20

133 4 1
                                    

2 years had passed.

Nag-aaral ng Architecture ngayon si Taehyung sa parehong College na pinag-aaralan ng kaniyang kapatid na babae.

Wala siyang balita kay Jimin at kahit kay Kookie man lang.

Ang alam niya ay ini-uwi sa probinsiya si Kookie at hindi na babalik pa kahit kailan. Habang si Jimin ay nasa ibang bansa ngayon at nag-aaral ng photography.

Naiwan si Taehyung sa lugar na punong-puno ng masasayang ala-ala, habang ang dalawa ay hindi niya alam kung ano ang naging buhay.

Ang masasayang ala-ala na iyon ay unti-unting nagiging malungkot para kay Taehyung. Sa bawat dadaanan niya ay mayroon siyang naaalalang masasayang pangyayari, ngunit lahat ng iyon ay alaala nalang. Malabo nang maibalik sa dati ang lahat.

Minsa'y nag-aabang si Taehyung ng kotseng hihinto sa tapat ng kanilang bahay, tapos ay bababa doon si Jimin at Kookie. Papasok sila sa bahay at kakain sila ng agahan, magkakasalo sila sa iisang plato.

O kaya naman, aakyatin ni Jimin ang puno ng mangga upang magnakaw ng mga bunga niyon, nakaabang siya sa baba habang sisigaw naman si Kookie dahil matatamaan siya ng bungang naihulog ni Jimin. Pagkatapos ay mahuhuli sila ng mga teachers at maglilinis sila ng buong school gym.

Minsan ay nakikita niya din silang tatlo na naglilinis sa playground ng subdivision.

Isang gabi'y nakatambay sa may swing si Taehyung, tahimik na nakatingala siya sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga makukulay na bituin.

Ganoong-ganoon din ang pwesto niya noong limang taong gulang siya, tuwing tatambay siya doon at hinihintay ang pagbalik ni Jimin.

Sa loob ng isang linggo ay maiinip siya at hahanapin ang bahay nito, kakatok siya sa pinto ng kwarto ni Jimin, tatawagin niya ang pangalan nito pagkatapos ay pagbubuksan siya ni Jimin ng pinto.

Pagkatapos noon ay okay na ang lahat.

Sana ganoon na lang kadali, hindi ba? Sana nga ay pwede pang ibalik ni Taehyung ang nakaraang iyon. Na pupuntahan niya lang sa bahay nila si Jimin at makikipagbati dito. Tapos sabay nilang pupuntahan si Kookie sa bahay nito at makikipagbati sila.

Pero sa tuwing pupunta si Taehyung sa bahay nila Jimin ay wala siyang ibang nakikita kundi sa karatulang nakatambay doon. Ipinagbibili na nila ang bahay na iyon.

Samantalang tandang tanda pa ni Taehyung noong mga panahong ayaw umalis ni Jimin sa bahay na iyon dahil ayaw niyang iwan si Taehyung. Pero nasaan na ito ngayon? Wala na.

Wala na ang kasabihan nila na 'what's yours is also mine.' Dahil nagkanya-kanya na sila ng buhay.

Ang alaala noong highschool days ay nagtapos na at hindi na madudugtungan sa college days.

Dahil para kay Taehyung, dalawa lang ang kaibigan niya sa mundo. Wala nang iba bukod kay Kookie at kay Jimin.

Dahil para kay Taehyung, wala nang makakapantay sa sayang mayroon siya kapag kasama ang dalawa. Walang kahit na anong makakapalit sa dalawa niyang kaibigan.

Sana, sana ganun din ang pananaw ng dalawa.

Hindi lahat ng kwento ay nagtatapos sa happy ending. Hindi rin lahat ay nagtatapos sa tragic ending. Pero sabi ng iba, matatapos lamang ang isang kwento kapag ang mga bida ay namatay na.

Ang kwentong ito ay tungkol sa pagka-kaibigan. Hindi man namatay ang mga bida sa huli, nawala naman ang pinaka-topic ng kwentong ito.

Ang pagkakaibigan, ang pagsasamahan na akala ng lahat ay wala ng makakasira pa ay nakalimutan na ngayon. Isa na lang itong masayang alaala na unti-unting pumapait. Darating ang panahon na wala na kahit isa ang makakaalala nito at tuluyan ng mawawala ang existence ng samahang ito.

Wala ng Jimin, Kookie at Taehyung na laging nagbibigayan at nagtutulungan.

Wala ng Jimin, Kookie at Taehyung ang sama-samang haharap sa problemang darating.

Wala na ang 'what's yours is also mine' na kasabihan, dahil kahit kailan ay hindi na mabubuong muli ang samahan nila Jimin, Kookie at Taehyung.

The End~

***
Sorry, I really am sorry.
I, myself, isn't satisfied with my endings.
But who do you think is at fault for what happened on their friendship?
Is it Tae, Kookie or Jimin? Or Yoonji?
And why do you think so?
ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon