TBAI:43

1.5K 27 0
                                    

Alexa P. O. V

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nasaktan ako ng makita ko ang picture nilang dalawa,siguro nga hanggang ngayon sya pa rin ang mahal nya,mahirap mang isipin pero mukhang ganun na nga,aaminin ko nakaramdam ko ng matinding selos dahil sa katotohanang hindi nya magawang kalimutan si roxanne kaya kahit itanggi nyang binura na sya sa buhay nya si roxanne ay mahirap paniwalaan.

"Hoy girl kanina kapa tahimik.... Ayos ka lang ba"nag-aalalang tanong sakin ni taylor,maaga akong umalis sa bahay para pumunta dito sa bar humingi kasi ng tulong sakin si tiffany na mag assist sa bar nya dahil kinulang sya ng mga tauhan.

"Oo naman.... Medyo masakit dito"tinuro ko ang bandang puso ko na para bang nahihirapan sa sitwasyon.

"Ang hirap ng one sided love noh"

Akala ko nung una wala lang tong nararamdaman ko na nawawala din toh pero habang patagal ng patagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya at ito na nga yun.Masaya ako dahil kahit papaano pinaparamdam nya sakin na may halaga ay puwang ako sa buhay nya,hindi ko inisip ang magiging kalalabasan nito.

Hindi ko na nagawang sumagot pa baka kasi mas lalong lumaki ang sugat sa puso ko at baka kapag nangyari yun baka mabaliw na ako.

"Si tiffany nga pala asan sya"pag iiba ko sa usapan.

"Ayun inayos yung mga inumin para mamaya,mukhang whole day dito"tumango lang ako sa pagsang ayon,na baka gabihin kami dito,may dalawang event kasi na nagrent ng bar pero syempre hati ang oras nila.

Buti nga nandito si allen para tulungan kami even sina Marcus at timothy ay nandito rin,nakakatuwa nga eh kasi sila na Mismo ang nagrekomendamg tutulong sila.

Masaya ako kina tiffany at allen,almost a month  na silang makarelasyon at wala akong nakikitang pagtatalo nila,mukhang nakahanap na nga ng tamang lalaki sj tiffany,sabihin na nating maypagkabarombado si allen pero alam kung seryoso sya sa pinsan ko,wag lang syang mag-kakamaling mangbabae at lokohin ang pinsan ko dahil ako Mismo ang sisira sa iniingat-ingatan nyang mukha.

Ten A. M ng magsidatingan ang unang gagamit ng bar for they event,kaya casual lang na inomin ang nerequest nila.

Habang patagal ng patagal padami na ng padami ang mga tao dito,siguro mga kakilala lang din nila ang mga bagong dating kaya ito kami tamang assist sa kanila.

Hindi na namin nagawang mag pahinga pa dahil pagkatapos ng isang event ay ang pagdating naman ng pangalawa kaya nagkakanda-ugaga kami sa pag aayos.

"May problema tayo"hingal na hingal na sambit ni tiffany samin na para bang nagmadali pang pumunta sa pwesto namin"yung DJ natin umalis kasi magka emergency sa kanila,wala na akong kilalang pwedeng pumalit"halata sa mukha nya ang pag-aalala nabaka umalis ang mga tao dito at lumipat ng ibang bar.

"Si JP"sambit ko,matagal ko ng alam na hilig ni jp ang pagddj sa mga bar.

"Oo nga pala,sige wait tatawagan ko lang sya"rekomenda ni taylor na agad nyang dinial ang number ni Jp.

"Hello"

Ni loud speaker ni taylor ang call para marinig namin ang usapan nilnag magpinsan

"Cou'z we need you here in bar pls come Immediately"

"Why? May problema ba?"

"Kailangan namin ng DJ at ikaw lang ang kilala namin"

"Ok I got it,papunta na ako"

Nakarelief kami ng pumayag si jp managing dj, akala ko tatanggihan nya kami,sa bagay basta pagdating kay taylor hindi sya makakatanggi mahal na mahal nya ang pinsan nya.

The Boss And I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon