12

95 5 0
                                    

"Jimin Park, section A, Math wizard awardee, English excellency awardee, Science excellency awardee, Arts and Music excellency awardee, with Highest Honor."

Mula sa upuan ay tumayo ang dalawa niyang kaibigan at kumaway sa kaniya. Nginitian niya lamang ang mga ito habang tinatanggap ang mga medalyang natanggap. Katulad nang nangyari noon ay hindi na naman siya pinayagang maging valedictorian sapagkat napakarami niyang record sa guidance. Gayunpaman, hindi na iyon mahalaga kay Jimin, ang mahalaga ay naging masaya siya sa mga pinaggaga-gawa niya.

"Taehyung Kim, section B, Math wizard awardee, Arts and Music excellency awardee."

Kahit nasa stage ay kumaway pa rin si Taehyung nang makita niyang nakatayo ang dalawa niyang bestfriend at kumakaway sa kaniya. Sa loob ng anim na taon ni Taehyung sa highschool ay natutunan lamang niyang hindi niya dapat kalimutan ang dalawang kaibigan, yun lang. Bumagsak na siya sa lahat ng subject, basta'y hindi ilalayo sa kaniya ang dalawang taong itinuring na niyang pamilya.

"Kookie! Jimin!" Sigaw pa niya kahit nakatutok sa kaniya ang camera para sa picture taking.

"Jung-Kookie Jeon, section C, Champion in Regional Athletic competition for Taekwondo black-belters, Arts and Music excellency awardee."

Marami ang nagsigawan ng umakyat si Kookie sa stage na siyang nagpapula ng kaniyang mukha. Bagay na bagay sa kaniya ang suot na graduation dress, nagmukha lamang itong panlakad na damit sa kaniyang katawan.

Sa sobrang lakas ng sigawan ay hindi nagpatalo ang dalawa niyang kaibigan na kahit tinitignan ng masama ng mga teachers ay tumuntong pa rin sa upuan. Nagtinginan muna sina Taehyung at Jimin bago sabay na sumigaw.

"WHOOO! GIRLFRIEND NAMIN YAN! GO KOOKIE!" sabay na sabay na sigaw ng dalawa.

Natawa na lang sila ng makitang halos tumakbo na pababa ng stage si Kookie dahil sa sobrang hiya.

Sa dami ng napasukang school ni Kookie ay sa school na ito niya naramdaman na belong siya sa isang community. Marahil ay dahil iyon kina Taehyung at Jimin. Sa lahat din ng school na napasukan ay dito lamang siya nagtagal. Madalas ay hanggang isang grading lamang ang inaabot niya at naki-kick out na kaagad. Samantalang sa eskwelahang iyon ay umabot siya ng higit limang buwan at nag-graduate ng highschool.

Pagkatapos ng ceremony ay nagkita-kita kaagad ang tatlong magkakaibigan.

"Kung hindi ka lang sana gago edi ikaw ang nag-speech kanina!" Pang-aasar ni Kookie kay Jimin.

"Aba't hiyang hiya naman ako sa kagaguhan niyong dalawa no?" Sumbat ni Jimin na halos pag-untugin na ang dalawang kaharap.

"Gumaganda din pala ang mga tinapay, no?" painosenteng sabi ni Taehyung.

"Tinapay ba ang tagalog ng cookie?" Painosenteng tanong din ni Jimin.

Parehas napaisip ang dalawa, ano nga bang tagalog ng 'cookies'?

"Psh, mang-aasar na nga lang kayo di niyo pa sigurado. Saka FYI, dati na akong maganda!" Kunwaring naiinis na pambabara ni Kookie sa kanila bago nagflip hair.

Nagtawanan na lang silang tatlo nang marealize kung gaano ka-epic ang usapan nila.

"Excuse me? Iuuwi ko na ang kapatid ko ha?" Masungit na parinig ni Yoonji sa kanila bago hinila si Taehyung paalis.

Nag-wave na lamang sila sa isa't isa habang sinusumpa sa isip nila ang umepal na si Yoonji. Medyo naging awkward ang dalawa pagkaalis ni Taehyung.

"Uh, sa tingin ko alis na din tayo?" Tanong ni Kookie na hindi makatingin kay Jimin. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin ni Kookie kung may feelings pa rin si Jimin sa kaniya.

"Kookie,"

Paalis na sana si Kookie nang hawakan ni Jimin ang kaniyang mga kamay. Huminto siya pero hindi niya nilingon ang binata dahil natatakot siyang baka bigla itong umamin sa kaniya, hindi niya alam ang isasagot.

"I have three things to apologize to you. First, I'm sorry. I accidentally opened the diary and read your entry. Sorry," pag-amin ni Jimin.

"Second, I'm sorry if I made you feel awkward. I just want to clarify some things here, I only see you as a little sister. Yes, it's true that I started liking you the first time we met but that's who I am. I like all beautiful girls. But Kookie, you're my bestfriend."

Sa sinabing iyon ni Jimin ay tila nakahinga ng maluwag si Kookie. At least alam na niyang wala ng feelings si Jimin sa kaniya, hindi na niya ito kailangang i-reject pa.

"Lastly, in behalf of Taehyung, I'm sorry. I'm sorry that Tae can't like you back, well, I'm not sure of that yet. You're the first ever girl that became close to him. Maybe, someday, he'll realize that he's falling for you too." Seryosong sabi ni Jimin. Ngumiti naman si Kookie bago nilingon ang kaibigan.

"Pero wag kang aasa," pabirong sabi ni Jimin bago binitawan ang kamay ng dalaga at ginulo ang maayos na buhok ni Kookie.

"Yah!" Pagkontra ni Kookie,

"Sige na. Puntahan mo na Papa mo, baka magalit na naman yon sayo. Chat na lang, hm?" Sabi ni Jimin habang nakangiti.

Parehas na kumaway sila sa isa't isa bago nagtalikuran at nagpunta sa sari-sariling pamilya. Maliban kay Jimin, dahil walang um-attend sa kaniya. Pero hindi iyon naging problema dahil naroon naman ang pamilya ni Taehyung at Kookie para suportahan siya.

Hindi sila sama-samang magse-celebrate ng graduation party. Si Kookie kasi ay uuwi ng probinsiya ngayong araw din. Si Taehyung naman ay sa isang private resort ng kamag-anak magse-celebrate ng graduation party, kasabay ng birthday celebration ni Yoonji. Habang si Jimin ay bibiyahe patungong Canada para sundan ang magulang niya at doon magcelebrate ng graduation party.

Magkakalayo man, nangako sila na pagkatapos ng isang linggo ay magkikita silang muli sa play ground ng subdivision at bubuo sila ng isang party para sa graduation nilang tatlo.

***
ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon