo nga itong kapatid mo at sa iyo lang naman ito nakikinig!" Tila sobrang stress na wika ng kanilang ama bago umalis sa harapan ni Kookie.

Tinabihan siya ng kaniyang Ate ngunit tumayo siya at lumabas ng bahay. Hindi na kasi niya kayang pigilin pa ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa kaniyang mga mata.

Naglakad-lakad siya sa paligid ng kanilang bagong bahay habang paulit ulit na pinupunasan ang bawat pagpatak ng kaniyang luha. Hindi nagtagal ay naisipan niyang libutin ang buong subdivision, hindi man niya kabisado ang daan pauwi.

"Wala kayang dadaan na mag-a-ice cream dito?"

"Ang iniiiiit~ pababayaran ko talaga sayo ang gluta'ng gagamitin ko kapag sobrang umitim ako!"

"Oo na, para namang naggu-gluta ka, psh."

"Ano ba kasing naisip mo at pinakialaman mo ang cellphone ni Noona?"

"Nacurious lang naman ako kung may boyfriend na siya e! Sa tanda niyang yon wala pa pala."

Sa di kalayuan ay kitang-kita ni Kookie ang dalawang lalaking nakaupo sa swing sa gitna ng kainitan. Familiar ang boses ng mga ito.

Nilapitan niya ang dalawang lalaki at nakilala niya sila kaagad. Sila lang naman ang dahilan kung bakit napunta sa guidance ng dalawang beses ang kakatransfer lang na si Kookie, walang iba kundi sina Jimin at Taehyung.

Kapwa naka jacket ang mga ito, may dalang walis, dustpan at mga sako. Nakita rin ni Kookie ang mga natipong plastics sa gilid ng play ground.

"Oh! Kookie!" Sigaw ni Jimin na siyang unang nakakita sa kaniya. Parehas na kumaway ang dalawang lalaki sa kaniya na siyang ikinangiti niya, tila ba nalimutan na ang lungkot kanina lamang.

"Bakit kayo naglilinis dito?" Tanong niya kaagad ng makalapit sa dalawa.

Inabutan siya ni Jimin ng isang dustpan, hindi niya maisip kung ano ang gagawin doon kaya't tinulungan siya ni Taehyung. Iminostra nito na gawing pangharang sa init ng araw ang naturang dustpan.

"Wala, trip lang namin maglinis." Sabi ni Taehyung.

Kahit ang totoo'y nililinis niya iyon para sa pera. Kapag natapos kasi nilang linisin iyon ay bibigyan sila ng 1,000 ng treasurer ng subdivision. At ang perang iyon ay ibibigay nila kay Yoonji.

Sa totoo lang ay may pera naman ang dalawa, pero ang gusto ni Yoonji ay ang perang pinaghirapan ng mga ito. Hindi naman makapanduga ang dalawa sapagkat nakasilip sa bintana si Yoonji at kitang kita ang gagawin nila. Sa tapat lamang kasi ng playground ang bahay nila Taehyung.

"Talaga? Tulungan ko na kayo!" Masiglang sabi ni Kookie. Kinuha niya ang walis na hawak ni Taehyung at nagsimula ng ituloy ang natigil na gawain ng dalawa.

Nagtinginan na lamang ang magkaibigan bago nagsimulang gumalaw at maglinis muli.

Natutuwa si Kookie na makisama sa dalawa. Minsan kasi ay naikwento sa kaniya ng isa sa mga nagbabalak manligaw sa kaniya ang tungkol kina Jimin at Taehyung. Sa loob-loob ni Kookie ay gusto niyang maging parte ng pagkakaibigan nilang iyon.

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon