Tiffany P. O. V
Kanina ko pa napapansin na parang may kakaiba sa kinikilos nung dalawa,na para bang lagi ng nagtatalo simula ng pumunta kami dito, si xian lagi nang nakatuon ang atensyon Kay roxanne tapos ang pinsan ko naaawa ako dahil sya hinahanap ang atensyon ni xian pero na sa iba ang naman,pakiramdam ko Tuloy mali na hinayaan namin na isama si roxanne.
Tapos ngayon ito maggagabi na pero hindi parin namin mahanap ang babaeng yun,saan naman kaya nagsususuot yun.
"Nilibot na namin buong resort pero walang makakita Kay alexa"sambit ni Marcus na na kakarating lang dahil sa paghahanap.Sakto din ng dumating sina allen.
"Nag tanong tanong narin kami sa mga tao dito pero lahat sila walang nakakita"
"Ano ba naman yan,maggagabi na pero ni isa satin walang nakakaalam kung nasaan si alexa"hindi ko napigilang mainis dahil sa mga nangyayari,dumagdag pa tong si xian na hanggang ngayon hindi pa bumabalik.
"Anong nangyayari dito"biglang tanong ng kakarating na si xian,tinignan ko si roxanne na kapit na kapit sa braso ni xian.
"Bakit hindi mo alamin ng malaman mo"inis na sagot ko rito,ng hawakan ni allen ang kamay ko para pakalmahin.
"Nawawala si Alexa"imbes na ako ang sumagot ay si timothy na ang sumagot,tinignan ko sya pero mukhang wala naman sa kanya ang pagkawala ni alexa,ni parang wala syang pakialam.
"Nandito lang yan,baka nasa bayan naglilibot"Natawa na lang ako sa naging sagot nya.
"Kung nandito lang pala si alexa edi sana kanina pa namin nahanap...alam mo kung wala kang pakialam sa pinsan edi sana hindi ka na nagtanong pa kung ano ang nangyayari"halos lahat sila ay nagulat sa pagsigaw ko Kay xian.
"Tiffany tama na yan,hanapin na lang natin si alexa"sambit sakin ni allen,habang hawak nya ang kamay ko.
"Tama yan,hanapin nyo na lang sya,siguradong nandyan lang yan,napasarap sa paglilibot,balitaan nyo na lang ako"makalaglag panga ang naging sagot ni xian.
"Talaga bang wala ka ng pakialam sa kaibigan namin,porket kasama mo ang babaeng yan nakalimutan mo na si alexa,sabihin mo nagkabalikan naba kayo ng malanding yan!!"ngayon si taylor na ang nagsalita.
"Hindi ko alam ang sinasabi nyo,pero sana naman wag nyong pagsalitaan ng ganyan si roxanne"malamig na sagot ni xian,grabe proud na talaga ako sa dalawang toh mga walang puso.
"Alam mo sa oras na mahanap namin si alexa,kung kinakaialangan kong magpakademonyo at kukumbinsihin ko si alexa na makipag hiwalay na sa isang katulad mong walang puso,Manhid!!!"pagkatapos sabihin ni Taylor ang mga salitang yun ay agad syang umalis,na agad naman syang sinundan ni marcus.
"Tanong lang xian.....ni minsan pa nagkaroon ng puwang ang pinsan ko dyan sa puso mo?"alam kong wala akong karapatan na magtanong ng ganun sa kanya pero pinsan ko na ang pinaguusapan dun"hindi ka makasagot kasi wala lang naman talaga para sa'yo si alexa...sa oras na mahanap namin sya,makipag hiwalay ka na lang"ako ulit ang nagsalita ng nanatili lang syang tahimik at hindi sinagot ang tanong ko,apat na lang kami na natitira dito dahil si roxanne umalis na,ayaw nya daw makisali sa usapan namin,na tama naman.
"Bakit ba gusto nyong hiwalayan si alexa?"nanatili syang seryoso ng tanungin nya yun,ano mang oras ay masasapak ko na sya,kung wala lang nararamdaman para sa kanya si alexa matagal ko ng ginawa.
"Dahil nasasaktan na sya ng sobra"kita ko sa mukha nya ang gulat ng sabihin ko yun,alam kong ito ang gugulo sa isip nya pero sana naman kahit papaano maramdaman nya ang nararamdaman ni alexa para sa kanya"mahirap ang one sided love"pagkatapos kong sabihin yun ay tinalikuran na namin sya,ayokong ubusin ang oras ko sa isang katulad nya na walang pakialam sa pinsan ko.
BINABASA MO ANG
The Boss And I (Completed)
FanfictionBoss, 4 letter 1 word pero kilala ng lahat at tinitingala,kilala sya dahil sa pagiging magaling na business man at kinakatakutan, pero pano kung one day Malaman mo na lang na ipinagkasundo ka ng magulang mo sa kanya to marry him, will you accept or...