TBAI:44

1.5K 25 1
                                    

Tiffany P. O. V

Busy ako sa kakaserve sa mga costumer even allen kaya hindi ko na Malayan na kanina pa pala tumatawag si Alexa,hindi ko tuloy maiwasang mag-alala,kapag kasi may problema ang taong yun,agad nya akong tinatawagan at kapag hindi ko nasasagot paulit-ulit nya akong tinatawagan kaya sa kaso nya ngayon I think may problema sya ngayon,actually kahapon ko pa sya napapansin na parang malungkot sya,hindi ko lang talaga sya magawang tanungin kahapon kasi alam ko naman na kusa syang lalapit sakin at sasabihin nya ang problema nya.

"Miss Tiffany nasa VIP room po si Ms.Alexa"sambit ni Mocha bago kong empleyado.

"Sige,salamat,ikaw na munang bahala dito"sambit ko rito at iniwan na sa kanya ang trabaho ko at agad na pinuntahan si alexa sa VIP room dito.Nagpaalam muna ako kay allen baka kasi hanapin nya ako eh,ang totoo nga nyan ang swerte ko sa lalaking yun,akalain mo yun playboy nagawa kong baguhin.

VIP ROOM

Ng makarating ako sa kwarto na kinuha nya ay agad akong pumasok at naabutan ko ang pinsan kong umiinom,mukhang may problema nga sya...

"Couz"tawag ko rito ng lingonin nya ako,tumabi ako sa kanya ng bigla nya akong yakapin at mas lalo akong nalungkot ng marinig ko ang paghikbi nya,is she crying?

"What's the matter,may problema ba? Nag away ba kayo ni xian ulit?"hindi ko maiwasang magtanong sa kanya ng sunod-sunod Dahil sa pag aalala ito ang pangalawang pagkakataong nakita ko syang umiyak,after her parents died and then now, kung alalahanin ko nung huli ko syang nakitang umiyak ay almost 4 years na ang nakalipas"sige lang...umiyak lang hanggang sa mapagod kana at mawala yang sakit na nararamdaman ko,go cry as you can"hinagod ko ang likod nya para malaman nyang handa akong makinig at maging crying shoulder nya,ng humagolhol sya pag iyak,at masasabi kong nasasaktan sya ngayon at hindi nya kakayanin na harapin yun ng nag-iisa.

"Couz bakit ganun*sniff* akala ko ok na kami*sniff*masaya naman kami eh... Pero bakit ganun,bakit kailangan kong maramdaman toh*sniff*sobrang sakit....sobrang nasasaktan akong makita syang kahalikan ang minsan na nyang minahal... *sniff* ang hirap...sobra...hindi ko na alam ang gagawin ko*sniff*"ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya sa bawat salitang binibitawan nya,binuksan nya ang puso nya para sa taong yun at Dahil dun ang taong yun ang dahilan kung bakit nasasaktan sya ngayon ng sobra"akala ko Dahil sa mga pinapakita nyang pagpapahalaga sakin*sniff*I thought he already likes me pero hindi pala,pakiramdam ko hinayaan ko ang sarili kong maging pampalipas oras nya lang at sya talaga ang gusto nya... *sniff*ano bang mali sakin...wala ba akong karapatang mahalin"mas lalong lumakas ang pag iyak nya.

"Lahat ng tao ay may karapatang mahalin..sadyang bulag lang at manhid ang minamahal mo"sambit ko rito at hinarap ko sya sakin,pinunasan ko ang mga pisngi nyang basang basa na sa mga luha nya,sa pamamaga ng mata nya mukhang kapahon pa sya umiiyak.

"Sinunod ko naman ang sinabi mo eh... Na buksan ko ulit ang puso ko at magmahak ulit pero maling tao ang pinapasok ko at minahal....nasasaktan ako sa katotohanang pampalipas oras lang ako at ngayong ayos na sila, natatakot ako na baka iwan nya ako,hindi ko na alam ang gagawin ko...sya na lang ang meron ako...!!"hindi ako sabay... Hindi ako sanay na nakikita ko ang pinsan kong umiiyak at nasasaktan ng sobra Dahil sa kanya,at nasasaktan ako ng sobra dun,sa buong buhay nya ang tanging ginusto nya ay ang mahalin sya ng taong mahal nya pero nagiging madaya ang tadhana pagdating sa kanya,na para bang pinaglalaruan lang ito.

"Ganyan talaga kapag nagmahal ka sa maling tao....sa una masaya pero hindi mo alam yung sa susunod na araw ay masasaktan at malulungkot ka pala"aaminin ko wala akong masyadong experience pagdating sa love pero ramdam ko kung gaano nasasaktan ang pinsan ko ngayon na para bang unti unting hinahati ang puso nya.Her eyes full of sadness,and pain"makinig ka... Alam kong hindi basta-basta mawawala syang sakit na nararamdaman mo pero iiyak mo lang yan,isigaw mo ilabas mo,para kahit papaano mawala ng bigat yang nararamdaman mo...ang alexang kilala ko hindi iyakin,at hindi basta basta magpapatalo...yun ang alexang kilala ko"muli nya akong niyakap para dun ulit umiyak,tama lang yan,iiyak mo lang hanggang maubos ang mga luha mo.

The Boss And I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon