TBAI:45

1.6K 26 0
                                    

Alexa P. O. V

Nagising ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko,I slowly open my eyes and I saw nanay rem na binubuksan ang bintana ng kwarto at nililihis sa gilid ang mga cortinang nakalagay.Napabangon ako sa naramdaman kong pag kirot ng ulo ko,I think this is a hangover,masyadong naparami ang inom ko last night.

"Kamusta ang pakiramdam mo masakit ba ang ulo mo?"tanong ni nanay rem.

"Medyo nahihilo pa rin po at medyo sumasakit ang ulo ko"sagot ko rito habang hinihilot ang sintedo ko.

"Nasa side table ang breakfast mo,pagkatapos mong kumain inumin mo yung gamot para mawala ang hangover mo"paalala nito sakin.

"Salamat po nanay rem"sambit ko rito ng lumabas na sya ng kwarto,napatingin ako sa gilid ko,dito ako natulog at nakatabi ko sya... Na pamaang na lang ako ng maalala ko ang nangyari kagabi.So may nangyari samin ka gabi, napayakap ako sa sariling tuhod ng maalala ko ang katotohanang nagpabaya ako at hinayaan na angkinin ulit ako.....is this my karma?

Bakit hinayaan kong manalo ang puso ko sa isip ko,at Natalo ako,hinayaan kong may mangyari saming dalawa for the second time,ang tanga-tanga ko...bakit ba kasi nagpakalasing ako kagabi.Nababaliw naba ako at nagawa kong uminom ng umaga hanggang gabi.

Napatingin ako sa damit na suot ko,alam kung hindi ito ang suot ko kundi sa kanya,suot ko ang malaki at maluwag nyang polo,aaminin ko ginusto ko rin ang nangyari saming ka gabi pero hindi ki maiwasang mapaisip na,kaya lang ba nay nangyari saming dalawa kasi wala si roxanne sa tabi nya at ako ang kailangan nya,inaasahan ko na katabi ko sya hanggang sa magising ako pero nagising ako ng wala sya sa tabi ko, hindi ko mapigilang matawa ng mapakla sa naisip ko,baka nga ganun....pampalipas oras nga lang talaga ako sa kanya.

Pinilit kong tumayo at Bumangon kahit medyo masakit ang buo kong katawan,pakiramdam ko ano mang oras ay matutumba ako.Nilingon ko yung pagkain na inihanda ni nanay rem sa may side table ko,gusto kong kumain pero parang wala akong ganang kumain kahit parang gutom na gutom na ako.Ilang araw naman na akong hindi nakakakain ng matino pero pakiramdam ko ayaw kumain ng sikmura ko.

Bumaba ako ng kusina para maghanap ng pagkain,hindi ko alam kung bakit may pagkain naman na ako sa taas pero parang ang hanap ng sikmura ko ay may mainit na sabaw.

Habang naghahanap ako ng pwedeng iluto ng may biglang may braso na umakap sakin.

"Gising kana"malambing at masarap sa pandinig ang pagkakasabi nya na nagpabilis ng tibok ng puso ko,hindi talaga nagiging normal ang tibok ng puso ko kapag sya na ang pinaguusapan at kapag kasama ko sya,pakiramdam ko nakalimutan ko yung sakit na pinagdaanan ko sa kanya na pa rang nawala na lang bigla.

"Wala kang trabaho?"tanong ko rito ng maramdaman ko ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko at isiksik iyon sa leeg ko dahilan para bigyan ako ng kakaibang pakiramdam.

"Meron"sagot nito.

"Bakit nandito ka pa kung meron kang trabaho?"

"Worried"nakangiting sambit nito sakin,humarap ako sa kanya para makausap sya ng maayos.

"Syempre sinong hindi mag-aalala baka napapabayaan mo na ang companya mo"agad na sagot nito,ng biglang naglapat ang mga labi namin,hindi ako nag alinlangang tumugon dahil gusto ko rin na ganito sya sakin.

"Don't worry hindi ko papabayaan ang companya dahil yun lang ang meron ako para buhayin ka at ang mga magiging anak natin"sambit nito na nagbigay ng saya sa pakiramdam ko,ng niyakap na naman nya ako ulit"I want this"

"Ang alin?"

"Ito yung kayakap ka ng matagal at kasama ka....mamimiss ko toh habang nasa Europe ako"

The Boss And I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon