Alexa P. O. V
Sobrang saya ko ngayon dahil kasama ko sya ngayon,ganto pala pakiramdam ng kasama mo yung taong minamahal mo habang naglalakad kayo sa dalampasigan.
"Xian"
"Hmm"
"I want to say thank you"tumigil sya paglalakad at humarap sya sakin,ayun na na naman ang tingin nya,nakakalunod.
"For what?"
"For making me happy,I know this past few days medyo naging rude ako sa inyo lalo na sayo dahil sa nangyari,pero kahit ganun nanatili ka parin sa tabi ko at hindi mo ako iniwan mag isa"nagpatuloy ulit ako sa paglalakad and this time na sa unahan nya ako."na realize ko kasi na kahit anong pagmumukmok ko at kahit umiyak pa ako ng dugo Hindi na magbabago ang nangyari at hindi na nun maibabalik ang buhay ng magulang ko,dahil sayo mas naging matatag ako,at alam kong hindi mo ako papabayaan,... Tama naman ako diba"humarap ako sa kanya ng nakangiti para ipakita sa kanyang ayos lang ako at masaya ako na kasama sya,medyo malayo ang distance namin,sinadya ko talaga yun na medyo lumayo sa kanya.
"Diba hindi mo naman ako iiwan katulad nila?"nakangiting tanong ko rito,ilang segundong hinintay kong sumagot sya pero hindi,huminga ako ng malalim at muli ko syang tinalikuran.
"Oo naman"napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi nya,na nagpabilis ng tibok ng puso ko,hinarap ko syang nakangiti para ipakita sa kanyang masaya ako sa sinagot nya.
"Talaga,then promise me...Mangako ka na hindi ka aalis sa tabi ko at hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari"nag pinky swear ako para siguradong magpropromise sya sakin,dahil ito lang ang kaya kong panghawakan.
"Then you need to promise too"hindi ko mapigilang ngumiti sa sinabi nya.
"I promise,no matter what happen,nasa tabi mo lang ako nakaalalay sayo"I said.
"Then I promise too"ito na siguro ang pinaka memorable na gabing nangyari samin,naging masaya kami at ngayon may pangako na kaming pinanghahawakan,hindi ko mapigilang maluha dahil ito lang ang pwede kong panghawakan,sapat na yun to make me happy.
Nakatingin lang ako sa kanya na unti-unting papalapit sa kinakatayuan ko,nang nasa harap ko na sya,naramdaman ko ang kamay nyang nasa pisngi ko.
"Shh!Stop crying!"he hug me tightly at pinaramdam nya sakin na hindi ako nag iisa,na ligtas ako sa tabi nya,I wish na hindi na dumating pa ang panibagong araw,dahil alam kong magbabago na naman ang lahat.
Xian,Kahit natatakot ako,sinubukan ko paring buksan ulit ang puso ko at ikaw ang pinapasok ko,alam kong sya pa rin ang mahal mo kahit hindi mo sabihin sakin dahil ramdam ko yun,kaya sana hayaan mo akong sa tabi mo,masakit pero kakayanin ko.
KINABUKASAN Maaga kaming bumalik ng manila dahil may urgent meeting sya sa isang client nya,balak ko sanang mag pa-iwan kaso ayaw naman nya dahil baka daw may mangyari sakin na masama kung mag isa lang ako,akala ko pa naman mag sstay pa kami ng dalawa o tatlong araw sa Resthouse nya sa Batangas.
Nangmakabalik kami,hindi ako sa bahay umuwi kundi dumiretso ako sa Bar ni Tiffany,may good news daw kasi sya sakin,kaya pumunta agad ako dito.
"Tiffany ano ba yung sasabihin mo,pabitin ka rin eh noh!"reklamo ko rito dahil kanina pa sya may gustong sabihin kaso ayaw nyang ilabas sa bibig nya,tyaka napansin ko na blooming sya ngayon"ano sasabihin mo ba o dito lang tayo at magpapakiramdaman"
BINABASA MO ANG
The Boss And I (Completed)
FanfictionBoss, 4 letter 1 word pero kilala ng lahat at tinitingala,kilala sya dahil sa pagiging magaling na business man at kinakatakutan, pero pano kung one day Malaman mo na lang na ipinagkasundo ka ng magulang mo sa kanya to marry him, will you accept or...