3

225 7 0
                                    

Inilapag ni Yoonji sa ibabaw ng lamesa ang isang tasa ng kape.

"Thank you!" Sabay na sabi ng magkaibigan bago muling nagpatuloy sa pagkain.

Simula pagkabata ay nakasanayan na ni Jimin na sa bahay nila Taehyung kumain ng almusal bago pumasok sa eskwelahan. Simula kasi ng mag-highschool si Jimin ay palagi nang wala ang mga magulang nito at pinaka-ayaw ni Jimin ang kumain kasabay ng pabago-bago nilang katulong.

Sa iisang plato ay magkasalong kumakain ang dalawa. Sa sobrang sungit kasi ni Yoonji ay ayaw nito ng maraming huhugasin, kahit ang totoo'y si Jimin at Taehyung din ang maghuhugas ng mga iyon.

Nasanay na din ang dalawang lalaki, sa katunayan nga ay doon nagsimula ang kasabihan nilang dalawa; "what's yours is also mine."

Kahit anong mayroon ang isa sa kanila ay automatic na pag-aari na rin ng isa. Maliban na lamang sa mga girlfriend ni Jimin at sa strawberries ni Taehyung.

Minsan nga'y natatawa na lang si Yoonji tuwing maiisip niyang pati siya ay pinaghahatian ng dalawa.

"Papasok na ako, ayokong pag-uwi ko mamaya ay maaabutan kong madumi ang bahay." Kalmadong sabi ni Yoonji pero para sa dalawa ay pagbabanta na iyon.

Second year college na si Yoonji kaya naman ay may sarili na siyang sasakyan. Ang Mommy nila ni Taehyung ay nagtatrabaho sa isang kompanya kaya kahit papaano ay afford nila ang ganoong bagay.

Ang alam ni Taehyung ay nasa ibang bansa nagtatrabaho ang kanilang Daddy, pero hindi nito alam na mayroon na itong ibang pamilya doon. Tanging si Yoonji lamang ang nakaalam noon pati na ang kanilang Mommy. Hindi nila ito pinaalam kay Taehyung sapagkat masyado itong naging close sa ama noong nakatira pa ito sa kanila.

"Miss Kim!"

Iyon na ang ikatlong sigaw ng kaniyang professor. Iniangat ni Yoonji ang kaniyang ulo mula sa pagkakadukdok at inaantok na tumingin sa kaniyang history professor.

"Please shut your phone down or just keep it in a silent mode," mahinahong sabi ng guro ng makita ang nakamamatay na tingin ni Yoonji.

Kahit natutulog sa klase si Yoonji ay hindi maipagkakaila na matalino pa rin ito. Kaya naman minsan ay pinababayaan na rin lamang siya ng mga guro, dahil kahit sila ay hindi nakakaligtas sa 'death glare' ng dalaga.

Kinuha ni Yoonji sa bulsa ang kanina pa nagriring na cellphone. Naririnig naman niya ito ngunit tinatamad lang siyang sumagot. Bago pa niya masagot ang tawag ay nag-end call na, naka-limang missed call na si Jimin sa kaniya.

Gulo na naman ito, naisip ni Yoonji.

"Excuse me, Sir. May I excuse myself?" Paalam niya habang nakatayo na at suot na ang bag sa balikat. Wala ng nagawa ang professor niya kundi tumango.

Paglabas ni Yoonji ng classroom ay muling nagring ang cellphone niya kaya't dali dali niya itong sinagot.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa niyo, Jimin? May klase ako! Hindi ko kayo masusundo sa dean office! Bahala kayong mabulok sa detention!" Naiinis na sigaw niya.

"Miss Kim, pumunta ka dito sa office ngayon na."

Napairap na lamang si Yoonji ng marealize na hindi si Jimin ang kausap, kundi ay ang mismong dean sa college na pinapasukan niya.

"Sorry Miss, ano pong gagawin ko jan?" Tanong niya, nagsisimula na siyang maglakad papunta roon.

"We'll settle some sort of things together with your brother Taehyung, his bestfriend Jimin, and this girl, Kookie."

"Kookie? Hindi ko naman kilala yon, bakit ako nasali jan?" Naiinis na tanong ni Yoonji.

"Pero kilala mo ang dalawa kaya kailangan ka dito." Paliwanag ng dean officer.

Naiinis na pinatayan lamang ni Yoonji ang kausap at nagmamadaling pumunta sa office nito. Pagpasok niya doon ay nakita niya ang kaniyang kapatid, ang kaibigan nito at ang sinasabing babae.

"Noona!" Nakangiting bati sa kaniya ng kapatid na ikinairap lang niya. Paano pang nagagawang ngumiti ng kapatid niya gayong may kalokohan na naman itong nagawa?

Sa tabi siya ni Jimin umupo, handang handa na ang kamay niya para ikurot rito sa oras na malaman niyang ito na naman ang pasimuno.

Magsisimula pa lang sa pagsasalita ang dean ng titigan siya ng masama ni Yoonji.

"Anong kasalanang ginawa ng dalawang to?" Straight na tanong niya,

"Uhm.. nahuli silang nag-aakyat bakod sa likod ng college of engineering."

"Kasama siya?" Tanong ni Yoonji habang nakatingin sa babaeng nakayuko lamang.

"Too sad to say this, but yes. Kasama si Kookie." Firm na sabi ng dean.

"So, sinong nagpasimula?" Tanong muli ni Yoonji at parehas na umiling ang dalawang lalaking katabi.

"A-ako." Pag-amin ni Kookie.

"Yah, girl over there. Girlfriend ka ba ni Jimin?" Tanong ni Yoonji kay Kookie, mabilis naman na umiling ang babae.

"Hindi po! Transferee lang po ako. Naatasan kasi silang dalawa na i-tour ako sa buong school. Tapos naisip ko baka pwedeng i-tour din nila ako dito sa college, bawal na ba yun?" Inosenteng tanong ni Kookie na nagpairap kay Yoonji.

"O, problem solved? Kasalanan lahat niyang si Kookie. Aalis na kami," walang ganang sabi ni Yoonji na tinanguan lang ng dean.

Tumayo si Yoonji sa inuupuan at hinila sa kwelyo ang dalawang tila kawawang bata ang hitsura. Paglabas na paglabas sa office ay parehas niya itong kinutusan bago tuluyang hinila palabas ng building.

"Noona~ baka naman pwedeng dito muna kami? Makikipagkita la--"

"Baka gusto mong makalbo ka ngayon, Jimin?" Sa isang sabi lang ni Yoonji niyon ay tumahimik na si Jimin sa kakapilit sa kaniya.

"Noona~ sige na! Mas masarap kasi yung pagkain sa canteen niyo kaysa doo---"

"Kim Taehyung! Baka gusto mong sabihin ko kay Mama na si Jimin ang gumagawa ng mga assignments mo?" Pagbabanta niyang muli na nagpatahimik sa kapatid.

Pinabalik niya ang mga ito sa kanilang eskwelahan nang hindi gaanong sinesermunan at sinasaktan, ngunit sinabi niya na pagdating sa bahay ay saka na lamang niya ito parurusahan.

Kinahapunan ding iyon ay tila kawawang bata ang dalawa na halos magkayakap na nakaupo sa sofa, habang si Yoonji naman ay nakaupo sa tapat nila at nakade-kwatro pa.

"Mamili kayo, bibigyan niyo ako ng pera o lilinisin niyo yung playground at ibibigay ang bayad sa akin?" Tila napapaisip din na tanong ni Yoonji. Ngunit kasasabi pa lamang niya noon at inilapag na ni Jimin ang wallet niya sa lamesitang nasa pagitan nila.

"Bayad na lang," sabi nito.

Nangingiting kinuha ni Yoonji ang wallet ng binata at kumuha ng isang libo rito.

"Tag-five hundred kayo." Sabi niya bago iwinagayway sa harapan ng dalawa ang hawak niyang pera. Ibinalik niya sa lamesita ang wallet at masungit na umalis sa harapan ng dalawa.

Pumasok siya sa kwarto niya at itinago ang pera. Sa totoo lang ay iniipon ni Yoonji lahat ng perang iyon. Kahit papaano ay nakokonsensiya pa din siya sa laki ng perang hinihingi niyang kabayaran sa dalawa.

Nang elementary pa lamang ay binabayaran na siya ng mga ito nang tig-isandaan halos araw-araw.

***

ItsKimMiAh

The Trouble-Maker Bestfriends (VMinKook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon