Alexa P. O. V
Kanina ko pa gustong sabunutan ang pinsan kong toh,kanina pa kami paikot ikot dito sa park ang sakit na ng paa ko kakalakad
"Tiffany ano ba talagang ginagawa natin dito kanina pa tayo palakad lakas at halos nalibot na natin ang buong park na toh"
Umupo Muna kami sa may bakanteng upuan malapit dito sa food park,buti nga eh nakita namin to habang naglilibot
"Yung totoo may sinusundan ka dito noh"sambit ko rito na nagpatigil sa kanya
"Ok sasabihin ko na yung totoo,kaya tayo nandito kasi sinusundan ko si Allen"nagtaka ako sa sinabi nya,bakit si allen
"Si allen bakit naman....... Teka wag mong sabihing"hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng tumango sya,so may gusto sya kay Allen,ito ang unang pagkakataong may magustuhan ang babaeng toh at si Allen pa wala namang problema sakin yun pero kasi si Allen playboy
"Couz silent ka lang Muna ha sainyo palang kasi ni Taylor ko sinabi kaya pls wag mo munang sabihin sa mga kaibigan nya"
"Pero bakit sinusundan mo sya?"tanong ko rito
"Nung nalaman nya kasi ang tungkol sakin at kay kate iniiwasan nya ako sinubukan ko syang puntahan sa bahay nya pero wala"nakita ko sa mga mata nya nalulungkot sya,nalaman na pala nya
"Couz hindi ko na alam ang gagawin ko, I really miss him"inlove nga sya.
Pero hindi ko inaasahan na makikita ko ang taong sinusundan namin,si allen na may kasamang babae
"Si Allen Yun diba"turo ko sa kabilang direksyon, makikita sa mukha ni allen na masaya syang kasama yung girl,binaling ko ang atensyon ko kay tiffany na seryosong nakatingin sa pwesto ni allen, makikita sa mga Mata nya na nasasaktan sya sa nakikita nya
"A-ahh ang sarap nung pagkain noh"pinilit kong kunin ang atensyon nya pero hindi ako nagtagumpay
Bakit ba kasi si Allen pa
"Ang saya nya panoorin,ngayon ko lang sya nakitang ganyan kasaya"pilit syang ngumiti at humarap sakin,hindi ako sanay na nakikita syang ganyan kalungkot.
Muli naming binalingan ng tingin ang pwesto ni allen at nagulat ako ng makitang naghahalikan sila ng kasama nyang babae
"Grabe pano nila nagagawa ang ganyang bagay sa mga ganitong lugar hindi na sila nahiya"sambit ko,binaling ko ang tingin ko kay tiffany na ngayon ay umiiyak,nakaramdam ako ng sakit dahil sa nakita ko sa pinsan ko,sino sya para paiyakin ang pinsan ko.
"Tiffany"tawag ko sa pangalan nya ng bigla syang umalis gusto kung sugurin si allen at sapakin ng paulit ulit pero kailangan ako ng pinsan ko,sinundan ko si tiffany hanggang sa fountain
Huminto sya at dun nilabas ang Sama ng loob
"Couz Bakit ganun,ganun ba kalaki ang kasalanan ko para ganituhin nya ako hindi ko naman sinasadyang malaman eh couz sobra na eh sobra na sya"umiiyak na sambit Nito sakin
"Shhh......tama hindi mo sya kailangang iyakan,his not deserve to be with you,maraming ibang lalaki dyan yung matino" niyakap ko sya dahil yun lang ang alam kong paraan para gumaan ang pakiramdam nya
"Hindi Couz,hindi ko kaya Couz Mahal ko sya kahit alam kong hindi nya ako magugustuhan kasi ang gusto nya ay yung sexy at maganda hindi tulad ko"hindi ko gusto na nagkakaganito sya ng dahil kay allen
"Ano kaba mas maganda ka sa mga babae nya yung sexy medyo"bigla na lang syang Natawa sa sinabi ko,kahit papaano Nagawa ko syang patawanin
"Couz naman eh"
BINABASA MO ANG
The Boss And I (Completed)
FanfictionBoss, 4 letter 1 word pero kilala ng lahat at tinitingala,kilala sya dahil sa pagiging magaling na business man at kinakatakutan, pero pano kung one day Malaman mo na lang na ipinagkasundo ka ng magulang mo sa kanya to marry him, will you accept or...