TBAI:50

1.9K 24 0
                                    

Alexa P. O. V

Ngayon ang balik namin sa maynila tulad ng sinabi sakin ni xian,katulad ng pagpunta namin hiwalay kami kina allen and this time sila naman ang nauuna.

Nakasandal lang ako sa front seat ng sasakyan nya habang sya naman ay tahimik na nagmamaneho habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa kamay ko habang ang isa naman ay nasa manobela,I can't imagine na makakaramdam ako ng ganitong saya.I love him and he love me too,sa una natakot akong umamin pero nung sinabi nya ang tatlong salita mula sa bibig nya parang nabuo ang pagkatao ko.

Nung Nagising ako sinabi na din nya sakin ang lahat,simula nung makita ko sila sa office nya,sabi nya nakatulog daw sya nun nang bigyan sya ni roxanne ng wine tapos ayun galit na galit nga sya nung nalaman nya ang ginawa ni roxanne,pero dahil sa sinabi ni roxanne sa kanya nakumbinsi syang sabayan ang plano ni roxanne..... Planong pagselosin ako kasi pakiramdam ni roxanne may nararamdaman na ako para Kay xian at hindi ko magawang maamin,kahit nung nasa resort kami lahat yun planado ni roxanne...

Mukhang kailangan ko pang pasalamatan si roxanne sa ginawa nya,akala ko talaga balak nya akong saktan ulit pero dahil sa plano nya naamin ko din ang nararamdaman ko.

Nanatili lang ako tahimik habang masuyo syang pinagmamasdan,kahit Antok na antok ako dahil sa tuwing pipikit ako hindi ako tinantanan ni xian ka gabi kaya pakiramdam ko pagod na pagod ako at gusto kong Matulog ng buong magdamag pero mas gugustuhin ko siguro na masdan at titigan ang maamo nyang gwapo.

HINDI ko alam kung gaano katagal akong nakatatulog pero tanging alam ko lang nakatulog ako na nakaupo sa may front seat ng sasakyan pero ngayon pakiramdam ko ang lambot ng hinihigaan ko ngayon.

Minulat ko ang mga mata ko ang familiar na kwarto...teka nak iwi na ba kami?... Bumangon agad ako sa pagkakahiga at agad na nilibot ng tingin ko ang paligid,napangiti na lang ako sa natunghayan ko,kwarto naming dalawa toh...

Naisipan ko na bumaba dahil nakaramdam ako ng gutom.

"Gising kana pala Iha"nakangiting bungad sakin ni nanay rem habang naglikinis sa sala,kababalik lang din siguro ni nanay rem ngayon,ang pagkakatanda ko Pinauwi sya ni xian sa probinsya para makasama ang mga anak nya dun.

"May gusto ka bang kainin,ipaghahanda kita"

"Wag na ho...tyaka magpahinga muna po kayo mukhang kanina pa kayo naglilinis"nakangiting sagot ko rito.

"Parte ito ng trabaho ko,oh sya maiwan muna kita dyan at lilinisin ko lang ang kwarto nyo"hindi ko na sya pinigilan dahil alam kong hindi magpapatalo si nanay rem kaya nga sa lahat na naging kasambahay ng pamilya ko sya pinaka mahal ko,kung alagaan nya kasi ako ay parang isa ako sa mga anak nya at masaya ako dun.

Dumiretso na lang ako sa kitchen at agad na naghagilap ng pagkain sa ref kaso wala naman ng laman tanging ang grabes na lang.

"Ayos na toh"sambit ko sa sarili,sinara ko agad yung ref ng kunin ko yung grabes.

Asan kaya sya?

"Kanina ka pa gising?"nagulat ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod,nawala din yung gulat ko ng maamoy ko ang pabango nya.

"Kakagising ko lang,bumaba ako kasi na gutom ako kaso ito lang nakita ko"sagot ko rito,pakiramdam ko bibigay na ako na sa kiliting naramdaman ko sa tuwing tumatama ang hininga sya sa leeg ko.easy self.

"Pwede ba tayong pumunta sa supermarket para bumili ng stock dito sa kitchen"

"Sige kung yan ang gusto mo...pero mas natutuwa ako kapag sinuboan mo ko nyan"

Naramdaman ko ang labi nya na dumampi sa balikat ko,humarap ako rito at kumuha ng isang grapes.

"Here"akmang isusubo ko na sakanya yung grapes na nilayo ko agad at agad kong kinain pero nagulat na lang ako ng hawakan nya ang pisngi ko at agad akong siniil ng halik,naramdaman kong pilit nyang kinukuha yung grapes sa bibig ko gamit ang bibig nya.

The Boss And I (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon