TBAI:30

1.6K 21 0
                                    

Alexa P.O.V

Kahapon pa ako nag aalala kay xian,hindi ko nga alam kung kumakain pa sya o natutulog man lang,kaya naisipan ko na bago ako umalis pupuntahan ko muna sya sa study room nya.

Ng makapasok ako sa study room ay wala akong naabutan na xian,asan naman kaya ang isang yun,lalabas na sana ako ng may marinig akong boses.

Napatingin ako sa may coach,napansin ko na parang may nakahiga duon,baka natutulog sya,pero bakit naman nakatalukbong sya ng kumot hindi naman masyadong malamig.

Lalabas na sana ako ng maisip na gisingin sya at sabihing sa kwarto na lang sya matulog,lumapit ako sa may coach,tinanggal ko yung kumot na nakatalukbong sa kanya

Napansin ko na namumutla sya at pawis na pawis

Hinawakan ko ang noo nya baka may sakit sya at hindi ako nag kamali,ang taas ng lagnat nya,Kailan pa sya nilalagnat.

"Xian Bakit hindi mo sinabi sakin na nilalagnat ka pala"nag aalalang saad ko sa kanya,hindi naman sya sa sagot kaya bakit pa ako nagsasalita dito

Napatingin ako sa phone ni xian na nag vibrate ito

Nag text si taylor

Taylor

Xian ask lang kung anong oras papasok si bessy?

Mas mabuting tawagan ko na lang sya

Ilang secondo rin bago nya sagutin ang tawag ko

[Bessy ako toh hindi muna ako makakapasok ng mga dalawang araw may emergency kasi dito sa bahay] saad ko sa kabilang linya

[Ganun ba o sige]binaba na nya yung tawag ko,hayst pano ko naman dadalhin sa kwarto tong si xian eh wala dito sina theo

Anong gagawin ko ngayon,hindi ko naman pwedeng pabayaan sya dito na mataas ang lagnat.

"Xian kaya mo bang maglakad hanggang sa kwarto"tanong ko rito,tumango naman ito,inalalayan ko sya na makatayo at inakay sya hanggang sa makalabas kami ng study room,grabe ang bingat nya pala.

Ng makapasok kami sa kwarto ay agad ko syang hiniga sa Kama at kinumutan

aalis na sana ako ng hawakan nya ang Kamay ko

"Stay here pls"mahina nitong saad.

"Kukuha lang ako sa baba ng gamot,tapos babalik din ako"saad ko rito,inayos ko muna ang kumot nya bago ko sya iwan.

Pagbaba ko agad akong naghanap ng gamot sa kitchen,dun kasi nakalagay yung mga first aid.

Nang makahanap ako ng gamot again kinuha ko na yun, at kumuha na rin ako ng maligamgam na tubig at towel

Ng hawak ko na ang mga kailangan ko ay agad akong bumalik sa kwarto.

Naabutan ko sya na mahimbing na natutulog pero halata parin sa kanya na giniginaw sya pero pinagpapawisan naman sya.

nilapag ko muna sa gilid Kama yung mga dala ko tyaka ako naghanap ng damit nya sa closet

Nakapangtulog naman sya pero kasi yung damit nya basa na sa pawis nya.

Umupo ako sa tabi nya at inunbotton yun pang itaas nyang pantulog,medyo nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko na pinansin yun,ano mas uunahin ko pa ba yung kaba na nararamdaman ko kesa sa kanya.

Ng matagal ko na yung damit nya ay pinunasan ko muna sya ng basang towel sa katawan tapos dinamitan ko ulit sya.

"Bakit ba kasi mas inuna mo yung trabaho mo kesa sa kalusugan mo,tignan mo tuloy inaapoy ka ng lagnat,kung hindi pa ako pumunta sa study room hindi ko pa malalaman na inaapoy kana nang lagnat,nahawa pa ata kita eh"saad ko rito,kahit alam ko naman na hindi nya ako naririnig

The Boss And I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon