TBAI:51

1.7K 30 0
                                    

Alexa P. O. V

Inabot kami ng ilang oras sa pagkwekwentuhan syempre kasama namin si roxanne.Pero Anong oras na kailangan na nilang umuwi lalo na tong si tiffany.

"Baby let's go, kailangan ko ng umuwi"yaya ni taylor Kay marcus,mukhang lasing na ang isang toh,delikado kong aalis silang dalawa tapos si marcus lasing.

"Teka taylor,dito kana lang muna magpalipas ng gabi,delikado na rin sa daan ng ganitong oras"sambit ko rito,mukhang nag aalangan pa nga eh pero agad naman din syang pumayag,ganun din si tiffany dito ko muna papalipasin ng gabi,sabi ko sakanila ako ng bahala sa mga parents nila.

Si roxanne hinatid na muna si jonathan sa kwarto nya...Ewan ko ba sa mga toh,bakit kailangang magpakalasing.

Ako naman hinatid muna si timothy sa kwarto nya,kasunod ko din sina Tiffany na inaalalayan ang mga lasinggero,pinagisa muna namin ng kwarto si marcus at allen,tapos si tiffany  matutulog sa naging kwarto ko dati,si taylor naman sya ang gagamit ng kwarto ni marcus.

Pagkatapos ko silang hinatid sa kwarto nila ay binalikan ko si xian sa sala, na natutulog na sa sofa.

"bakit ba kasi kailangan nyong magpakalasing...."sambit ko rito,inilagay ko ang kamay nya sa balikat ko at inaalalayan na tumayo,hindi ko akalain na mabigat pala sya"kung alam ko lang na ganito ang mangyayari hindi ko na sana kayo hinayaan na magpakalasing"bakit ko ba pinagsasabihan ang tulog.Umakyat na lang kami sa kwarto at pabagsak syang hiniga sa kama,alangan namang alalayan ko ba eh ang bigat nya.

Tinanggal ko na ang sapatos nya at inayos sya ng higa,tinaggal ko ang pang itaas na suot nya para punasan nya at para na din mahimasmasan kahit kunti.

"sa susunod hindi ko na kayo paiinomin pa,nakakapagod kayo asikasuhin ang bibigat nyo"alam kong hindi ako maririnig ng Isang toh pero ayos na rin yun.

lalayo na sana ako ng bigla nya akong hawakan sa kamay at hinila dahilan para paibabawan sya.

"Hoy ano ba yang ginagawa mo,kailangan ko pang linisin yung mga kalat sa baba"sambit ko rito ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Stay here honey"hindi na ako nagpumilit na umalis,hihintayin ko na lang namakatulog sya ng tuluyan bago ako bumalik sa baba para linisin yung mga kalat dun.

Ng maramdaman ko ang pagluwag ng pagkakayakap nya sakin ay alam ko ng tulog na sya,dahan dahan akong umalis sa ibabaw nya,at binihisan na lang sya ng panibagong damit pang itaas.

Pagkatapos ko sa pag-aayos Kay xian ay bumaba na ako sa sala para maglinis.

ANONG oras na ng matapos ako sa paglilinis bago ako nakabalik sa kwarto,tulog parin sya hanggang ngayon,tumabi na lang ako rito at yumakap sa kanya,at natulog na.

KINAUMAGAHAN maagang umalis sina tiffany at taylor,hindi ko na nga sila naabutan nung paggising ko,nalaman ko na lang na umuwi na sila ay dahil Kay nanay rem,si roxanne maagang umalis para sa Photoshoot nya,si jonathan naman ganun din maagang umalis para pumasok sa trabaho,si Xian may emergency meeting kaya maagang umalis,so ako na lang ang hindi busy samin,natapos ko na kasi lahat ng pinagawa ni attorney,Actually kinausap ko sya sinabi ko na ilipat nya ang lahat ng meron ako sa pangalan ni xian,alam kong ito rin ang gusto ng mga magulang ko,kaya aasikasuhin ni attorney ang paglipat sa pangalan ni xian,hindi nya pa alam ang tungkol dun,sasabihin ko din naman sa kanya agad.

"Iha may package para sayo"sambit ni nanay rem sakin ng makalapit sya sakin,napatingin ako sa box na dala nya.

"Kanino daw po galing?"

"Hindi sinabi eh"

"Sige po salamat po"kinuha ko na lang yung box na hawak nya at nilapag yun sa table sa harap ko,nandito kasi ako sa sala nanonood ng T. V.

The Boss And I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon